Archive of NDF-Southern Tagalog

Suportahan at makiisa sa makatarungang pakikibaka ng mga manggagawa ng Wyeth
May 24, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nakikiisa ang NDFP-ST at mamamayan ng Timog Katagalugan sa welga ng mga manggagawa ng Wyeth Nutrition Philippines laban sa biglaang pagtatanggal sa 140 manggagawa, kabilang ang 125 mababang empleyado, 14 supervisor at isang manager. Makatarungan ang pakikibaka ng mga manggagawa laban sa iligal na tanggalan, para sa kanilang karapatan at regularisasyon sa gitna ng labis […]

Ilunsad ang independyente at makatarungang imbestigasyon kaugnay sa krimen ng 203rd Brigade-PNP-MIMAROPA sa mamamayang Mindoreño!
May 19, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

  Kagalang-galang na Atty. Dennis Mosquera Regional Director CHR MIMAROPA Mainit at mapagpalayang pagbati! Kaisa ang NDFP-Mindoro, sampu ng mga alyadong rebolusyonaryong organisasyon nito, sa adhikain at mandato ng inyong ahensya para sa proteksyon ng karapatang pantao na nilalaman ng Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas at sa mga kaukulang batas, patakaran at programa sa […]

Mamamayang Mindoreño, tutulan ang itatayong plantang nukleyar ng papet, pahirap at pasistang rehimeng US-Marcos II!
May 17, 2023 | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Dapat na maging alerto ang mamamayang Mindoreño sa nakaambang proyekto ng inutil na rehimeng US-Marcos II sa isla. Kamakailan lang ay ipinagmalaki ni Marcos ang plano ng NuScale Power Corporation, isang kumpanyang nagpoprodyus ng small modular reactor (SMR) o maliliit na plantang nukleyar na pinopondohan ng gubyernong US, para di umano magsuplay ng dagdag kuryente […]

Hustisya para sa panibagong 14,261 biktima ng pambobomba, panganganyon, at pag-istraping ng berdugong 203rd Brigade-PNP-MIMAROPA!
May 09, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Kinukondena ng NDFP-Mindoro ang utak-pulburang 203rd Brigade-PNP-MIMAROPA sa walang pakundangan nitong paghahasik ng teror at ligalig sa mamamayang Mindoreño. Dalawang magkasunod na insidente ng pambobomba at pag-iistraping ang naganap sa lalawigan ng Oriental Mindoro noong Abril 29 at Mayo 8. Unang binomba ang kabundukan sa hangganan ng Roxas at Mansalay noong Abril 29, 2023 na […]

Mga pahayag sa pagdiriwang ng rebolusyonaryong kilusan sa Quezon sa ika-50 anibersaryo ng NDFP
May 03, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog |

Bagong Hukbong Bayan-Quezon (Apolonio Mendoza Command ) Abril 24, 2023 Isang mapula at mapagpalayang araw ang ipinaabot ng Apolonio Mendoza Command sa ika-limampung taong pagdiriwang ng anibersaryo ng NDFP. Mataas ang pagkilala ng NPA sa lalawigan ng Quezon sa makasaysayang papel ng NDFP na isulong ang makauring pakikibaka ng sambayanan, igiit ang makatwirang laban para […]

Panagutin ang may-ari ng MT Princess Empress at iba pang sangkot sa pinsalang dinulot ng Oil Spill!
May 03, 2023 | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Kailangan nang bigyang katarungan ang mga sinalanta ng oil spill mula sa MT Princess Empress. Tanging sa pamamagitan ng pagpanagot sa malaking burgesya kumprador (MBK) na si Ramon Ang na sangkot sa trahedya maigagawad ang katarungan na hinahanap ng mga apektadong sektor. Hindi biro ang idinulot nitong kahirapan sa masang naapektuhan lalo na ang mga […]

Manggagawa, magkaisa! Matatag na ipaglaban ang karapatan ng sariling uri at ng sambayanang Pilipino!
May 01, 2023 | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ginugunita ng NDFP-ST ang ika-120 anibersaryo ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa nang may militanteng diwa na ipaglaban ang karapatan ng lahat ng manggagawa. Nagpupugay ang NDFP-ST sa mga unyon at liga ng mga manggagawa na matatag na lumalaban para igiit ang kanilang karapatan sa paggawa. Ilan sa mga ito ang mga unyon ng Gardenia Bakeries […]

Pagpupugay at pagdakila ang alay ng mga magsasakang Batangueño nila ka Bagong-tao at ka Laan! Berdugong AFP-PNP, panagutin sa paglabag CAHRIHL at JASIG!
April 25, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Batangas | Henry Macatigbak | Spokesperson |

Ngayong ika-50 anibersaryo ng Pambansang Demoktratikong Nagkakaisang Prente o National Democratic Front (NDF), nagbibigay ng pinakamataas na pagpupugay ang Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid Batangas sa mga pinuno ng Partido na sila Benito Tiamzon (ka Bagong-tao) at Wilma Austria-Tiamzon (ka Laan)! Si ka Bagong-tao ay nagsilbing pangulo ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komite Sentral habang si […]

Mamamayang Mindoreño, tanganan ang sulo ng demokratikong rebolusyong bayan sa ginintuang anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines!
April 24, 2023 | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Nakikiisa sa pagdiriwang ang rebolusyonaryong mamamayan sa isla ng Mindoro sa okasyon ng ginintuang anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)! Binabati ng NDFP-Mindoro ang kasapi ng mga pambansa demokratikong organisasyon sa buong bansa sa patuloy nilang pagsisikhay na isulong ng programa ng NDFP kahit sa harap ng tumitinding bangis ng estado na […]

Viva Singkwenta! Pagbati ang hatid ng KM-TK sa ika-50 anibersaryo ng NDFP!
April 24, 2023 | Kabataang Makabayan-Southern Tagalog |

Pinagpupugayan ng KM-TK ang limang dekada ng pangunguna ng NDFP sa pakikibaka laban sa bawat atake ng pasismo at pagpapahirap ng tuta at kontra-mamamayang gobyerno. Hindi nagmaliw ang apoy ng paglilingkod ng NDFP–mula sa pagiging epektibong tinig ng iba’t ibang sektor na nagkakaisa laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo, hanggang sa patuloy na patataguyod […]