Mariing pinabubulaanan ng National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ang bintang ng PNP-Region IV-A (CALABARZON) at 2nd Infantry Division ng Philippine Army (2nd ID-PA) na mga kagawad at matataas na opisyal ng New People’s Army si Ginoong Erlindo Baez at Ginoong Wilfredo Capareño. Hindi kailanman naging mataas na opisyal ni naging kasapi si […]
Mariing kinukundina ng NDFP-ST ang serye ng pandarahas at sapilitang pagpapasuko ng 201st Brigade sa mga kasapi ng ligal na organisasyon ng mga magniniyog sa Quezon. Ngayong Setyembre, aabot sa 282 magsasaka mula sa limang barangay ng bayan ng Lopez at samahan ng mga magniniyog sa Macalelon ang sapilitang pinasuko ng mga berdugo. Bahagi ang […]
Sa okasyon ng ika-49 taong pagkakadeklara ng Batas Militar ng yumaong mandarambong, tiraniko at diktador na si Ferdinand E. Marcos (FM), mahigpit na kasama at katuwang ng sambayanang Pilipino ang NDFP-ST sa hangarin nitong wakasan ang paghahari ng kasalukuyang mandarambong, tiraniko at diktador na si Rodrigo Roa Duterte at sa pagbigo sa pagtatangka ng pamilyang […]
Nalalapit na ang ika-49 na anibersaryo ng pagdeklara ng Batas Militar sa Pilipinas. Mula 1972 hanggang 1981, pumasok sa malubhang krisis ang sambayanang Pilipino dulot ng pasistang rehimen ni Ferdinand Marcos at ng dayuhang amo nito sa Estados Unidos. Naghari si Marcos bilang pangunahing ahente ng dayuhang imperyalismo sa Pilipinas mula 1965 hanggang sa pinatalsik […]
Kabilang ang NDFP-ST sa sambayanang Pilipino sa mga nagagalak at nagpapasalamat sa Pre-Trial Chamber I (PTC-I) ng International Criminal Court (ICC) sa naging desisyon nitong ipailalim sa komprehensibong imbestigasyon si Presidente Rodrigo Roa Duterte ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at iba pa kaugnay sa kanilang mga nagawang krimen laban sa sangkatauhan […]
Ngayong araw, itinalaga ni Duterte si Antonio Parlade Jr. bilang deputy director-general ng National Security Council (NSC) matapos ang kanyang pagreretiro sa Armed Forces of the Philippines. Muling binigyang-pabor ni Duterte ang isa na namang sagad-saring anti-mamamayang opisyal ng AFP-PNP upang konsolidahin ang hanay nito at ang nalalabing kapangyarihan ni Duterte sa poder. Tiyak na ipagpapatuloy ni Parlade ang mga dati niyang gawi na pagpapalaganap ng kasinungalingan at paghahasik ng takot at teror sa bayan gamit ang kanyang bagong posisyon sa NSC.
Kinukundena ng NDF-Rizal ang panukalang paglalaan ng rehimeng Duterte ng higit na malaking pondo para sa NTF-ELCAC sa 2022. Lumaki tungong P28 bilyon mula P19 bilyon ang badyet ng walang silbing task force sa gitna ng pinaliit na badyet sa kalusugan at iba pang batayang serbisyong mas kailangan ng mamamayan ngayong pandemya. Salaminan ito ng […]
Kasuklam-suklam at nakakagalit para sa mamamayang Pilipino ang patuloy at walang katapusang pangungulimbat na ginagawa ng gubyernong Duterte sa pondo ng bayan. Hindi pa nasasapatan si Duterte sa limpak-limpak na salapi na kanyang nakulimbat sa mga maanomalyang proyekto sa ilalim ng programang Build Build Build ng gubyerno. Maging ang maliit at kapos na pondong inilaan […]
Nakatuon na ang atensyon ng pasistang rehimeng US-Duterte sa paghahanda para sa darating na halalan sa Mayo 2022. Tahasan at tuso nang nagmamaniobra ang paksyon ni Duterte na muling manalo sa eleksyon 2022. Hayagan at walang kahihiyan nilang sinisiraan ang kanilang mga karibal sa pulitika at aroganteng ibinandila na matatalo ulit ang mga ito. Kinudeta […]
Sukdulan na ang pagkagahaman sa salapi at yaman ni Duterte. Hindi pa siya nasapatan sa kanyang mga nakukurakot na limpak-limpak na salapi sa pondo ng bayan at mula sa suhol at kikbak sa mga proyektong imprastraktura sa ilalim ng kanyang Build,build,build projects. Ang bilyun-bilyong pondong nakalaan naman sa paglaban sa pandemyang Covid-19 ang pinuntirya ng […]