Likas sa tao ang paghahangad ng isang maalwang buhay para sa sarili at sa pamilya. Sa proseso ng pag-abot nito, unti-unti tayong namumulat sa katotohanang ang pagkamit ng marangal na pamumuhay ay nakasalalay sa pagbubuo ng isang lipunang may pagkakapantay-pantay at sa pagwawaksi ng pagsasamantala. Bagamat masalimuot ang landas na kailangang tahakin, ang nag-uumapaw na […]
Noong Agosto 15-19, apat na araw na isinailalim ng 203rd Brigade at PNP-Pinamalayan sa iligal na house arrest ang pamilya Andal at kasambahay nila. Hinaras, tinakot at binantaan ang pamilya at pilit na pinasusuko ang kasama nila sa bahay na 17 taong gulang na si Karla May Rivera. Si Karla May Rivera ay estudyante ng […]
Kinokondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog ang panibagong kataksilan ni Rodrigo Roa Duterte sa bayan matapos nitong pagkalooban ng “absolute pardon” ang sundalong Amerikanong si Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na nahatulan noong Disyembre 2015 ng 6-12 taong pagkakakulong dahil sa pagpatay sa ating kababayan na si Jennifer Laude, isang transgender […]
Kaisa ng sambayanang Pilipino, mariing kinukondena ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST), sampu ng mga mamamayan ng rehiyong Timog Katagalugan, ang inaprubahang panukalang House Bill 7137 ng Kamara na nagdedeklara sa September 11, sa buong Ilocos Norte, bilang Ferdinand Edralin Marcos Day. Ang pagdedeklara sa kaarawan ng yumaong diktador bilang Marcos Day, […]
“Ang magbuhos ng dugo para sa bayan Ay kagitingang hindi malilimutan Ang buhay na inialay sa lupang mahal Mayaman sa aral at kadakilaan” Sa saliw ng awiting “Sulong mga Kasama” ay taas-kamao ang buong pwersa ng rebolusyonaryong kilusan ng Palawan bilang pagpapakita ng pinakamataas na respeto at pagpaparangal kay Kasamang Bonifacio Magramo na kilala bilang […]
Dapat na kondenahin at panagutin ang 203rd Brigade sa ginawang ilegal na pag-aresto at pagdetine sa isang katutubong Hanunuo Mangyan na si Michelle Bangdayan noong September 1, 2020. Siya ay nananatiling nakapiit sa loob ng kampo ng 203rd Brigade sa Bansud, Oriental Mindoro. Malubha ang karamdaman ni Michelle at nagpapagamot nang siya ay hulihin. Si […]
Maysakit man o wala. Malubha man o hindi. Wala nang dahilan pa upang magtagal at manatili sa pwesto ang kasuklam-suklam at matinding kinamumuhian ng taumbayan na si Rodrigo Roa Duterte. Dapat nang patalsikin sa pwesto si Duterte sa pamamagitan ng isang malawakan, orkestrado at koordinadong mga pagkilos sa mga baryo at komunidad, sa mga mayor […]
Mariing kinokondena ng NDFP-ST ang di-makatao, barbaro at makahayop na pagtrato ng mga pasistang tropa ng rehimeng Duterte sa mga labi nina Ka Jethro, Ka Termo, Ka Omar at Ka Danny. Sina Ka Termo, Ka Omar at Ka Danny ay napaslang nang pinagsanib na tropa ng 1st Infantry Batallion-Philippine Army (1stIB-PA) at Regional Mobile Force […]
Pinakamataas na pagpupugay ang iniaalay ng buong Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU-NDF-ST) kina Kasamang Mario “Ka Jethro” Caraig, Kasamang Dioscoro “Ka Termo” Cello, Kasamang Alex “Ka Omar” Perdeguera at Kasamang Rey “Ka Danny” Macinas bilang mga dakilang martir ng rebolusyong Pilipino. Nakikiramay kami sa kanilang pamilya at naiwang mga mahal sa buhay, mga kasamahan […]
Walang anumang salita ang makakapaglarawan kung paano kami lubusang nakikidalamhati sa biglaang pagpanaw ni Kasamang Fidel V. Agcaoili. Nararamdaman namin ang malaking kawalan ng isa sa pinakamahusay, huwarang lider, tapat at buong–buong naglilingkod sa masang api at pinagsasamantalahan. Ang buong NDFP- Isla ng Palawan kasama ang lahat ng alyadong organisasyon nito lalo na ang […]