Ipinababatid ng mamamayang Masbatenyo at ng kanilang rebolusyonaryong kilusan ang pinakamahigpit na suporta at pakikiisa sa masang Albayano. Sang-ayon sa panawagan ng Bagong Hukbong Bayan-Albay na pagtulong sa mga apektado, handa ang Jose Rapsing Command-BHB Masbate at mga rebolusyonaryong organisasyong masa na tumugon sa mga kinakailangang ambag at suporta para sa mga apektadong mamamayan. Ang […]
Pinagbabaril ng pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) habang nagtatrabaho sa kalsada sa Sityo Abanggan, Barangay San Carlos, Milagros si Randy Dionan Mahinay, 38-anyos, may asawa at mga anak nito lamang Hunyo 21, 2023 alas-8 ng umaga. Si Mahinay ang ika-15 biktima ng pampulitikang pamamaslang ng militar sa Masbate sa ilalim ng teroristang […]
Panata ng Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan Masbate na paigtingin ang armadong pakikibaka upang panagutin ang militar at kanilang punong kumander na si Bongbong Marcos Junior sa pagpaslang sa menor-de-edad na si Rey “Carling” Belan at sa daan-daang pang biktima ng terorismo ng AFP-PNP-CAFGU sa prubinsya. Makapuslit man sa kanilang sariling korte at […]
Napaslang sa walang habas na pamamaril ng mga berdugo at teroristang pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang magsasakang si Carling Belan habang sugatan naman si Panoy Pepito nitong Hunyo 16, 2023 alas-3 ng hapon sa So. Manaybanay, Brgy. Calabad sa bayan ng Dimasalang. Dinakip at isinama rin ng militar ang tatlong kasamahan […]
Ginugunita ng sambayanang Pilipino ang ika-125 taon ng hilaw na paglaya ng Pilipinas sa kolonyalistang Espanyol habang lalo pang ipinagkakait ng imperyalistang US at mga kasabwat na lokal na naghaharing-uri ang tunay na kalayaan. Tulad ng pagtataksil ng ilustradong pamunuang Aguinaldo sa rebolusyong Pilipino, sukdulang nagpapakatuta ang rehimeng US – Marcos Jr.-Duterte sa paghila sa […]
Magkakasunod na paglabag sa karapatang-tao ang ginawa ng Armed Forces of the Philippines at kanilang mga ahenteng rebel returnee laban sa masang Masbatenyo sa unang linggo ng buwan ng Hunyo ngayong taon. Kabilang sa pinakabagong krimen ng militar kasama ng kanilang mga tutang rebel returnees ang pambubugbog at sapilitang pagpapaamin kay Nono Sayson na ito […]
Pinatinding krisis sa ekonomya at malawakang korupsyon ang ihahatid ng pagsasabatas ng Maharlika Investment Scam. Sa pamamagitan ng Maharlika, trilyun-trilyong halagang pinaghirapan ng taumbayan ang sistematikong kukurakutin ng gubyerno gamit ang mga dummy na kumpanyang pag-aari mismo ng mga kroni at matagal nang alagad ng rehimeng US-Marcos-Duterte. Maituturing ang naturang pakana bilang pinakamalaking investment scam […]
Binabati ng Jose Rapsing Command – BHB Masbate ang pulang Hukbo sa matagumpay na pag-ambus sa mga aset paniktik o intel ng militar noong Mayo 29, 2023 alas-8 ng gabi sa Barangay Barag, Mobo. Patay ang dalawa habang kritikal naman ang kalagayan ng isa pang ahente ng kaaway. Tinambangan ng mga kasama sina Nestor (alyas […]
Ngayong pagdiriwang ng Linggo ng Paggunita at Pagpaparangal sa mga Bayani at Martir ng Sambayanan, ipinapaabot ng rebolusyonaryong kilusan at mamamayan ng Masbate ang pinakamataas na parangal kina kasamang Benito at Wilma Tiamzon, mga dakilang lider ng bagong demokratikong rebolusyong Pilipino. Nagkamit ng makabuluhang mga pagsulong at tagumpay ang Partido at rebolusyong Pilipino sa pamumuno […]
Pinatinding militarisasyon ang naging tugon ni Vice President at Department of Education Sec. Sara Duterte sa panawagan ng mamamayang Masbatenyo na wakasan ang paghaharing militar sa prubinsya. Sa kanyang pagbisita sa Masbate simula noong ika-15 ng Abril, ilinunsad ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Civillian Auxilliary Forces and Geographical Unit (CAFGU) […]