Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Limos ang "dagdag-sahod" sa mga manggagawa sa agrikultura
October 05, 2023

“Limos” ang tawag ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA) sa iginawad na dagdag-sahod kamakailan sa iba’t ibang rehiyon. “Ang sabi namin, umento. Bakit ang ibinigay, limos?” batikos ni Ayik Casilao, tumatayong pinuno ng UMA. Nasa ₱30 lamang and idinagdag sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa agrikultura sa Cagayan Valley, ₱40 sa Central […]

Makasaysayang-taas na utang ng Pilipinas, panustos sa mga kontra-mamamayang programa at korapsyon
October 05, 2023

Tinawag na “new high” (bagong pinakamataas) ang pagpalo ng utang ng Pilipinas tungong ₱14.35 trilyon sa katapusan ng Agosto. Halos buwanan na ang padedeklara ng “makasaysayang pagtaas” nito mula 2020 kung saan walang awat na nangutang ang reaksyunaryong estado sa ngalan ng pag-apula ng pandemyang Covid-19. Sa ngayon, katumbas na ito sa 61% ng gross […]

Organisador ng manggagawa, nilikida ng mga pulis sa Rizal
October 04, 2023

Nilikida ng mga pulis ang organisador ng mga manggagwa na si Jude Thaddeus Fernandez sa kanyang tinutuluyang bahay sa Binangonan, Rizal noong Setyembre 29, bandang alas-4 ng hapon. Ayon sa mga ulat, nireyd ng mga tauhan ng mga pulis na kabilang sa CIDG ang tinutuluyan niyang bahay kung saan siya binaril. Matapos nito ay pinalabas […]

3 kabataang tanggol-katutubo, dinukot ng 203rd IBde sa Mindoro
October 04, 2023

Tatlong kabataang lingkod-katutubo ang dinukot ng mga pwersa ng 4th IB at 203rd IBde sa Sityo Malaglag, Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro noong Setyembre 19. Ang mga biktima ay kinilala bilang sina Job Abednego David, Jimby del Monte, at Alia Encela. Nakumpirma ngayong araw ng Karapatan-Southern Tagalog na nakakulong sa kampo militar ng 203rd IBde […]

Hustisya sa pagkamatay ng brodkaster na si Percy Lapid, patuloy na iginigiit
October 04, 2023

Nagprotesta ang mga mamamahayag sa pangunguna ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa Department of Justice sa Ermita, Manila kahapon, Oktubre 3, para ipanawagan ang hustisya at mabilis na resolusyon sa pagpatay sa brodkaster sa radyo na si Perceival Mabasa, kilala din bilang Percy Lapid. Si Mabasa ay inambus ng mga lalaking […]

2 sundalo ng 10th ID, napatay sa armadong aksyon ng BHB sa Bukidnon
October 04, 2023

Iniulat ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bukidnon ngayong araw ang mga armadong aksyon na inilunsad ng mga yunit nito sa prubinsya noong Setyembre. Pinatamaan ng armadong aksyon ang mga yunit ng 10th ID. Inisnayp ng mga Pulang mandirigma ang tropa ng 48th IB na nagbabantay sa isang tsekpoynt sa Barangay Cawayan sa Quezon, Bukidnon noong Setyembre […]

Mga mangingisda, tutol sa nababalitang itatalagang kalihim sa agrikultura
October 03, 2023

Tutol ang mga mangingisda kabilang sa grupong Pamalakaya kay Francisco Tiu Laurel Jr bilang posibleng kalihim ng Department of Agriculture. Napabalitang siya ang papalit kay Ferdinand Marcos Jr na nagsisilbing kalihim ng DA mula nang maupo siya sa poder. Si Laurel ay may-ari ng Frabelle Fishing Corporation, isang kumpanya sa pangisda na may mga upisina […]

2 sanggol at higit 8 pang sibilyan, dinukot at sikretong ikinulong ng 8th ID
October 02, 2023

Nananatiling nakapiit, hindi mabisita ng mga kaanak, at walang ligal na representasyon ang dalawang bagong silang na sanggol at kanilang mga ina, kasama ang iba pa sa kampo ng 8th ID sa Barangay Maulong, Catbalogan, Samar. Hindi bababa sa 10 ang biktima ng sikretong detensyon sa naturang kampo at nakapailalim sa emosyonal, pisikal at mental […]

80-anyos na ginang, namatay sa sindak dulot ng pamamaril ng 2nd IB
October 02, 2023

Namatay sa labis na takot at pangamba ang 80-anyos na ginang na si Amparo Maglasang Juanillo matapos ang walang-patumanggang pamamaril ng mga sundalo ng 2nd IB sa komunidad nila sa Sityo Mabuhay, Barangay Liong, Cataingan, Masbate noong Oktubre 2, alas-7 ng umaga. Ang matanda ay naiwan sa kanyang bahay nang magsitakbuhan sa takot ang mga […]

Ayuda sa maralitang biktima ng sakuna, iginigiit
October 01, 2023

Nanawagan ang Pinagkaisang Lakas ng Mamamayan (PLM) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kagyat na bigyan ng ayuda ang mga maralitang residente ng Payatas, Quezon City na nalubog ng abot-baywang na baha noong huling linggo ng Setyembre. Dismayado sila sa kawalang aksyon ng gubyerno. Anila, ganito palagi ang sitwasyon ng mga residente […]