Sa ika-126 na taon ng Huwad na Kalayaan ay walang dapat ipagbunyi at ipagdiwang ang ilihitimong rehimen ni Marcos Jr, bilang pinamasugid na tuta ng Imperyalismong US. Laganap ang karalitaan, kaliwa’t kanang inhustisya, red-tagging at pagpapatahimik lalo na sa mga kritiko at tumutuligsa, at aktibista laban sa bulok at papet na rehimeng Marcos Jr. Ang […]
Mala-bulldozer kung kumilos ang mga malalaking debeloper sa dami at lawak ng masasagasaan na mga komunidad sa pagtatayo ng mga proyektong imprastraktura nito sa probinsya ng Cavite. Isa rito ang tinatayong Light Rail Transit Line-1 Cavite Extension o LRT-1 Cavite Extension na isang proyektong ekstensyon ng Light Rail Manila Corporation (LRMC). Sa proyektong ito, tatayuan […]
Matapang na nilalabanan hanggang kasalukuyan ng mga magsasaka sa Hacienda Roxas, Nasugbu, Batangas at ng mga residente ng Lupang Tartaria, Silang, Cavite ang pangangamkam sa kanilang mga lupain. Sa Hacienda Roxas, kumikilos ang mamamayan upang biguin ang muling pang-aagaw ng Roxas & Company Inc. (RCI) sa lupang matagumpay na napasakamay ng mga magsasaka bunsod ng […]
Sa okasyon ng ika-36 taon ng pagsasabatas ng huwad na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), patuloy na ipinapanawagan ng NDFP-Mindoro sa masang magsasaka na militanteng isulong ang rebolusyong agraryo (RA) na siyang tanging paraan para masakatuparan ang kanilang daantaong paghahangad sa lupa. Mula nang ipatupad ang CARP ng reaksyunaryong rehimeng US-Corazon Aquino, ito na ang […]
Sa pagsapit ng ika-25 taon mula nang iratipika ng Senado ng GRP ang Visiting Forces Agreement (VFA), nakikiisa ang NDFP ST sa paggigiit ng mamamayan na ibasura ang tagibang na tratadong ito at lahat ng imposisyon ng imperyalismong US sa Pilipinas. Dapat ding palayasin ang mga tropang Amerikano at alisin ang kanilang mga kagamitan at […]
Ikinagagalak ng NDFP-ST at mamamayan ng Timog Katagalugan ang hatol ng International Peoples’ Tribunal (IPT) na maysala (guilty verdict) sina Ferdinand Marcos Jr., Rodrigo Duterte, Government of the Republic of the Philippines (GRP) at US sa mga krimen nito sa mamamayang Pilipino at mga paglabag sa International Humanitarian Law (IHL). Makatarungan ang hatol na ito […]
Mula Enero hanggang sa buwan na ito, todong pagpupumilit ng 80th IBPA na likhain ang ” makataong” imahe, sa pamamagitan ng kanilang aktibidad sa Retooled Community Support Program Operations (RCSPO) nito. Nais nitong pagmumukhaing maamo at mapagmalasakit sa likod ng pasista at abusadong katangian nito. Sa kabila ng mga aktibidad ng diumano’y pagtulong sa mga […]
Nagpupugay ang NDFP-ST sa mamamayan ng Timog Katagalugan na magiting na nagbabangon at lumalaban upang kamtin ang kanilang karapatan sa lupa at kabuhayan. Ang kanilang puspusang pakikibaka at matibay na paninindigan ay inspirasyon sa lahat ng inaapi’t pinagsasamantalahan at tinik sa lalamunan ng mga naghaharing uri. Dapat paigtingin at payabungin ang mga pakikibakang bayan at […]
Malaking kasinungalingan ang ipinagkakalat ng 91st IB at 7th ID ng Northern Luzon Command (NOLCOM) na isang Pulang mandirigma ang hinuli nilang buntis na sibilyan sa isinagawang reyd sa isang bahay sa Sityo Pinamaypayan, Barangay Umiray, Dingalan, Aurora noong Abril 21. Bahagi lang ito ng kanilang panlilinlang upang palabasing makatao ang AFP-PNP sa harap ng […]
Mahigpit na sinasaluduhan ng National Democratic Front of the Philippines-Palawan ang uring manggagawa sa buong daigdig at ang mga manggagawang Pilipino sa paggunita nito sa ika-122 Pandaigdigang Araw ng Paggawa nitong Mayo 1 na tanda ng mayamang pakikibaka at mga tagumpay ng uring manggagawa sa kasaysayan sa pagtupad sa istorikong misyon nitong baguhin ang mundo […]