Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Samutsaring kapalpakan ni Sara Duterte at ng DepEd, binatikos ng mga guro
March 31, 2023

Kinastigo ng mga guro sa illaim ng Alliance of Concerned Teachers si Department of Education Sec. Sara Duterte sa kanyang kontra-guro at kontra-esudyanteng mga pahayag at patakaran, gayundin ang mga kapalpakan ng ahensya. Ngayong araw, binatikos ng ACT ang ginawang pagbabago sa academic calendar kung saan sinaklaw ng pasukan ang Abril-Mayo, ang pinakamaiinit na buwan […]

Mga bilanggong pulitikal sa Negros, isang araw na nag-ayuno
March 31, 2023

Naglunsad ng isang araw na ayuno ang mga bilanggong pulitikal sa Isla ng Negros kahapon bilang protesta sa ika-4 na anibersaryo ng malagim na Oplan Sauron 2 o ang sabayang pagpaslang sa 14 na lider-magsasaka at pag-aresto sa ilampung iba pa sa isla noong 2019. Lumahok sa ayuno ang hindi bababa sa 141 bilanggong pulitikal […]

Bangkay ng napaslang na Pulang mandirigma sa Kalinga, nilapastangan
March 29, 2023

Labag sa internasyunal na makataong batas na nilapastangan ng mga sundalo ng 50th IB ang bangkay ni Onal Osia Balaoing (Ka Puk-et), isang Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), matapos mapatay sa isang engkwentro sa Balbalan, Kalinga noong Marso 9. Paulit-ulit pang pinagbabaril ng mga sundalo ang kanyang bangkay hanggang sa lumuwa ang mga […]

₱750 dagdag-sahod, itinulak ng 12 grupo sa paggawa sa Southern Tagalog
March 28, 2023

Nagsampa ng pinag-isang petisyon sa Regional Wage Board IV-A ang 12 grupo sa paggawa sa ilalim ng Workers Initiative for Wage Increase (WIN4WIN) para sa dagdag-sahod kahapon, Marso 27. Layunin ng petisyon na itaas tungong ₱750 kada araw ang iba’t ibang antas ng sahod sa rehiyon. Sa kasalukuyan, mayroong apat na “klasipikasyon” ang sahod sa […]

Kontraktwalisasyon sa pampublikong sektor, tinutulan
March 28, 2023

Nagprotesta noong Marso 24 ang mga kawani ng gubyerno para ipanawagan ang pagbabasura sa Joint Circular No. 2 S. 2020 ng Department of Budget and Management at Commission on Audit na nag-awtorisa sa mga ahensya ng gubyerno na kumuha ng mga manggagawa sa mga labor agency. Isinagawa ang protesta sa harap ng upisina ng DBM. […]

CPP calls on NPA to "stir up and spread flames" of armed struggle
March 28, 2023

The leadership of the Communist Party of the Philippines (CPP) today issued a statement on the occasion of 54th anniversary of the New Peple’s Army (NPA) tomorrow, March 29. The CPP exhorted the NPA’s commanders and Red fighters to “stir up and spread the flames of the people’s war for national freedom and democracy.” The […]

Detatsment ng CAFGU sa Masbate, pinasabugan ng BHB
March 27, 2023

Pinasabugan ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate ang detatsment ng CAFGU sa Barangay Manlut-od, Placer noong Marso 24. Isinagawa ng BHB ang operasyon dis-oras ng gabi para surpresang patamaan ang armadong pwersa ng kaaway. Apat na sundalo at tauhan ng CAFGU ang napatay sa naturang armadong aksyon. Winasak din ng mga operatiba ng […]

Iglap-protesta, iba pang aktibidad, inilunsad para sa anibersaryo ng BHB
March 27, 2023

Sunud-sunod na aktibidad ang inilunsad ng mga alyadong organisasyon ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa nagdaang linggo sa maraming bahagi ng bansa bilang paggunita sa darating na ika-54 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Naglunsad ng iglap-proesta ang mga kasapi ng Katipunan ng mga Gurong Makabayan (Kaguma) sa Metro Manila noong Marso […]

Tambalang Marcos-Duterte, desperadong iwasan ang kaso sa ICC
March 27, 2023

Desperado na ang tambalang Marcos-Duterte para paatrasin ang kaso laban kay dating presidente Rodrigo Duterte na nakasampa sa International Criminal Court (ICC). Noong Marso 3, nagsampa ng apela ang gubyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG), para pagbawalan ang mga biktima sa huwad na gera kontra-droga at ang Office of […]

Patas na subsidyo, pagbaba ng presyo ng langis, idiniin ng mga tsuper
March 26, 2023

Nananawagan ang grupong PISTON noong Marso 16 na tiyakin na patas ang pagbibigay ng ₱2-bilyong Service Contracting (Libreng Sakay). Ang pondo ay inilaan para ibaba ang pamasahe sa mga pampublikong dyip mula ₱12 tungong ₱9. Hindi masasaklaw ng pondo ang lahat ng ruta, ayon sa Piston. Siguradong piling mga ruta lamang ang mabibigyan ng subsidyo. […]