Muling umatake ang mga pasistang militar sa pangunguna ng 31st IBPA kalahok ang pinagsanib na Special Action Force (SAF) ng PNP at PNP Bulan, sa Brgy. Dolos Bulan Sorsogon noong Mayo 8, 2020 sa ganap na alas-singko ng umaga. Pagsapit ng mga pasistang militar at kapulisan sa nasabing barangay, agad pinuntahan ang bahay ng limang […]
Nagwawasiwas ng pasismo ang AFP at PNP sa rehiyon. Sa gitna ng ligalig sa mga baryong hindi pa nakaaaalpas mula sa krisis dulot ng Covid-19, ilinulunsad na ng 9th ID ang mala-Synchronized Enhanced Military and Police Operations (SEMPO). Mula Marso hanggang sa kasalukuyan, pabugso-bugso ngunit sunud-sunod at maramihan ang pinapaslang, dinadakip at ikinukulong ng militar […]
Malaking kasinungalingan ang ipinamamalita ng reaksyunaryong militar na nakapatay sila ng limang mandirigma ng NPA sa isang engkwentro sa Barangay Dolos, Bulan kahapon, Mayo 8. Walang NPA sa lugar, walang naganap na labanan at pawang mga sibilyan ang minasaker doon ng mga tropa ng 31st IB ng Philippine Army at 2nd PMFC ng Philippine National […]
Habang nananalasa ang epidemyang COVID-19 sa ating bansa, sumasabay din ang Duterte virus sa pag-atake sa kabuhayan at karapatan ng masang Pilipino. Sinasamantala nito ang umiiral na lockdown bilang tuntungan ng kanyang Batas Militar upang walang sagkang ipatupad ang kanyang mga pasista at neoliberal na hakbangin. Kasabay ng paggunita ng World Press Freedom Day, tuluyan […]
Sa halip na makinig at manindigan para sa taumbayan, interes ng negosyo at dikta ni Duterte at ng AFP ang sinunod ng Inter-Agency Task Force Albay sa pagbalik ng prubinsya sa ilalim ng pasistang total lockdown ni Duterte. Tiyak na nilalayon ng lockdown extension ang pigilan at hadlangan ang dagsa ng pagkilos at paglaban ng […]
Pinatutunayan ng bantang Batas Militar ni Duterte ang palpak, pabaya at kriminal na pagharap ng rehimen sa krisis pangkalusugang hatid ng COVID-19. Sa halip na itigil, ginagamit ni Duterte ang walang habas na operasyong militar ng AFP at PNP laban sa Bagong Hukbong Bayan bilang tuntungan para isakatuparan ang kanyang ambisyong pasistang diktadura para patahimikin […]
Ibinintang ni AKO-Bicol Partylist Cong. Pido Garbin kamakailan sa midya na ang nangyaring pananambang sa grupo nila Mayor Morilla kasama ang DSWD Albay at ang escort nitong kapulisan sa Libon, Albay ay kagagawan ng Santos Binamera Command-BHB Albay. Dapat umanong maging alerto at mapagmatyag ang militar at kapulisan kaugnay rito. Bakit ganoon na lamang kadali […]
Desperadong gumagawa ng senaryo ang rehimeng US-Duterte upang bigyang-katwiran ang pagdedeklara ng batas militar sa bansa. Sunud-sunod na linabag ng Government of the Republic of the Philippines ang sarili nitong deklarasyon ng tigil-putukan. Sinasangkalan ng rehimeng Duterte ang isyung pangkalusugan para higit pang mapalawig ang diktaturyal na interes nito.Paniniktik, pananakot at panhaharas ang dala […]
Pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng RJC-BHB Bikol sa mamamayang Pilipino ngayong ika-47 anibersaryo ng NDFP. Patunay ang inabot na lawak at tatag ng NDFP sa masiglang diwa ng mamamayang Pilipinong labanan ang pyudalismo, burukrata kapitalismo at imperyalismo. Hanggang sa mga susunod pang dekada ng puspusang pakikibaka para sa tunay na kalayaan, katarungan at demokrasya, […]
Audio Link: https://audiomack.com/song/gintong-silahis/20200409-kagitingan-ang-tumangan-ng-armas Ngayong Araw ng Kagitingan, pinagpupugayan ng RJC-BHB Bikol ang mga Pulang kumander at mandirigma at mamamayang Bikolanong hindi kailanman bumitiw sa pagtanaw sa isang lipunang malaya sa pang-aapi at pagsasamantala. Sa paglahok sa digmang bayan, walang pag-iimbot nilang sinusuong ang buhay-at-kamatayang pakikibaka. Higit na naitutulak ang mamamayang tumangan ng armas sa kabila […]