Archive of Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)

Emarlo Gamba at Salvador Gracilla, mga panibagong biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang ng 31st IBPA
September 30, 2018 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng Celso Minguez Command ang mga pagpaslang ng 31st IBPA sa mga sibilyan mula sa bayan ng Irosin at Bulan. Nitong Setyembre 27, 2018 bandang alas-6 ng gabi sa Brgy. Recto, Bayan ng Bulan, habang nakikikain ang isang squad ng NPA na mula sa gawaing pag-oorganisa sa bahay ni Salvador Gracilla, 36 na […]

Isang bukas na liham sa kasundaluhan at kapulisan
September 28, 2018 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Mga kasama sa kasundaluhan at kapulisan, Mga kasama, kayo ay tulad din namin. Nagmula tayo sa mga uring magsasaka, manggagawa, may maliit na hanapbuhay at propesyunal. Pinagkaitan ng masaganang buhay habang ang mga nasa kapangyarihan ay nagpapasasa sa lahat ng ating pinaghihirapan. Totoo ito noon para sa ating mga magulang, totoo ito sa atin sa […]

“Red October” at “localized peace talks”, Guni-guni ng Rehimeng US-Duterte
September 25, 2018 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Nitong mga nakaraang linggo, pilit na ibinibenta ng rehimeng US-Duterte ang isang diumano ay planong pagpapabagsak sa kanya sa Oktubre na tinawag na “Oust Duterte Movement” na kinasasangkutan ng mga komunista, Magdalo ni Trillanes, Liberal Party at mga taong simbahan. Malinaw na isa lamang itong guni-guni at multo na ginawa ni Duterte upang bigyang matwid […]

Tangkang pagpaslang kay Rodolfo Abion, Desperadong hakbang ng 31st IBPA!
September 25, 2018 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Kinukundena ng Celso Minguez Command ang tangkang pamamaslang kay Rodolfo Abion, 45 taong gulang, may asawa, tricycle driver at magsasaka mula sa Barangay Tinampo, Irosin, Sorsogon nitong Setyembre 24, 2018, pasado alas-6 ng gabi. Mula sa pamamasada ng tricycle, pumunta si Abion sa tindahan upang bumili ng sigarilyo nang biglang binaril ito ng 2 lalaking […]

PO1 Michael Villanobos, Intelligence ng PNP
September 21, 2018 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Nagbubunyi ang mamamayang Sorsoganon sa pagpataw ng parusang kamatayan kay PO1 Michael Villanobos, intelligence ng Provincial Mobile Force (PMG) ng mga pulang mandirigma ng Celso Minguez Command BHB-Sorsogon. Naganap ang pamamarusa bandang alas-4 ng hapon, sa Brgy. San Pedro, Irosin, Sorsogon.   Ang pagparusa kay Villanobos ay pagtugon sa malaon nang hiling ng mga mamamayang […]

Sorsoganon, magkaisa at labanan ang diktadurya ng tiraniko at pasistang rehimeng US-Duterte
September 19, 2018 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng Celso Minguez Command ang hakbangin ng rehimeng US-Duterte na itatag ang kanyang pasistang diktadura sa buong bansa. Lantarang pagpapatahimik sa lahat ng pwersang balakid sa kanyang mga plano, lantarang pasismo at pagpaslang sa mga maralita at pagpipilit ng iskemang cha-cha at pederalismo ang iwinawasiwas ng rehimeng US- Duterte. Hibang at lasing sa […]

Serye ng mga taktikal na opensiba, inilunsad ng Celso Miguez Command Laban sa pasistang 31st IBPA at CAFGU
September 19, 2018 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Nagdiriwang ang mamamayang Sorsoganon sa isinagawang serye ng taktikal na opensiba laban sa pasistang 31st IBPA at CAFGU. Noong Agosto 2018 bandang alas 8 ng gabi, isinagawa ang harassment sa detatsment ng Alpha Coy 31st IBPA sa Barangay Casay, bayan ng Casiguran at bandang alas-9 ng gabi sa kampo ng 22nd CAA-CAFGU sa Sityo Bungsaran, […]

Magkakasunod na aksyong militar inilunsad sa Camarines Sur
September 17, 2018 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Sur (Eduardo Olbara Command) | NPA-West Camarines Sur (Norben Gruta Command) |

Petsa 20 ng Hulyo 2018, bandang alas 10:00 ng umaga, tinambangan ng isang tim ng NGC ang isang sundalong nakamotor sa haywey ng Brgy. Veneracion, Pamplona, Camarines Sur. Napatay sa nasabing pagtambang si PFC Jhony Franco, myembro ng Military Intelligence Company (MICO) sa ilalim ng 9th IDPA. Nakumpiska sa nasabing sundalo ang isang kalibre .45 […]

Amadeo Grayda, hindi kasapi ng NPA-Sorsogon
August 12, 2018 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Pinabubulaanan ng Celso Minguez Command (CMC) ang alegasyon ng 31st IBPA na isa diumanong NPA ang nahuli nilang si G. Amadeo “Onyo” Grayda o alyas Ka Rigor isang residente ng Catanusan, Juban, Sorsogon. Ang nasabing tao ay isang sibilyan na matagal nang umalis sa Celso Minguez – BHB Sorsogon at wala nang kinalaman sa organisasyon. […]

Pagsuko ng NPA, Gasgas na Palabas ng Rehimeng US-Duterte
February 20, 2018 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Nitong mga nakaraang araw, pinatampok ang pagsuko ng pitong pulang mandirigma mula sa prubinsya ng Masbate sa kamay ng reaksyunaryong hukbo’t estado. Tulad ng mga salamangkero, inihanda ang nasabing pagkakataon upang ibaling ang mata ng mamamayan sa kinang ng diumano’y tagumpay ng mersenaryong hukbong APF-PNP sa pagpapahina ng rebolusyonaryong kilusan. Habang sa isla ng Ticao, […]