Kinukundena namin ang paulit-ulit na paggamit ng Casiguran Municipal Police Station sa rebolusyonaryong kilusan bilang kumbinyenteng sangkalan sa mga krimen na nais nilang pagtakpan at takasan. Taliwas sa inimbentong ulat ng Casiguran MPS at 31st Infantry Battalion, hindi myembro ng NPA o ng rebolusyonaryong organisasyon si Nino Henera, isang construction worker na pinaslang noong Hunyo […]
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tropa ng 31st IBPA si Arnel Esperitu, 39 taong gulang noong Hunyo 20, bandang alas 4 ng umaga sa sentro ng Barangay Gogon, Donsol, Sorsogon. Dumaan lamang si Arnel sa kalsada malapit sa pwesto ng militar nang barilin sya na kaagad nyang ikinamatay. Pagkatapos ng krimen, tinakot ng mga militar […]
Hangga’t may pang-aapi, pagsasamantala, kahirapan at kawalang-hustisya, hindi kailanman mawawala ang NPA at ang rebolusyonaryong armadong paglaban. Iyan ang katotohanang hindi masikmura ni Marcos Jr at ng Armed Forces of the Philippines sa harap ng nabibigong deklarasyon ng rehimen na wakasan ang armadong pakikibaka ngayong Hunyo 2024. Dahil hindi matu-talo ang NPA, pinatitindi ng AFP-PNP-CAFGU […]
Ang kahiya-hiyang kainutilan ng Philippine Navy at ng buong Armed Forces of the Philippines sa harap ng malinaw na armadong pakikipagkumpronta ng China ay patunay na mapanganib sa kalayaan ng Pilipinas ang pagyukod ni Marcos Jr sa dikta at panghihimasok ng United States o US. Para sa kaligtasan ng mga Pilipino, maiiwasang humantong sa armadong […]
Itinatataas ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate at ng mamamayang Masbatenyo ang kanilang kamao upang bigyan ng pinakamataas na pagpupugay si JR “Ka Rio” Compuesto, kabataang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan, na napatay sa isang depensibang labanan sa Barangay Tubog, bayan ng Pio V. Corpuz nito lamang Hunyo 11, 2024. Magiting na naharap ng […]
Lima ang napatay sa tropa ng 2nd Infantry Battalion-Philippine Army-Charlie Company mula sa mahusay na pagharap ng isang yunit ng Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan sa engkwentrong naganap sa Barangay Lague-lague, bayan ng Cawayan noong Mayo 23, 2024. Nagmamaniobra ang Hukbo mula sa pagtulong sa problema ng komunidad nang maka-engkwentro ang mga nag-ooperasyong […]
Nakikiisa ang mamamayang Masbatenyo sa mga mamamayan ng Catanduanes at buong rehiyong Bikol sa tangkang muling pwestuhan ng baseng nabal ang Panay Island sa naturang prubinsya. Sa halip na katiwasayan at kapayapaan, gulo at ligalig ang idudulot ng planong muling pagpapatayo ng naval base sa Catanduanes. Dahil baseng nabal, tiyak na magiging himpilan ang naturang […]
Matagumpay na naipagtanggol ng isang yunit ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate ang kanilang pwersa laban sa tangkang pangungubkob ng mga teroristang tropa ng 96th Infantry Battalion-Phil. Army. Nangyari ang kontra-kubkob kahapon ng Abril 18, 5:30 ng umaga sa Barangay B. Titong, Masbate City. Dalawa ang napatay at dalawa ang malalang nasugatan sa hanay […]
Tiyak na magbabayad ang mga militar na sangkot sa pagpatay kay Jimmy Pautan, mahigit 50 anyos nitong Abril 11, 2024, 5:00am sa Sityo Tadloy, Barangay Luna, bayan ng Placer at kay Elorde “Nonoy” Almario sa Barangay San Carlos, bayan ng Milagros noong Abril 2, 2024. Matapos patayin, pinalabas si Pautan na isang NPA na napatay […]
Pinakamataas na pagbati ang ipinapaabot ng Jose Rapsing Command-NPA Masbate sa Bagong Hukbong Bayan sa ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Binibigyang pugay din ng rebolusyonaryong kilusan sa prubinsya ang mga Masbatenyong bayani at martir na nag-alay ng kanilang buhay para sa dakilang adhikaing palayain ang bayan sa tanikala ng dayuhan at kronikong kahirapan. Sila ay […]