Archive of Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson

Midterm Elections, hungkag at anti-demokratiko
May 09, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

Sa simula pa lamang ng kampanyang elektoral, pinapakita na ni Duterte ang kanyang pagkagahaman sa kapangyarihan at pagkatuso na kontrolin ang resulta ng eleksyon upang mailuklok ang kanyang mga kroni at alyado sa darating na halalan sa Mayo 13. Kailangang magmatyag ang buong bayan sa imbing pakana ni Duterte na imaniobra ang resulta ng eleksyon […]

Bagong “peace panel” ni Duterte, isang kontra-rebolusyonaryong military panel
April 15, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

Kahungkagan ang muling pagbubuo ng sira-ulo at ulyaning si Duterte ng bagong “peace panel” nito matapos buwagin ito noong nakaraang buwan. Sa kahangalan niya, nangangarap pa siyang mapasusuko ang rebolusyonaryong kilusan at mapapaniwala ang taumbayan na makakamit nito ang kapayapaan sa bansa. Taliwas sa ipinangangalandakan ni Duterte, isang military panel ang planong buuin bilang pamalit […]

Pagdalaw ni Pompeo, pagtitiyak ng imperyalistang dominasyon ng US sa Pilipinas
February 27, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

Patunay na numero unong tuta ng US ang Pilipinas sa Timog-Silangang Asya ngayong kasalukuyang nag-uusap sina Duterte at US Secretary of State Mike Pompeo sa Villamor Air Base upang talakayin ang ilang mga usapin sa hidwaan sa West Philippine Sea, “terorismo” sa Minadanao, seguridad sa rehiyong Asya-Pasipiko at iba pa. Singkahulugan ito ng direktang pakikialam […]

Iligal na pag-aresto kay Maria Ressa, pagsupil sa malayang pamamahayag
February 21, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

  Nais kitlin ni Duterte ang malayang pamamahayag sa iligal na pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa. Desperadong hakbang ito para supilin ang karapatan sa malayang pamamahayag at magbigay ng nakakakilabot na mensahe sa mga mamamahayag at kritiko ng administrasyon. Tahasan at mulat ang administrasyong Duterte sa plano nilang iligal na arestuhin si Ressa. Kahit […]

Pinakamataas na pagpupugay kay Ka Iñigo, tunay na hukbo at bayani ng sambayanang Pilipino!
February 21, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

  Ibinibigay ng Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan sa rehiyong Timog Katagalugan ang pinakamataas na pagkilala, pagpupugay at parangal kay Kasamang John Carlo Capistrano Alberto, mas kilala sa tawag na Ka Yago at Ka Iñigo sa mga kasama at masa na kanyang nakapiling sa buhay at kamatayang pakikibaka sa kanayunan. Namartir si […]

Ignorante si Duterte sa kalagayan ng rebolusyonaryong kilusan
February 21, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

Tunay ngang ignorante si Duterte sa kalagayan ng rebolusyonaryong kilusan. Wala siyang karapatan ni awtoridad na sabihing “bahaw na ang ideolohiya” ng rebolusyonaryong kilusan sa taumbayan. Hindi aabot ng limampung taon ang pakikibaka ng bayan kung itinuturing na “lipas na ito” ng sambayanan. Desperado si Duterte na ilayo sa rebolusyonaryong kilusan ang mamamayan. Kahit gaano […]

Resignasyon ni Dureza sa OPAPP, pagbibigay-daan sa bago at militaristang peace adviser
November 28, 2018 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

Singkahulugan ng resignasyon ni Dureza bilang Peace Adviser ni Duterte ang pagkakaloob ng posisyon nito sa isa na namang militarista at mapandigmang heneral ng AFP — ang nalalapit nang magretirong hepe ng AFP na si Galvez. Malaking kabalintunaan ang pagtatalaga ng isang berdugo sa isang ahensyang dapat na magtataguyod ng usapang pangkapayapaan sa mga belligerent […]

Duterte Death Squad laban sa NPA, mabibigo
November 28, 2018 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

Nangangarap nang gising si Duterte kung inaakala niyang malilipol niya ang NPA sa pamamagitan ng pagtatayo ng sariling Duterte Death Squad (DDS) laban sa rebolusyonaryong kilusan. Hibang na hibang si Duterte na kamtin ang kanyang target na lipulin ang NPA sa kalagitnaan ng 2019. Matatapos na ang 2018, ngunit ni kalahatiin man lamang ang bilang […]

MO No. 32, pagpapalawak ng Martial Law sa bansa
November 25, 2018 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

Sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 32, pinagpapatuloy ni Duterte ang kanyang kabaliwan at kahangalang patindihin ang ibayong krisis na dinaranas ng iba’t ibang uri at sektor sa lipunang Pilipino. Naglalayon itong palakasin ang mga pwersa ng AFP-PNP sa mga isla at mga probinsya ng Samar at Negros at sa rehiyon ng Bicol bilang bahagi […]

Pag-ibayuhin ang pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya
November 25, 2018 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

Isang malaking kataksilan sa soberanya at kalayaan ng Pilipinas ang pagpasok ng rehimeng Duterte sa mga tagibang na kasunduan sa gubyernong Tsina. Sa pagpasok sa mga di pantay na kasunduan sa Tsina, walang pakundangang inilagay ni Duterte ang kapalaran ng bansa sa dayuhang kapangyarihan na naglalayong dominahin ang buong rehiyong Asya sa larangan ng ekonomiya […]