Archive of AB Dailies

Presidente ng Sri Lanka, napalayas ng dambuhalang protesta
July 11, 2022

Libu-libong galit na mga Sri Lankan ang sumugod at kumubkob sa palasyo ni President Gotabaya Rajapaksa sa Colombo, kabisera ng bansa, noong Sabado, Hulyo 9. Ang pagdumog sa palasyo ay rurok ng apat na buwan nang pagkilos ng mga Sri Lankan sa harap ng napakatinding krisis sa ekonomya, kagutuman at kahirapan. Napilitang lumayas sa palasyo […]

Huwag nang ipagpaliban ang 100% pagbabalik ng mga estudyante sa mga eskwelahan
July 11, 2022

Ituloy na ang paghahanda para sa ligtas na pagbubukas ng mga paaralan sa Setyembre at pagbabalik ng lahat ng mga estudyante sa kanilang mga klasrum sa Nobyembre. Ito ang panawanag ng ACT Teachers Party sa Department of Education kahapon, Hulyo 10. Ayon kay ACT Rep. France Castro, sobrang tagal na ng palpak ng distance learning. “Sobrang […]

Sonang pang-ekonomya, itatayo sa militarisadong mga erya sa Davao City
July 11, 2022

Pang-aagaw ng lupa ang tunay na pakay ng kampanyang kontra-insurhensya ng noo’y meyor ng Davao at ngayo’y bise presidente na si Sara Duterte-Carpio. Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng Davao City Investment Promotions Center ang pagpapalit-gamit sa 25-ektaryang lupa sa Brgy. Daliao, Toril at 80-ektaryang lupa sa katabing Bunawan at Tibungco, lahat sa Davao City. Ang […]

Mamamahayag, pinarangalan ng NDF-Negros
July 11, 2022

Pinarangalan ng National Democratic Front-Negros si Nikka de la Cruz (Ka Chai), isang Pulang mandirigmang maysakit na pinatay ng 94th IB sa Binalbagan sa isla ng Negros noong Hulyo 6. Kasama niyang pinaslang ang tatlo pang mandirigma na pawang maysakit. Walang katotohanan ang ipinagkakalat ng Armed Forces of the Philippines na nagkaroon ng putukan, ayon […]

Samahan ng kontraktwal na gwardya sa UP Diliman, itinatag
July 09, 2022

Para bigkisin at ibayong palakasin ang kanilang paglaban, itinatag ng mga gwardya ng University of the Philippines (UP)-Diliman ang Samahan ng mga Nagkakaisang Security Guards ng UP Diliman noong Hulyo 7. Bunga ito ng pakikibaka ng mga gwardya laban sa iligal na tanggalan, mababang pasahod, paglaban sa kotnraktwalisasyon at iba pang paglabag sa kanilang karapatan […]

Krisis sa disempleyo, patuloy na lumalala
July 09, 2022

Muling dumami ang bilang ng mga walang trabahong Pilipino noong Mayo kumpara sa nakaraang dalawang buwan bago nito, batay sa estadistika ng reaksyunaryong gubyerno. Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority noong Hulyo 6, pumalo sa 2.93 milyon mula sa 2.76 noong Abril. Tumaas din ang bilang ng mga kulang sa trabaho, kahit bahagya […]

Bigo at patuloy na mabibigo ang AFP na durugin ang rebolusyon sa Ilocos
July 08, 2022

Bigo at patuloy na mabibigo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na durugin ang rebolusyonaryong kilusan sa mga prubinsya ng Ilocos—ang “Norte” na inaangking “balwarte” ng pamilyang Marcos. Malaking pwersa ng AFP at PNP ang patuloy na ibinubuhos sa mga prubinsya ng Ilocos, laluna sa mga komunidad na apektado at tumututol sa mga mapanirang […]

Protestang bayan
July 08, 2022

Barikada sa Benguet Naninindigan ang mga katutubo sa isang komunidad ng mina sa Mankayan, Benguet mananatili sila sa kanilang barikada matapos pagbantaan sila ng ligal na aksyon noong Hunyo 27. Itinayo nila ang barikado mula Hunyo 28 para ipagtanggol ang kanilang lupang ninuno laban sa Crescent Mining Development Corporation. DepEd, siningil ng mga guro Nagprotesta […]

Totoo at tataas pa ang 6.1% implasyon—mga ekonomista
July 08, 2022

Gaano man itanggi ni Ferdinand Marcos Jr, mataas at patuloy na tataas ang tantos ng implasyon sa bansa. Noong Hulyo 5, inianunsyo ng Philippines Statistics Authority (PSA) na pumalo na sa 6.1% ang implasyon sa Hunyo, mula 5.4% sa Mayo. Taliwas sa pahayag ni Marcos, noon pang Hunyo 2021 lumampas sa 4% ang tantos ng […]

Pagbuwag, at di pagpapalawak, ang nararapat sa NATO
July 07, 2022

Mahigit 5,000 raliyista ang nagtipon sa Madrid, Spain para salubungin ang mga lider ng mga bansang kasapi ng NATO (North Atlantic Treaty Organization) na nagpulong noong Hunyo 28 hanggang Hunyo 30 sa syudad. Lumahok dito ang mga aktibista mula sa International League of People’s Struggles, kasama ang coordinating committee ng kampanyang Fight Against Imperialist Wars. […]