Archive of NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)

Hindi dapat magpatinag sa takot ang mga Masbatenyo sa atakeng militar na hatid ng Filminera at ng AFP!
August 14, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan Masbate ang nagpapatuloy na malawakang militarisasyon sa mga bayan ng Mobo at Uson. Kahindik-hindik na terorismo at abusong militar ang ipinararanas sa mga komunidad sa naturang mga lugar upang takutin ang mamamayan at supilin ang kanilang pagtutol sa nagbabadyang ekspansyon ng mapaminsalang operasyong mina na […]

Pagbayarin ng mahal ang mga taksil sa masang Masbatenyo!
August 11, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Sugatan sa pananambang ang barangay Kapitan ng Barangay Bonifacio, Uson na si Democ Movera at dalawa nitong kasamahang CAFGU noong Agosto 9, 2023. Sakay ang tatlo sa isang pick-up trak nang pasabugan ng isang tim ng mga pulang mandirigma ang kanilang sinasakyan. Sila Movera at kasamahan ay mga kasapi ng ALSA MASA o mga ahente […]

Salubungin ng puspusang paglaban ang ekspansyon ng Filminera-Masbate Gold Project at iba pang agresibong pakana upang dambungin ang Masbate
July 09, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) |

Sa loob ng higit dekadang operasyon, nilimas ng Filminera ang higit 63 tonelada ng ginto at kumita nang humigit-kumulang ₱130 bilyong piso. Sa kabilang banda, malawakang pagkasira ng kalikasan, pagkakalbo ng mga bundok at kagubatan, pagkawasak ng kabuhayan at pinsala sa buhay ang idinulot ng Filminera-MGP sa mga Masbatenyo.

Nakikiisa ang mga Masbatenyo sa masang Albayano sa pagharap sa delubyong hatid ng pagsabog ng bulkang Mayon
June 23, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Ipinababatid ng mamamayang Masbatenyo at ng kanilang rebolusyonaryong kilusan ang pinakamahigpit na suporta at pakikiisa sa masang Albayano. Sang-ayon sa panawagan ng Bagong Hukbong Bayan-Albay na pagtulong sa mga apektado, handa ang Jose Rapsing Command-BHB Masbate at mga rebolusyonaryong organisasyong masa na tumugon sa mga kinakailangang ambag at suporta para sa mga apektadong mamamayan. Ang […]

Kampanya ng malawakang pamamaslang sa mga sibilyan, desperadong paraan ng AFP at ng rehimeng Marcos Jr-Duterte sa pagdurog sa armadong paglaban sa Masbate
June 23, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Pinagbabaril ng pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) habang nagtatrabaho sa kalsada sa Sityo Abanggan, Barangay San Carlos, Milagros si Randy Dionan Mahinay, 38-anyos, may asawa at mga anak nito lamang Hunyo 21, 2023 alas-8 ng umaga. Si Mahinay ang ika-15 biktima ng pampulitikang pamamaslang ng militar sa Masbate sa ilalim ng teroristang […]

Isulong ang rebolusyonaryong armadong paglaban upang makamit ang ganap na hustisya para kay Rey "Carling" Belan at sa lahat ng biktima ng terorismo ng estado!
June 21, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Panata ng Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan Masbate na paigtingin ang armadong pakikibaka upang panagutin ang militar at kanilang punong kumander na si Bongbong Marcos Junior sa pagpaslang sa menor-de-edad na si Rey “Carling” Belan at sa daan-daang pang biktima ng terorismo ng AFP-PNP-CAFGU sa prubinsya. Makapuslit man sa kanilang sariling korte at […]

Tinatapos ng rehimeng US-Marcos-Duterte ang unang taon sa termino sa malawakang pagpatay
June 17, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Napaslang sa walang habas na pamamaril ng mga berdugo at teroristang pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang magsasakang si Carling Belan habang sugatan naman si Panoy Pepito nitong Hunyo 16, 2023 alas-3 ng hapon sa So. Manaybanay, Brgy. Calabad sa bayan ng Dimasalang. Dinakip at isinama rin ng militar ang tatlong kasamahan […]

Itakwil ang huwad na independensya! Isulong ang makatarungang digma sa pagkamit ng tunay na kalayaan at demokrasya ng bayan
June 12, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Ginugunita ng sambayanang Pilipino ang ika-125 taon ng hilaw na paglaya ng Pilipinas sa kolonyalistang Espanyol habang lalo pang ipinagkakait ng imperyalistang US at mga kasabwat na lokal na naghaharing-uri ang tunay na kalayaan. Tulad ng pagtataksil ng ilustradong pamunuang Aguinaldo sa rebolusyong Pilipino, sukdulang nagpapakatuta ang rehimeng US – Marcos Jr.-Duterte sa paghila sa […]

Pagbayarin ang AFP at mga rebel returnee na lumalabag sa karapatang-tao ng masang Masbatenyo
June 12, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Magkakasunod na paglabag sa karapatang-tao ang ginawa ng Armed Forces of the Philippines at kanilang mga ahenteng rebel returnee laban sa masang Masbatenyo sa unang linggo ng buwan ng Hunyo ngayong taon. Kabilang sa pinakabagong krimen ng militar kasama ng kanilang mga tutang rebel returnees ang pambubugbog at sapilitang pagpapaamin kay Nono Sayson na ito […]

Maharlika Investment Scam, sistematikong pakana sa korupsyon ng rehimeng US-Marcos II
June 08, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Pinatinding krisis sa ekonomya at malawakang korupsyon ang ihahatid ng pagsasabatas ng Maharlika Investment Scam. Sa pamamagitan ng Maharlika, trilyun-trilyong halagang pinaghirapan ng taumbayan ang sistematikong kukurakutin ng gubyerno gamit ang mga dummy na kumpanyang pag-aari mismo ng mga kroni at matagal nang alagad ng rehimeng US-Marcos-Duterte. Maituturing ang naturang pakana bilang pinakamalaking investment scam […]