Paglilitaw sa lider manggagawa ng Davao, iginiit sa ika-4 na buwang pagkawala
Naglunsad ng pagkilos ang Kilusang Mayo Uno-Southern Mindanao Region kahapon, Agosto 10, para ipanawagan ang paglilitaw sa kanilang beteranong organisador na si William Lariosa. Apat na buwan na siyang nawawala. Lumahok sa rali ang Bayan-SMR at Bayan Muna-SMR.
Pinanagot nila ang rehimeng Marcos Jr sa sapilitang pagkawala ng lider. Si Lariosa ay kabilang sa di bababa 16 biktima ng sapilitang pagkawala at ekstrahudisyal na detensyon sa ilalim ng rehimeng Marcos. Idineklara nila ang araw bilang Day of Action for Workers and People’s Rights (DAWPR).
Si Lariosa ay dinukot ng 4th IB sa Quezon, Bukidnon noong Abril 10. Nilibot na ng mga grupo sa karapatang-tao at ng pamilyang Lariosa ang lahat ng mga kampo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Bukidnon, gayundin sa Davao. Itinatanggi hanggang ngayon ng militar na hawak nila si Lariosa sa kabila ng salaysay ng mga nakasaksi. Bago siya dinukot, matagal nang ginigipit ng AFP si Larriosa.