Pinatinding pagsupil sa mga maralita ng Kamaynilaan
September 21, 2019

Sa kauna-unahang pulong ng bagong buong National Capital Region Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NCRTF-ELCAC) ng rehimeng Duterte noong Setyembre 10, walang batayang ipinahayag ng hepe ng pulisya sa rehiyon na si Maj. Gen. Guillermo Eleazar na pugad umano ng armadong rebolusyonaryong kilusan ang Kamaynilan, lalo na ang mga lunsod ng Caloocan, […]

Patuloy na atake sa mga maralita ng Pandi
September 21, 2019

  Nilusob ang upisina ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) noong Setyembre 9 sa Barangay Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan ng mga myembro ng grupong tinatawag ang sarili bilang Pagkakaisa Mamamayan Tungo sa Kaayusan. Matapos halughugin ang upisina, sinunog ng grupo ang ilan sa mga kagamitan ng Kadamay at ninakaw ang iba pa kabilang ang mahahalagang […]

Pekeng mga palabas ng AFP
September 21, 2019

  Desperadong nagpakana ng mga palabas at naghabi ng mga kasinungalingan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong nagdaang mga araw upang palabasing nagagapi na ang rebolusyonaryong kilusan. Ginagamit din nila ang mga ito para makakubra ng dambong mula sa programang E-CLIP ng rehimen. Kabilang sa mga ito ang pagparada sa mga pwersa ng […]

Kadete ng PMA, patay sa hazing
September 21, 2019

  NOONG SETYEMBRE 18, naiulat na namatay dahil sa tinamong pambubugbog sa hazing ang isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na si Darwin Dormitorio, 20, mula sa Cagayan de Oro. Ayon sa awtopsy, nawasak ang lamang loob ng biktima at posibleng kinuryente. Isasailalim din sa imbestigasyon ang ilang upisyal ng PMA dahil sa tangkang […]

Nagpapatuloy na pagdanak ng dugo sa Bukidnon
September 21, 2019

Dalawang magkasunod na pagpaslang sa mga aktibistang magsasaka ang naitala sa Bukidnon nitong nagdaang mga linggo. Binaril at napatay ng hindi-nakilalang mga suspek si Leonides Bacong, kilalang lider ng KASAMA-Bukidnon, sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Little Baguio, San Fernando Bukidnon noong Setyembre 11. Binaril at napatay din ng pinaghihinalaang mga elemento ng 88th […]

Paggunita sa ika-70 taon ng Rebolusyong China
September 21, 2019

Marapat na alalahanin at gunitain ng Partido at buong rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas ang ika-70 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Republic of China (PRC) sa darating na Oktubre 1. Ang pagkakatatag ng demokratikong republika ay tagumpay ng demokratikong rebolusyong Chinese, isang rebolusyong hinahalawan ng inspirasyon at estratehikong mga aral ng demokratikong rebolusyon sa Pilipinas. […]

Sa ika-47 taon ng batas militar: Protestang bayan laban sa diktadura, inilunsad
September 21, 2019

NAGPROTESTA ANG LIBU-LIBONG mamamayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang noong Setyembre 20 bilang paggunita sa ika-47 taon ng deklarasyon ng batas militar ng diktador na si Ferdinand Marcos. Sa pangunguna ng mga kabataan, mariing kinundena ng mga nagprotesta ang tiraniya at tangkang magtatag ng isang diktadura ng rehimeng Duterte. Sa Maynila, libu-libo ang […]

Resolusyon para sa mga magsasaka ng palay
September 21, 2019

BILANG TUGON SA sumisidhing krisis sa bigas, naghain ng resolusyon ang 53 kongresista sa pangunguna ng Makabayan Bloc noong Setyembre 19 sa Kongreso upang ipanukalang dagdagan ng ₱15 bilyon ang badyet ng National Food Authority (NFA). Gagamitin ito para sa pagbili ng 750,000 metriko-toneladang (MT) palay mula sa mga lokal na magsasaka sa halagang P20/kilo. […]

Protesta laban sa panunupil
September 21, 2019

ISANG “ROGUE GALLERY” o koleksyon ng larawan ng mga pangunahing suspek sa mga paglabag sa karapatang tao ang ipinaskil ng mga nagpoprotestang aktibista sa himpilan ng Commission of Human Rights (CHR) noong Setyembre 12. Isinabay ang pagkilos sa pagdinig ng CHR hinggil sa mga atake ng estado sa mga mamamayan. Dumalo sa nasabing pagdinig ang […]

Tigil pasada sa Valenzuela
September 21, 2019

SA PANGUNGUNA NG PISTON, ikinasa ng may 500 tsuper sa Valenzuela City ang kanilang tigil-pasada laban sa programang “no contact apprehension” ng lokal na pamahalaan noong Setyembre 16. Layunin ng patakaran na itaas ang multa sa mga paglabag ng batas trapiko mula sa dating minimum na ₱150 para sa unang paglabag tungong ₱1,000 hanggang ₱3,000. […]