Pinabubulaanan ng Celso Minguez Command (CMC) ang alegasyon ng 31st IBPA na isa diumanong NPA ang nahuli nilang si G. Amadeo “Onyo” Grayda o alyas Ka Rigor isang residente ng Catanusan, Juban, Sorsogon. Ang nasabing tao ay isang sibilyan na matagal nang umalis sa Celso Minguez – BHB Sorsogon at wala nang kinalaman sa organisasyon. […]
Nitong mga nakaraang araw, pinatampok ang pagsuko ng pitong pulang mandirigma mula sa prubinsya ng Masbate sa kamay ng reaksyunaryong hukbo’t estado. Tulad ng mga salamangkero, inihanda ang nasabing pagkakataon upang ibaling ang mata ng mamamayan sa kinang ng diumano’y tagumpay ng mersenaryong hukbong APF-PNP sa pagpapahina ng rebolusyonaryong kilusan. Habang sa isla ng Ticao, […]