Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Planong paglamyerda ni Marcos Jr sa UK, binatikos
April 06, 2023

Kabi-kabilang batikos ang inabot ni Ferdinand Marcos Jr matapos ianunsyo ang plano niyang pagbisita sa United Kingdom para dumalo sa koronasyon ng hari ng UK na si Charles III sa darating na Mayo 6. Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), ang paglalamyerdang ito ni Marcos Jr ay walang kahit anumang silbi sa ma mamayang […]

Mga mandirigma at masa, nagtipon sa Eastern Visayas
April 05, 2023

Di maaapula ang diwang palaban ng hukbong bayan at masa sa Eastern Visayas. Buong siglang naipagdiwang ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at ng masang magsasaka sa isang prente gerilya sa Eastern Visayas (EV) ang ika-54 taon ng hukbong bayan noong Marso 27. Sa aktibidad na pinangunahan ng BHB-Efren Martires Command (EMC), nagawa nilang bulag at […]

Mga kasapi ng Kabataang Makabayan, nagraling-iglap sa Kamaynilaan
April 04, 2023

Sa paggunita ng ika-54 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), naglunsad ng isang iglap-protesta ang ilampung kasapi ng Kabataang Makabayan (KM) sa kahabaan ng Bluementritt, Maynila, noong Abril 2. Ang KM ay lihim na rebolusyonaryong organisasyong ng mga kabataan. Ilang linggo bago ang rali, tulong-tulong na naghanda ang mga kasapi mula sa iba’t ibang balangay […]

Pwersahang pagpapasurender at pagsakdal sa kahera ng RMP, kinundena
April 03, 2023

Mariing binatikos ng Rural Missionaries of the Philippines ang nagpapatuloy na panggigipit, pwersahang papasurender at pamimilit para sumang-ayon sa mga kasinungalingan at huwad na mga kaso ng kanilang mga myembro. Kinundena nito ang pamumwersa kay Angelie Magdua, kahera (cashier) ng RMP, na inipit at hinatulang maysala sa kasong “financing terrorism” noong Marso 16. Kasama si […]

Saan napunta ang badyet ng NTF-Elcac?
April 03, 2023

Noong Marso 30, inamin ng bagong-talagang direktor ng NTF-Elcac na si Lorenzo Torres na 16% lamang sa 846 ng proyektong farm-to-market road ng ahensya ang nakumpleto noong 2022. Nakapailalim ang mga mga ito sa Barangay Development Program na may badyet na ₱10 bilyong pondo sa taong iyon. Para sa 2023, dinoble pa ng DBM ang […]

Pagdukot at iligal na detensyon sa 3 sibilyan sa Batangas, binatikos
April 03, 2023

Kinundena ng Karapatan-Southern Tagalog ang labag sa batas na pagdukot at iligal na pagbibimbin sa tatlong sibilyan sa Batangas simula pa Marso 27. Dinukot ng 59th IB sa Medical Center-Western Batangas, Balayan sina Lloyd Descallar at Alfred Manalo, kapwa boluntir ng Sugarfolks Unity for Genuine Agricultural Reform (SUGAR)-Batangas, at si Angelito Balistostos. Sina Descallar at […]

Berdugong tropa ng 80th IB, inambus ng BHB-Rizal
April 02, 2023

Tinambangan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Rizal ang nag-ooperasyong tropa ng 80th IB sa Sityo Karayupa, Barangay San Rafael, Rodriguez noong Marso 31. Isang sundalo ang napatay. Ayon sa BHB-Rizal, matagal nang namemerwisyo at nang-aabuso ang 80th IB sa mga sibilyang komunidad. Mula pa Pebrero ay nag-ooperasyon na ang naturang yunit sa […]

3 na maysakit na Pulang mandirigma, dinukot at sadyang pinatay ng AFP
April 02, 2023

Tatlong maysakit na Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Northeastern Mindanao Region ang inabangan sa mga ospital, dinukot at sadyang pinatay ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong nagdaang linggo. Ito ay sa kabila ng malinaw nilang istatus bilang mga hor de combat o wala sa katayuang lumaban. Ang […]

Araw ng kawalan ng lupa, ginunita sa Pilipinas
March 31, 2023

Nagsagawa ng mga protesta ang mga magsasaka sa Pilipinas noong Marso 29 bilang pakikiisa sa mga magsasaka sa buong mundo sa taunang Internasyunal na Araw ng Kawalan ng Lupa. Sa Metro Manila, nagtungo sa Department of Agrarian Reform ang mga magsasaka sa ilalim ng Kilusang Magbubukid sa Pilipinas at ibang mga demokratikong grupo para igiit […]

Petisyon para ipatigil ang imbestigasyon, ibinasura ng ICC
March 31, 2023

Ibinasura ng International Criminal Court ang pangatlong hiling ng gubyerno ng Pilipinas na isuspinde ang imbestigasyon sa malawakang pamamaslang sa ilalim ng “gera kontra-droga” ng dating pangulong Rodrigo Duterte. Naghapag ang Pilipinas ng mga apela para ipagpaliban o isuspinde ang imbestigasyon una noong Setyembre 2022 at pangalawa noong Enero. Bago ibasura ang pangatlong apela, tinanggihan […]