Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Partido Komunista sa Turkey, nakatakdang magdiwang ng ika-50 taong anibersaryo
April 21, 2022

Nakatakdang ipagdiwang ng rebolusyonaryong mamamayan ng Turkey at Turkish Kurdistan ang ika-50 taong anibersaryo ng Communist Party of Turkey – Marxist Leninist (TKP-ML) sa Abril 24 ngayong taon. Bilang paggunit sa okasyon, naglabas ng pahayag ang Komite Sentral nito na pinamagatang “Ang ating 50-taong pakikibaka ang ating kapasyahang magtagumpay! Mabuhay ang ika-50 anibersaryo ng ating […]

Huling kasong diskwalipikasyon laban kay Marcos Jr., ibinasura ng Comelec
April 21, 2022

Kagaya ng inaasahan, tuluyan nang ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) nitong Agosto 20 ang huling kasong diskwalipikasyon laban sa dating senador na si Ferdinand Marcos Jr. bilang kandidato sa pagkapangulo sa darating na halalan. Inihain ang pangatlo at huling kasong diskwalipikasyon ng isang grupong Ilocano. Ibinatay ang pagsampa ng mga kasong diskwalipikasyon laban kay Marcos […]

Mga sundalo, naghahasik ng lagim sa Agusan del Norte
April 20, 2022

Mula Pebrero hanggang ikalawang linggo ng Marso, walang tigil ang 29th IB sa paghahasik ng terorismo laban sa mga sibilyan sa mga baryo sa Santiago at Jabonga, Agusan del Norte. Bahagi ito ng kampanyang kontra-insurhensya ng rehimeng Duterte. Sa Santiago, sinalakay ng mga elemento ng 29th IB noong Marso 15 ang mga bahay ng mga […]

16 kaso, isinampa laban sa tagapagsalita ng NTF-Elcac
April 20, 2022

Umaabot na sa 16 na kaso ng pang-aabuso sa kapangyarihan, electioneering at iba pang kasong administratibo ang isinampa kay Dr. Lorraine Badoy-Partosa, tagapagsalita ng NTF-Elcac, kilalang isa sa pangunahing red-tagger ng rehimeng Duterte. Ang mga kaso ay isinampa sa iba’t ibang ahensya at upisina ng estado. Hinihingi ng mga kasong isinampa ng mga grupo na […]

Pamamaril sa grupo ng mga Lumad at ni Ka Leody sa Bukidnon, umani ng kundenasyon
April 20, 2022

Kinundena ng maraming grupo, kabilang ang Partido Komunista ng Pilipinas, ang pamamaril ng mga bayarang goons ng pamilyang Lorenzo sa grupo ng mga Lumad at sa grupo ng kandidato sa pagkapangulo na si Ka Leody de Guzman, sa Barangay Butong, Quezon sa Bukidnon noong Abril 19. Papunta ang mga Lumad na kabilang sa Kiantig Manobo-Pulangihon […]

Piket laban sa proyektong incinerator sa Davao, hinaras
April 20, 2022

Hinaras ng mga pulis ng Davao City ang protesta ng Panalipdan Youth, isang grupong maka-kalikasan, sa harap ng Sangguniang Panglunsod ngayong araw, Abril 20. Isinagawa ang protesta para tutulan ang panukalang proyekto ng syudad na Waste-To-Energy Incineration. Sa bidyo na ipinost ng Himati sa social media, makikitang pilit na itinataboy ng nga pulis ang mga […]

Antolohiyang Ulos, lumabas na
April 20, 2022

Lumabas na ang ginintuang isyu ng Ulos (Disyembre 2018 at Marso 2019), ang pangkulturang dyornal ng pambansa-demokratikong kilusan sa pangangasiwa ng ARMAS (Artista at Manunulat ng Sambayanan) sa pamamatnubay ng Partido Komunista ng Pilipinas (Marxismo-Leninismo-Maoismo). Malugod na ihinahandog ng ARMAS ang antolohiyang ito sa ika-50 anibersaryo ng dakilang partido ng uring proletaryado at ng pangunahing […]

Botohan para ibalik ang open-pit mining sa South Cotabato, naantala
April 19, 2022

Hindi natuloy ang nakatakdang botohan sa pamprubinsyang gubyerno ng South Cotabato kaugnay sa pagbabasura ng Environment Code kahapon, Abril 18, matapos na hindi dumalo ang walo sa 14 board member ng lokal na pamahalaan. Kabilang sa mga hindi dumalo ang tatlong nagtutulak sa pagbabasura sa lokal na tuntunin na magbibigay-daan sa panunumbalik ng open-pit mining […]

Itigil ang pagtatayo ng mga dam: Padaluyin ang mga ilog, panawagan ng mga siklista
April 19, 2022

Naglunsad ng “bike run” o pagbibisikleta ang mga aktibista, tagapagtanggol ng kalikasan at karapatang-tao noong Linggo, Abril 16, sa Quezon City. Panawagan nila: Let Our Rivers Flow! (Padaluyin ang ating mga ilog!) Bahagi ito ng kampanyang “Pedal For Rivers: Bikers’ Solidarity Against Destructive Apayao Dams” (Padyak para sa mga Ilog: Pagkakaisa ng mga Siklista laban […]

Pagbasura sa SIM registration, aprubado ng mga grupo
April 18, 2022

Aprubado sa mga demokratikong organisasyon ang pag-veto o di pagpapatibay ni Rodrigo Duterte sa “SIM card registration bill” na panukalang batas na mag-oobliga sa mga tao na irehistro ang kanilang pangalan sa paggamit ng serbisyong pangtelekomunikasyon at paglikha ng akawnt sa social media. “Ikinagagalak namin ang pag-veto sa SIM card Registration Bill kahit pa alam […]