Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

NCR, nilumpo ng mga lockdown ni Duterte
May 02, 2022

Hanggang ngayon, iniinda ng mamamayang Pilipino ang resulta ng palpak na tugon ng rehimeng Duterte sa pandemyang Covid-19. Pinakalitaw ito sa National Capital Region, kung saan pinakamadalas na ipinataw ang pinakamatagal at mapaminsalang mga lockdown na nagresulta sa pagkawasak ng kabuhayan ng milyun-milyong mamamayan. Bumubuntot sa sinasabing “pagbangon ng ekonomya” ang pambansang kabisera, ayonsa datos […]

Ika-15 taong pagkawala ni Jonas Burgos, ginunita
April 29, 2022

Ginunita kahapon ang ika-15 taong anibersaryo ng pagkawala ni Jonas Burgos, isang organisador at aktibista, na dinukot ng mga tauhang militar sa Quezon City noong Abril 28, 2007. Pinangunahan ng mga kaanak ni Burgos at tagapagtanggol ng karapatang-tao ang pag-alala sa kaso. Patuloy ang kanilang paghahanap kay Jonas at panawagan nila para sa hustisya. Ang […]

Kagyat na pagpapalaya kay Sen. de Lima, iginiit
April 29, 2022

Lumalakas ang panawagang kagyat na palayain si Sen. Leila de Lima makaraang bawiin kahapon ng isang susing saksi na si Rolan “Kerwin” Espinosa ang kanyang testimonyang nagdadawit sa senador sa iligal na droga. Iginigiit ng mga pwersang oposisyon, mga grupong ng “civil society” at karapatang-tao, at maging ng ilang senador sa United States na dapat palayain […]

Manggagawa ang dapat manguna sa pagbangon ng ekonomya
April 29, 2022

Para sa darating na Mayo Uno, nanawagan ang iba’t ibang grupong manggagawa at anakpawis at mga aktibistang kontra neoliberalismo sa iba’t ibang panig ng mundo na pangunahan ng mga manggagawa ang landas palabas ng pandemyang Covid-19. Sa isang pahayag noong Abril 18, ipinahayag nilang “ang masang anakpawis, na nilugmok sa kahirapan ng samutsaring mga patakaran […]

Pandaigdigang gastos militar, walang kapantay noong 2021
April 27, 2022

Sa kauna-unahang pagkakataon, lumampas sa $2 trilyon ang pinagsamang ginastos ng lahat ng bansa sa mundo para sa pagbili at pagpapaunlad ng mga armas sa gera noong 2021. Ayon sa pag-aaral ng Stockholm International Peace Research Institute (SIPRI), umabot sa “all-time high” o wala pang kapantay na $2.1 trilyon ang paggastang militar noong nagdaang taon. […]

CPP: Expose AFP units campaigning for Marcos-Duterte tandem
April 27, 2022

The Communist Party of the Philippines (CPP) today called on the people to expose and condemn units of the Armed Forces of the Philippines (AFP) for its outright partisan activities in campaigning for the Marcos-Duterte tandem especially in far-flung communities in several provinces. According to CPP Chief Information Officer Marco Valbuena, “we have received several […]

Koalisyong Makabayan, nag-endorso ng 10 kandidato pagkasenador
April 27, 2022

Sampung kandidato sa pagkasenador ang idinagdag ng patriyotikong koalisyong Makabayan sa listahan ng iboboto ng mga myembro nito sa darating na eleksyon sa Mayo 9. Inianunsyo ng koalisyon ang kanilang mga kandidato sa isang press conference kahapon, Abril 26. Ang sampu ay dagdag sa dalawang upisyal na kandidato na sina dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares […]

Anti-Terror Law, pinal na ayon sa Korte Suprema
April 27, 2022

Tuluyan nang ibinasura ng Korte Suprema noong Abril 26 ang mga apela laban sa konstitusyunalidad ng Anti-Terrorism Law (ATL) ng rehimeng Duterte. Isinapubliko ang desisyon ng Public Information Office ng Korte Suprema noong Abril 26. Hindi pa inilalabas ang buong desisyon. Mahigit 30 ang petisyon ang isinampa sa Korte Suprema na kumwestyon sa ATL. Ayon […]

CPP condemns 94th IB for hunting down baby, toddler
April 27, 2022

The Communist Party of the Philippines (CPP) today condemned the 94th Infantry Battalion for “hunting down even children” in its brutal military operations in Himamaylan City, Negros Occidental since April 22. Reports from the National Democratic Front (NDF) in Negros Island revealed that soldiers of the 94th IB ransacked a residence in Malikliko, Barangay Buenavista […]

CPP to Gen. Centino: 'Wala na bang bago sa script niyo?'
April 26, 2022

The Communist Party of the Philippines (CPP) today described as a “tired old script” the statements last night of Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Andres Centino’s claiming that “hardships and mass surrender” are taking toll on the New People’s Army (NPA). “Wala na bang bago sa script niyo?,” CPP Chief Information Officer Marco […]