Pahayag

Mabuhay ang ika-53 anibersaryo ng PKP! Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan! Buong lakas na maglinkod sa sambayang Pilipino sa gitna ng pandemyang Covid-19!

,

Pinakamataas na pagpupugay para sa ika-53 taon anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas!

Sa kabila ng matinding krisis at hagupit ng pandemyang Covid-19, nagpatuloy ang PKP sa pagsusulong ng interes ng samabayanang Pilipino. Taliwas sa mga bulalas at paratang ni Rodrigo Duterte na walang ambag ang rebolusyonaryong kilusan sa pagresolba ng lumalalalang sitwasyong pangkalusugan sa bansa, hindi nagmintis ang PKP at mga pulang mandirigma sa kanayunan na magbigay ng serbisyong pangkalusugan para sa mga maralitang magsasakam, katutubo at pambasang minorya na hindi na naabot ng gubyerno. Ganundin, patuloy na isinusulong ng PKP ang panawagan upang magkaroon ng maayos at siyentipikong tugon sa pandemya maliban sa militaristikong pamamaraan nito – walang katapusang lockdowns, at kabi-kabilang harassment sa mamamayan na di umano’y lumabag sa kanilang hindi-makataong kwarantine protocols.

Pinangungunahan ng PKP ang patuloy na panawagan ng mass testing, maayos na Covid-19 contact tracing at siyentipikong tugon sa pandemya habang patuloy na inilalantad at nilalabanan ang pagsasamantala ng Rehimeng US-Duterte sa krisis. Sa halip na kagyat na magkaroon ng maayos na planong medikal, pangekonomya, at kaseguruhan sa kaligtasan ng bawat Pilipino sa gitna ng pandemya, niratsada ng gubyernong Duterte ang Anti-Terror Law bilang panggigipit sa sino mang magaakals sa tiwaling pamamalakad ng pamahalaan at iba pang mga anti-mamamayang polisiya.

Walang malinaw na plano ang rehimeng US-Duterte sa patuloy na tumataas ng mga nagpopositibo sa Covid-19 dulot na rin ng bagong variant na Omicron. Walang malinaw na plano ang gubyerno sa lumolobong bilang ng mga mangagagawang Pilipino na nawalan ng trabaho dahil sa halos 2 taong lockdowns. Nalugmok ng walang katapusang lockdowns ang maliliit na mga negosyo sa bansa dahilan na rin na malawakang tanggalan sa trabaho at pagpalo nito humigit kumulang 18 milyong mangagawang Pilipino na walang trabaho matapos ang taong 2021. At ngayong 2022, nananatiling nakaasa ang ating sadlak na ekonomiya sa dayuhang pautang ng Tsina at Estados Unidos at malawakang importasyon ng mga pangunahing bilihin sa ibang bans ana higit pang pinamahal ang halaga dahil sa TRAIN Law.

Samantala, kibit balikat din ang administrasyon sa sakripisyo at paghihirap ng ating mga medical frontliners na kung saan kakarampot lamang na benepisyo ang tatanggap sa ilalim ng Special Risk Allowance na ipinatupad sa ilalim ng Bayanihan We Heal as One Act 1 and 2. Ang dati ng atrasadong kalagayan ng sector ng kalusugan ay higit pang pinasahol ng gubyernong Duterte kung saan sumambulat sa atin ang garapalang koprapsyon sa loob mismo ng ahensya ng Department of Health. Ang mala-sindikatong Pharmally na hindi mapagkakailang kasabwat ni Duque at nga mga payaso sa Senado ay madulas na nananalo sa naganap na bidding ng ahensya para sa mga health supplies tulad ng facemask, at face shields na pumalo. Sa kabila ng pagamin ng Pharmally sa Senate blue ribbon committee hearing noong 2021, na expired ang kalakhan sa mga produktong kanilang isinuplay sa gubyerno at niloko nito ang gubyerno sa milyon-milyong halaga ng transaksyon – wala pa ring malinaw na nananagot; Nasangkalan ang kalusugan ng bawat isang Pilipino at nasakripisyo maging ang karagdagang proteksyon para sa mga frontliners kapalit ng korap na transaksyon na ito.

Malinaw na ang pandemyang Covid-19 ay ginawang oportunidad ng reaksyunaryong gubyerno at gawing negosyo kung saan ang mga batayang serbisyong panlipunan para sa mamamamyan lalo sa panahon ng matinding krisis pangkalusugan ay inilalako sa mas mahal na halaga at madalas ay ibinubulsa pa ang pondo ng bayan para sa pangsariling interes. Tinatayang Php 37.9 million ang inaprubahang ng DOH na kontrata ng face shield sa Pharmally habang kalunos-lunos ang kalagayan ng ating mga manggagawa pangkalusugan – walang sapat na hazard pay, walang sapat ng benepisyo at walang maayos na proteksyon.

Malinaw na abala ang rehimeng US-Duterte sa all out war nito sa mamamayan at higit na namamayagpag ang pondo inilalaan ng pamahalaan sa NTF-ELCAC sa panahon ng pandemya sa halip na ilaan sa operasyon ng mga pampublikong ospital at mas maayos na serbisyong pangkalusugan. Sa ganitong kalagayan, wasto lamang at makatwriran na lumahok ang mga manggagawa sa sektor ng kalusugan tulad naming mga doktor, nars, at medical assistants sa demokratikong rebolusyong bayan. Pangunahing tugnkulin ng bawat kasapi ng MSP sa Timog katagalugan na isulong ang maka-mamamayan at siyentipikong pagbabago sa sektor ng kalusugan. Kumilos at patuloy na mag-organisa upang itaguyod ang lehitimong panawagan para sa maayos na serbisyong medical at ilantad ang korapsyon sa mga pampublikong hospital na pinaigting pa ng mga baluktot na pamamalakad at korapsyon hanggang antas na lokal ng pamahalaan, mga neoliberal na mga patakaran at misalokasyon ng pondo kung saan ang para sa kalusugan at inilalaan para sa arams at karahasan ng PNP-AFP.

Bahagi rin ng ating tungkulin na huwag hayaang manumbalik sa poder ang tambalang Marcos-Duterte sa Halalan 2022 na higit na magsasadlak sa abang kalagayan ng sambayanang Pilipino at itulak ang makabayang plataporma ng mamamayan sa Timog Katagalugan. Sa pagtatapos ng Change is Scamming sa ilalim ng gubyernong Duterte, patuloy na lalaban at titindig ang mga mangagawa sa sector ng kalusugan upang hawanin ang landas para sa pagtatagumpay ng rebolusyong Pilipino.

Muli, isang pulang saludo mula sa MSP-NDF-ST para sa ika-53 anibersaryo ng mahal nating Partido Komunista ng Pilipinas! Magpapatuloy tayo na maglingkod sa masang anakpawis, hindi lamang sa loob ng mga gusali at ospital, ngunit maging sa mga maralitang magsasaka, mangagagawa, at pambasang miniroya sa kanayunan at anumang larangan ng ating pakikibaka.

Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!

Mabuhay ang Nakikibakang Sambayanang Pilipino! ###

Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan! Buong lakas na maglinkod sa sambayang Pilipino sa gitna ng pandemyang Covid-19!