Banta sa Liguasan Marsh
July 21, 2021

Tampok sa balita noong nakaraang linggo ang planong muling simulan ang eksplorasyon at pagmimina sa tinaguriang Block 10 ng Cotabato Basin sa Liguasan Marsh at tinaguriang Basin Block 6 sa Sulu Sea. Ito ay matapos pahintulutan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na isagawa ito ng kumpanyang ESMaulana Global Ventures Company Inc. Layunin […]

"Teroristang" designasyon sa NDFP, binatikos
July 21, 2021

Binatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas ang designasyon o pagbansag ng Anti-Terrorism Council sa National Democratic Front of the Philippines bilang “terorista.” Isinapubliko ang deklarasyon noong Hulyo 19 pero noong Hunyo 23 pa ito pinirmahan. Kaugnay nito, inatasan na ng rehimen ang Anti-Money Laundering Council na simulan ang pag-freeze sa mga akawnt ng mga indibidwal, […]

Sa madaling salita
July 21, 2021
174-ektaryang reklamasyon sa Dumaguete, tinutulan
July 21, 2021

Tinutulan ng mga siyentista, kabataan, relihiyoso at residente ng Dumaguete City ang plano ng lokal na gubyerno rito na tambakan ng lupa o i-reclaim ang baybayin ng syudad para magtayo ng isang islang tinagurian nitong “Smart City.” Ayon sa mga nagpuprotesta, maapektuhan ng 174-ektaryang reklamasyon ang apat na Marine Protected Area na nagsisilbing tirahan ng […]

3 armas, nasamsam ng BHB-Eastern Samar
July 21, 2021

Nasamsam ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Eastern Samar ang isang ripleng R4 nang tambangan nito ang nag-ooperasyong tropa ng 52nd IB sa Sityo Casapa, Denigpian, Dolores, Eastern Samar noong Hulyo 3. Apat na araw pagkatapos nito, pinasabugan ng isang yunit ng BHB ang detatsment sa Sityo Casapa, Barangay 4 Poblacion, Jipapad. Lima ang napaslang kabilang ang […]

Search warrant laban sa mga Tumandok, ibinasura
July 21, 2021

[EDITED: 9PM, July 23, 2021] Ipinawalambisa ng Capiz Regional Trial Court Branch 21 ang pitong search warrant na ginamit ng mga pulis sa pagsalakay sa 8 komunidad sa Tapaz, Capiz at Calinog, Iloilo noong Disyembre 2020 na nagresulta sa pagmasaker sa siyam na Tumandok at pag-aresto sa 16 pa. Ipinag-utos na ng korte ang pagpapalaya […]

2 magniniyog sa Surigao del Norte, pinatay ng 30th IB
July 21, 2021

Nagkokopra ang apat na magniniyog sa Sityo Pan-ukan, Barangay Cambuayon, Bacuag, Surigao del Norte bandang alas-3 ng hapon noong Hulyo 12 nang paulanan sila ng bala ng 30th IB. Agad na namatay sina Sagloy Destajo at Richard Lampad, habang malubhang nasugatan si Benjie Destajo—pawang mga residente ng Barangay Pautao. Inaresto at iligal ngayong nakabimbin si […]

Paalam at pagpupugay sa 3 bayani ng bayan
July 21, 2021

Tatlong bayani ng bayan ang sinaluduhan ng mamamayang Pilipino sa angkin nilang pagmamahal sa bayan at husay sa kani-kanilang larangan. Ipinaaabot ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang pakikiramay at pakikidalamhati sa pagpanaw sa mamamahayag na si Jose Jaime Espina (Nonoy), dibuhistang si Leonilo Doloricon (Neil) at lider-masa na si Carmen Deunida (Nanay Mameng) ng […]

Mga protesta
July 21, 2021

Makatarungang sahod. Nagprotesta ang 300 drayber ng serbisyong deliberi na Food Panda sa Davao City noong Hunyo 15. Binatikos nila ang kumpanya sa barat na pagpapasahod, di makatarungang pagtatanggal ng ilang drayber at pagpapabalikat sa kanila ng bayarin sa pagkuha ng permit. Duque, patalsikin. Pinagbabato ng kamatis ng mga manggagawang pangkalusugan sa pangunguna ng Alliance […]

Mga sundalo at empleyado, ginawang mga troll
July 21, 2021

Upang lumikha ng huwad na larawan ng suporta para sa rehimeng Duterte, ginagamit ng mga upisyal ng gubyerno at militar ang kanilang mga tauhan bilang mga troll sa social media upang magpalaganap ng mga kasinungalingan at panlilinlang. Lalo itong napatunayan kamakailan nang malantad ang kalakaran sa loob ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) at sa […]