Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Zero is better: tanggalan ng badyet ang NTF-ELCAC
November 12, 2021

Binati ng mga progresibong grupo at iba’t ibang sektor ang panukala sa senado na kaltasan ang badyet ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) mula ₱28 bilyon tungong ₱4 bilyon, para sa taong 2022. Gayunpaman, panawagan nila na mas mainam na “tanggalan” na ito ng badyet at buwagin ang ahensya na responsable […]

9 na kaswalti ng AFP sa Negros, pinagtatakpan ng 3rd ID
November 11, 2021

Pinalalabas ng 3rd ID na dalawang sundalo lamang at hindi siyam ang napaslang sa nag-ooperasyong pinagsanib na pwersa ng 62nd IB at 79th IB sa pinakahuling ambus ng BHB sa Negros Occidental. Apat lamang din umano ang nasugatan. Naganap ang ambus sa Barangay Quintin Remo, Moises Padilla, Negros Occidental noong Nobyembre 3. Sa ulat ng […]

Bungkalan bilang panlaban sa gutom at pandemya
November 11, 2021

Kinakaharap ng mga manggagawang-bukid sa Negros ang Tiempo Tigkiriwi (panahon na nakatigil ang paggigiling ng tubo) simula sa buwan ng Hulyo hanggang Nobyembre kada taon. Nitong nagdaang dalawang taon, dagdag nilang naging pasanin ang kahirapang dulot ng pandemyang Covid-19. Sa Barangay Mabinungahon (hindi tunay na pangalan), kolektibong hinarap ng nagkakaisang mga magsasaka at manggagawang bukid […]

Labag sa karapatan ng mamamayan ang “no vax, no 4Ps”
November 10, 2021

Binatikos ng mga tagapagtanggol ng karapatang-tao, mga organisasyong demokratiko, mambabatas at mga senador ang panukala ng Department of Interior and Local Government na ipagkait sa mga benepisyaryo ng programang 4Ps ng estado ang kakarampot na subsidyo kung hindi sila magpapabakuna. Sa pahayag ng Karapatan noong Nobyembre 9, sinabi nitong mas maige pang gumawa ang estado […]

Mga taong-simbahan, nanawagang itigil ang aerial bombing
November 09, 2021

Nanawagan ang pinuno ng iba’t ibang simbahan sa gubyerno ni Rodrigo Duterte na kagyat na itigil ang pagbobomba mula sa ere ng Armed Forces of the Philippines. Inilabas ang pahayag ng Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) noong Nobyembre 8. Nagpahayag ng alarma ang grupo sa “mabilis na pagtindi ng karahasan” sa Bukidnon at Butuan City […]

Mga bahay ng magsasaka sa Bulacan, pinagiba ng pamilyang Araneta
November 09, 2021

Giniba ng hindi bababa sa 20 gwardya ng Securicor Security Agency at mga tauhan ni Gregorio Araneta III ang mga bahay ng magsasaka sa Sityo Ricafort, Barangay Tungkong Mangga, San Jose Del Monte City, Bulacan noong Nobyembre 4. Armado ang mga salarin ng matataas na kalibreng baril na nagnakaw din ng mga kagamitan, alagang hayop […]

Cuba, isa sa mga nangunguna sa pagbabakuna sa mundo
November 09, 2021

Pumapangalawa ang Cuba sa 218 bansa sa bilang ng mga nabakunahan kada 100 ka tao. Ngayong araw, Nobyembre 9, mahigit 26 milyong bakuna na ang naiturok sa bansa sa tantos na 232 ka dosis sa bawat 100 ka tao. (Nangunguna sa mga bansa ang Gilbrartar na nakapagturok ng 91,931 dosis sa tantos na 273 na […]

Walang silbing mga face shield, ipinatatatapon na
November 09, 2021

Itinutulak ng mga meyor sa Metro Manila sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na ipawalambisa na ang rekisitong paggamit ng mga face shield liban sa loob ng mga ospital at mga matataong lugar. Ang hakbang ay kasunod sa pagbawi ng Department of Transporation sa rekisitong paglalagay ng mga “plastic […]

Iligal na extradition ng US sa diplomat ng Venezuela, kinundena ng NDFP
November 09, 2021

Mahigpit na binatikos ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang pagdukot at iligal na pagkukulong sa diplomat ng Venezuela na si Alex Nain Saab Moran. Nakadetine si Moran sa isang maliit na bansa sa kanlurang bahagi ng Africa nang dukutin ng mga tauhan ng US, sapilitang dinala sa US at iligal na ikinulong […]

BHB-FSMR, naglinaw sa lokal na radyo kaugnay sa pagkamatay ni Ka Oris at papel nito sa rehiyon
November 06, 2021

Pinasubalian ni Ka Gary Angeles sa isang panayam sa lokal na radyo sa Far South Mindanao noong Nobyembre 4 ang ipinagkakalat ng militar doon na kasinungalingan kaugnay sa pagkamatay ni Ka Oris. Binweltahan niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP), laluna si Gen. Brawner ng 4th ID, na nagsabing napatay si Ka Oris sa […]