Archive of Kabataang Makabayan-Rizal

Pahayag ng Kabataang Makabayan-Jordan Mopon Sa Pagtutol ni Gilbert Teodoro sa Usapang Pangkapayapaan
May 12, 2026 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Rizal | Kabataang Makabayan-Rizal | Jeremy 'Ka Cely' Angelo | Spokesperson |

Nagpupuyos sa galit ang Kabataang Makabayan-Jordan Mopon hinggil sa pagtutol ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan. Pagpapatunay lamang ito ng kawalan ng interes ng rehimeng US-Marcos na resolbahin ang armadong sigalot sa bansa. Sa loob ng ilang dekada, ibinubuhos ng estado ang napakalaking pondo para sa gera at kontra-insurhensya habang […]

Kundenahin ang pambobomba ng 203rd Brigade sa mamamayan ng Abra De Ilog! Hustisya para kay Jerlyn Rose Doydora at sa 3 batang Mangyan na nasawi!
January 06, 2026 | NDF-Rizal | Kabataang Makabayan-Rizal | Jeremy 'Ka Cely' Angelo | Spokesperson |

Sa pagpasok ng bagong taon, sukdulang terorismo at pambobomba ang inihasik ng 203rd Brigade at pinagsama-samang elemento ng 1st, 59th at 76th IB, 5th Scout Ranger Batallion, at 2nd ID sa So. Mamara, Brgy. Cabacao, Oriental Mindoro sa mamamayang Mindoreño noong ika-1 ng Enero, mula 9:30 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghali. Pataksil nilang ibinaling […]

Pinakamataas na pagpupugay at pag-alala kay Josephine “Ka Sandy” Mendoza
November 10, 2025 | Kabataang Makabayan-Rizal | Jeremy 'Ka Cely' Angelo | Spokesperson |

Ngayong araw, Nobyembre 10, inaalala ng mga kabataan ang ikalawang taon buhay na inialay ng isa sa haligi ng rebolusyon sa Timog Katagalugan na si Josephine Mendoza o kilala bilang Ka Sandy, Ka Minerva, Ka Luisa, Ka Marta. Si Ka Sandy ay nagsilbi bilang miyembro ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas at ikalawang […]

Pulang saludo at mataas na pagpupugay sa hukbo ng mamamayan!
March 29, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Kabataang Makabayan-Rizal |

Ipinapaabot ng Kabataang Makabayan-Rizal ang taos-pusong suporta sa ika-56 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan! Sa loob ng mga dekada ng paglaban, patuloy nitong isinasapraktika ang matatag na diwa ng paglilingkod sa bayan at pagtatanggol sa interes ng mga maralita at inaapi. Sa gitna ng malalim na krisis na kinakaharap ng lipunan mula sa lumalalang […]

Mabuhay si Jose Maria Sison! Dakilang lider at inspirasyon ng Kabataang Pilipino!
February 11, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Rizal | Kabataang Makabayan-Rizal |

Matagumpay na nakapaglunsad ng oplan pinta at oplan diki ang Kabataang Makabayan-Rizal upang gunitain at pagpugayan ang ika-85 kaarawan ni Ka Jose Maria Sison, isang dakilang lider at tanglaw ng rebolusyong Pilipino. Inihanda ng mga kabataan ang isang portrait (wheatpaste art) ni Ka JMS at idinikit sa mataong lugar sa Barangay San Juan, Taytay upang […]

Tutulan ang de facto Martial Law na nagaganap sa bansa!
April 28, 2020 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Rizal | Kabataang Makabayan-Rizal | Jeremy 'Ka Cely' Angelo | Spokesperson |

Mariing tinututulan ng Kabataang Makabayan-Rizal ang nagaganap na de facto Martial Law na pinatutupad ngayon ng rehimeng US-Duterte sa bansa sa tabing ng enhanced community quarantine. Sa paglaganap ng sakit na COVID-19, o Corona Virus Disease -19, higit na nalantad ang katotohanang walang kakayahan ang rehimeng US-Duterte para harapin ang pandemya. Dahil ito sa kapabayaan […]