Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Kaso ng mga manggagawa ng Coke sa Cebu, ibinasura
February 27, 2022

Ibinasura noon pang Enero 7 ng isang lokal na korte sa Mandaue City, Cebu ang kasong direct assault laban sa tatlong manggagawa ng Coca-Cola. Inaresto sila habang marahas na binubuwag ang kanilang piket at kampuhan noong Nobyembre 2018. Isinapubliko ang desisyon nito lamang Pebrero. Sa isang pahayag ng abugado ng mga manggagawa na si Atty. […]

Ang malalim na sugat ng Marinduque
February 27, 2022

Gugunitain sa Marso 24 ang itinuturing na pinakamalubhang sakuna sa pagmimina sa Pilipinas. Noong 1996, milyun-milyong toneladang lason ang bumaha sa Boac River sa Marinduque mula sa gumuhong dam ng basura sa pagmimina ng Marcopper Mines. Magtatatlong dekada nang hinahakot ng kumpanya ang depositong ginto, pilak at tanso sa kabundukan ng prubinsya. Matapos ang insidente […]

#NeverForget: Pag-aalsang EDSA sa ika-36 taon at pagtatakwil sa mga Marcos
February 26, 2022

Inilunsad sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga protesta para gunitain ang ika-36 na taong anibersaryo ng Pag-aalsang Edsa kahapon, Pebrero 25. Kasabay ng pagdakila sa naging pagkakaisa at tagumpay ng mamamayan noong 1986, malinaw ang sigaw ng taumbayan para biguin ang panunumbalik ng mga Marcos sa kapangyarihan at pananatili ng mga Duterte sa […]

Hindi terorismo ang pagtatanggol sa mga karapatan at rekurso ng katutubo—CPDF
February 26, 2022

“Ang pagbabansag ng ‘Anti-Terrorism Council’ ay isang sirang plaka mula sa isang bulok na sistema,” ito ang pahayag ng Cordillera People’s Democratic Front (CPDF), ang alyadong organisasyon ng National Democratic Front of the Philippines na kumakatawan sa mga katutubo ng Cordillera. Kabilang ang CPDF sa 16 na rebolusyonaryong lihim na orgnisasyon na binasang “terorista” ng […]

"Engkwentro" kung saan napatay diumano ang 2 titser ng mga Lumad at 3 pa, pinasinungalingan
February 25, 2022

Pinasinungalinan ni Marco Valbuena, upisyal sa impormasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), ang pahayag ng 10th ID na nagka-engkwentro kahapon sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Bagong Hukbong Bayan sa Barangay Andap, New Bataan, Davao de Oro, kung saan diumano’y napatay diumano ng isang yunit ng militar ang mga titser […]

Mga manggagawa, sinariwa ang mga karanasan sa ilalim ng batas militar
February 25, 2022

Sa okasyon ng ika-50 taong anibersaryo ng Martial Law, sinariwa ng mga manggagawa ang kalagayan ng kanilang sektor sa ilalim ng batas miltiar. Kasabay nito, kinutya nila ang deklarasyon kamaikailan ni Ferdinand Marcos Jr, kandidatong pagkapresidente, na wawakasan niya ang kontraktwalisasyon. “Hindi kailanman wawakasan ni BBM (“Bongbong” Marcos) ang kontraktwalisasyon,” pahayag ni Jerome Adonis, pinuno […]

Iwaksi ang imperyalistang propaganda sa Ukraine
February 24, 2022

Ang kaguluhan ng mga imperyalistang bansa ay lumilikha ng paborableng kundisyon para sa mga rebolusyonaryong proletaryo sa iba’t ibang mga bansa na ilantad ang bulok na sistemang kapitalista at ang tumitinding pagsasamantala sa mga manggagawa at iba pang aping uri. Dapat palakasin ng mga partido komunista ang sariling maka-uring inisyatiba at lakas, para labanan ang […]

Isalikway ang imperyalistang propaganda sa Ukraine
February 24, 2022

Ang kaguliyang sa mga imperyalistang nasud nagmugna og paborableng kundisyon alang sa mga proletaryong rebolusyonaryo sa nagkalain-laing nasud aron ibutyag ang dunot nga sistemang kapitalista ug ang nagkakusog nga pagpahimulos sa mga mamumuo ug uban pang dinaugdaug nga hut-ong. Kinahanglang pakusgon sa mga partido komunista ang ilang kaugalingong makihut-ong nga inisyatiba ug kusog, aron batukan […]

Designasyong "terorista" sa mga alyadong organisasyon ng NDFP, kinundena
February 24, 2022

Binatikos kahapon ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang inilabas na proklamasyon ng Anti-Terrorism Council na bumabansa sa 16 na alyadong organisasyon ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) bilang mga “teroristang grupo” sa bansa. Ang resolusyon ng ATC ay may petsang Enero 26 subalit isinapubliko lamang noong Huwebes, Pebrero 22. Ang mga organisasyong […]

Reject imperialist propaganda in Ukraine
February 24, 2022

The conflicts among the imperialist countries generate favorable conditions for the revolutionary proletariat in various countries to expose the rotten capitalist system and the worsening exploitation against workers and other oppressed classes. Communist parties must strengthen their class initiative and strength, to fight the fascist forces and the imperialist war, and advance the revolutionary struggles […]