Nakikiisa ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan sa pakikibaka ng mamamayang Indian, laluna ng mga katutubong Adivasi laban sa Operation Kagaar na inilulunsad ng pasistang rehimeng Narendra Modi. Ang magkahalintulad na kalagayan ng mga mamamayan at pambansang minorya ng malakolonyal at malapyudal na Pilipinas at India ang dahilan kaya sinusuportahan natin at ng buong […]
Nasa kasiglahan ng yugto ng kanilang edad ang mga mahal na Kasamang Gladys Cassandra “Ka George” Mendoza, Jethro Royce “Ka Alex” Magtira, at Jian Markus “Ka Reb” Tayco. Singbigat ng bundok ng Banoy at Batulao ang kanilang di napapanahong paglisan, malaking kawalan sa yunit ng BHB at ng malawak na inaapi at pinagsasamantalahang masa sa […]
Ang National Democratic Front-Rizal at ang buong rebolusyonaryong mamamayan ng lalawigan ay taas-kamaong nagpupugay kay Kasamang Wally “Km” Agudes na nag-alay ng kanyang buhay para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino at ng kanyang mahal na kababayang Rizaleño. Nais din naming ipaabot sa kanyang pamilya at mga kaanak ang taos-pusong pakikidalamhati at pakikiramay. Nagpupuyos ang aming […]
Pinakamataas na pagpupugay at Pulang saludo ang iniaalalay ng Kabataang Makabayan-Laguna kina Jian Markus “Ka Reb” Tayco at Royce Jethro “Ka Alex” Magtira matapos mabuwal sa naganap na labanan noong ika-23 ng Hunyo, 2024 sa Bayan ng Tuy, Batangas. Ang kanilang kadakilaan ay malinaw na inspirasyon hindi lamang ng kabataan sa Timog Katagalugan, ganundin sa […]
Kasuklam-suklam ang iniatas ni Ferdinand Marcos Jr. na Memo Circular #52 kung saan ipinapakabisa at pinabibigkas sa flag ceremony tuwing Lunes at Biyernes sa mga pampublikong paaralan at institusyon ang imno at panunumpa ng “Bagong Pilipinas”. Bahagi ito ng gimik ni Marcos Jr. sa pagsalubong sa Araw ng Huwad na Kalayaan at pabanguhin ang imahe […]
Masakit na paalala ang Hunyo 10 ng napakatagal nang pagkakait ng estado ng tunay na reporma sa lupa at ang pagdurusang binabata ng mga magsasaka dahil sa patuloy na kawalan o kakulangan sa lupa. Noong Hunyo 10, 1988, ipinatupad ng rehimeng US-Aquino I ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa layuning linlangin ang mga magsasaka […]
Sa ika-126 taon ng paggunita sa Araw ng huwad na kalayaan, nararapat na papag-alabin ang patriyotikong diwa ng mamamayang Pilipino upang igiit at ipaglaban ang tunay na kalayaan at demokrasya. Higit itong napapanahon sa gitna ng labis na pangyuyurak pangunahin ng imperyalismong US, at ikalawa, ng China sa pambansang soberanya at integridad ng teritoryo Pilipinas. […]
Sa mga nakalipas na buwan, pinaigting ng pasistang rehimeng Modi ang kanilang gerang panunupil at kampanyang kontra-insurhensya laban sa isinusulong na armadong pakikibaka sa India na pinamumunuan ng Communist Party of India (Maoist). Mula Enero, ipinatupad ng reaksyunaryong estado ng India ang kampanyang Operation Kagaar na kabahagi sa mas masaklaw na kampanyang Operation SAMADHAN-Prahar na […]
Nananawagan ang National Democratic Front-Rizal sa lahat ng mamamayang Pilipino na nagmamahal sa ating bansa na patuloy na sumuporta at lumahok sa isinusulong na bagong-tipo na demokratikong rebolusyong bayan ng CPP-NPA-NDF. Ito lamang ang tanging paraan upang makamit ang ganap na kalayaan mula sa di-tuwirang paghahari ng imperyalismong US sa pamamagitan ng kanilang mga lokal […]
Kinukundena ng National Democratic Front-Palawan ang ginawang panlilinlang ng reaksyunaryong gubyerno sa mga magsasaka sa Palawan na pekeng pamamahagi ng lupa noong Abril. Kasabay nito, nagpapatuloy ang iskema ng lokal at mga ahensya ng gubyerno para sa sistematikong pangangamkam ng lupa ng mga dayuhang korporasyon ng mina, plantasyon at lokal na MBK-PML sa lupain ng […]