Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Mga progresibong partido, nag-anunsyo na ng kanilang mga nominado para sa Kongreso
September 27, 2021

Nag-anunsyo noong Setyembre 26 ang mga progresibong partidong Bayan Muna, Anakpawis Partylist, Gabriela Women’s Party, Kabataan Partylist at ACT Teachers Partylist — kilala bilang blokeng Makabayan — ng kumpletong listahan ng kanilang mga nominado sa Kongreso para sa halalang 2022. Para sa Bayan Muna, inihalal si Teddy Casino bilang unang nominado nito, kasunod sina Rep. […]

Sa ika-49 anibersaryo ng martial law: Duterte inihalintulad sa dating diktador na si Marcos
September 27, 2021

Ginunita sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at sa ibayong dagat sa pamamagitan ng mga protesta, pagtitipon at pahayag ng pakikiisa ang madidilim na taon ng batas militar ng diktadurang US-Marcos noong Setyembre 21. Sa pahayag ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), isinaad nito ang kahalagahan ng paggunita sa batas militar ni Marcos dahil sa pag-iral ng […]

Kwentong kanayunan: Kayod-kalabaw sa pagtatanim ng mais
September 26, 2021

(Ang sumusunod ay mas mahabang bersyon ng artikulong lumabas sa Ang Bayan, Setyembre 21, 2021. Ang mga kwento ay hango sa pakikipanayam para sa Ang Bayan ng mga manunulat ng Panghimakas, rebolusyonaryong pahayagan ng isla ng Negros.) Inilalarawan ng dalawang magsasaka ng isang komunidad sa Negros ang kayod-kalabaw na proseso sa pagsasaka at mga problemang […]

Wanted: 92,000 duktor, 44,000 nars
September 25, 2021

Kulang na kulang ang mga manggagawang pangkalusugan sa Pilipinas. Sa isang pagdinig sa Kongreso kaugnay sa nararapat na “cap” o bilang ng mga manggagawang pangkalusugan na papayagang lumabas ng bansa, sinabi ng isang upisyal ng Department of Health na nangangailangan ang bansa ng 92,000 duktor, 44,000 nars,14,000 pharmacist at 17,000 radiologic technician at radiologic technologist […]

Mga grupong pangkalikasan sa Pilipinas, nakiisa sa Global Climate Strike
September 25, 2021

Pinamunuan ng Youth Advocates for Climate Action Philippines (YACAP) ang lokal na protesta ng mga kabataan at mga grupong pangkalikasan kaugnay ng pandaigdigang koordinadong mga protestang Global Climate Strike noong Setyembre 24. Inilunsad ang protesta sa harap ng Manila Bay kung saan matatagpuan ang na tinaguriang “dolomite beach” (bahagi ng baybayin na tinambakan ng giniling […]

Duterte, balak gamitin ang militar para kontrolin ang eleksyon 2022
September 25, 2021

Nagbanta kahapon si Rodrigo Duterte na “mapipilitan” siya na gamitin ang miltiar para diumano tiyaking maging mapayapa at malaya ang eleksyong 2022. Ito anya ay dahil ayaw niya ng gulo at dayaan. Kunwa’y nakiusap pa siya sa mamamayan na sumunod sa batas at iwasan ang karahasan. Ngayon pa lamang, ipinahihiwatig at ipinatatanggap niya ang kanyang […]

Neri Colmenares, tatakbo sa Senado
September 24, 2021

Inianunsyo noong Setyembre 23 ni Neri Colmenares ng Makabayan ang intensyon niyang tumakbo pagka-Senador sa eleksyong 2022. Nagsilbing kinatawan ng Bayan Muna si Colmenares sa Kongreso. Kasalukuyan siyang tagapangulo ng National Union of People’s Lawyers. Panata ni Colmenares, isang kilalang abugadong nagtatanggol sa mga karapatang-tao, na itutulak niya ang imbestigasyon sa “gera kontra-droga” ni Rodrigo […]

Mga health worker sa Visayas at Mindanao, punong-puno na rin sa kapalpakan ni Duterte
September 24, 2021

Binabarat at pinababayaan ng rehimeng Duterte ang mga manggagawang pangkalusugan sa Visayas at Mindanao. Dumadaing ang mga duktor at nars dito sa sobra-sobrang trabaho sa panahon ng pagbwelo ng mga kaso ng impeksyon ng Covid-19 sa iba’t ibang sulok ng bansa. Halos wala pa rin silang natatanggap sa ipinangakong mga benepisyo. Dahil dito, marami sa […]

6 o higit pang kanditatong pagkapresidente sa 2022, lumilitaw
September 24, 2021

Hanggang ngayong araw, lima na ang nagdeklarang tatakbo bilang presidente sa eleksyong 2022. Sa mga darating na araw bago ang takdang petsa ng pormal na pagpapalista sa Comelec sa Oktubre 8, inaasahang magdedeklara rin ng planong tumakbo ang hindi bababa sa dalawa pa. Sumatutal, lilitaw na hindi bababa sa 6 o 7 ang magiging kandidato […]

Pagbaba ng tantos ng disempleyo, panloloko
September 20, 2021

Tahasang panloloko ang pahayag ng mga ahensya ng rehimeng Duterte na bumaba na ang tantos ng disempleyo sa bansa noong Hulyo. Ang totoo, hindi nito binilang ang milyun-milyong manggagawang tumigil nang maghanap o hindi nakahanap ng trabaho sa nakaraang anim na buwan. Hungkag din ang sinasabing tumaas ang tantos ng empleyo dahil sa aktwal ay […]