Archive of NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)

Militar desperado sa pagpapasurender at pagpapalayas sa mga sibilyan
January 31, 2025 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Nitong Enero 27, dinumog ng militar at inokupa ang mga barangay ng Baang, Sawmill, Barag at Mapuyo sa kagustuhang mapasurender ang isang sibilyan na kinilalang si Sony Diamos. Matagal nang pilit pinasusuko ng militar si Sony subalit mariin itong naninindigan na walang dahilan para siya ay sumuko. Hindi naman siya kriminal upang tugisin ng mga […]

Okupasyon ng militar sa mga barangay sa bayan ng Palanas at Dimasalang, nagpasiklab sa galit ng mamamayan
January 29, 2025 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Simula kahapon, Enero 28, inokupa ng mga militar ang mga barangay sa bayan ng Palanas kabilang rito ang Intusan, Salvacion, San Carlos, San Isidro, Buenasuerte, Malibas at Cabrera sa bayan ng Dimasalang. Inokupa at ginawang himpilan ng militar ang mga komunidad at sentro ng baryo tulad ng plasa at basketball court. Hindi na rin umalis […]

Mga nauulol na pwersa ng 2nd IBPA walang habas na niratrat ang kabahayan sa Rizal, isa sugatan
January 20, 2025 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng Jose Rapsing Command-New People’s Army (NPA-Masbate) ang mga pwersa ng 2nd Infantry Battalion-Philippine Army, sa walang habas na pagratrat sa kabahayan sa Sityo Balunos, Rizal sa bayan ng Dimasalang kahapon, alas-4 ng hapon. Tinamaan sa likod ang dating kagawad ng barangay na si Marcial Colocado Detalo Sr., mahigit 60-anyos ang edad. Kahit […]

Paglilinaw hinggil sa nakaririnding mga pahayag ng AFP hinggil sa nakitang submarine drone sa San Pascual, Masbate
January 06, 2025 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Pinaiinit lang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isyu tungkol sa nakuhang submarine drone ng mga mangingisda noong Enero 3, 2025 sa San Pascual, Masbate. Ilang araw na ang nakalipas ngunit kumukulo pa rin ang dugo ng mga upisyal ng militar dahil sa posible umanong banta nito sa seguridad ng ating bansa o […]

Nauulol sa takot na mga militar, binaril-patay ang dalawang binatilyo sa bayan ng Uson
December 31, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Tinutuligsa ng Jose Rapsing Command-New People’s Army (NPA-Masbate) ang pagbaril-patay ng mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa dalawang binatilyo na sina Redjan Montealegre, 18-anyos, residente ng Barangay Mongahay at JP Osabel, 14-anyos, residente ng Barangay Mabini, sa bayan ng Uson noong Disyembre 27. Naganap ang pamamaslang bandang alas-3 ng madaling araw […]

Pakikisa sa paggunita sa ika-124 na kamatayan ni Dr. Jose Rizal
December 30, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Ipinaaabot ng Jose Rapsing Command-New Peoples Army (NPA-Masbate) ang pakikiisa sa paggunita sa ika-124 na kamatayan ni Dr. Jose Rizal. Ngayong araw, higit na dapat alalahanin ng mamamayan laluna ng mga kabataang Masbatenyo ang mga aral at turo ni Rizal. Balik-aralan ang mga akda at sulatin nito na nagtuturo sa atin na pakamahalin ang ating […]

Payo ng NPA kay Mayor Ates Tuazon: ang posturang anti-komunista ay pagpapatiwakal
December 12, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Kinikilala ng rebolusyonaryong kilusan ang kapangahasan ni incumbent Masbate City Mayor at kumakakandidatong pagkagubernador ng prubinsya na banggain ang paghahari ng mga Kho. Subalit may ilang obserbasyon at matapat na puna ang kilusan na maaaring pakinggan ni Mayor Tuazon para sa kanyang pampulitikang reputasyon. Kapansin-pansin ang partisipasyon ni Mayor Tuazon sa kampanya ng paninira laban […]

Ang demokratikong rebolusyon ay karapatan at tungkulin ng mamamayan
December 10, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao, dapat mabatid ng mga Masbatenyo na tanging armadong paglaban ang solusyon upang nawakasan ang armadong pang-aapi. Ipinagkait sa mga Masbatenyo ang karapatan sa tunay at libreng serbisyong panlipunan. Sa Masbate, mas marami pa ang ditatsment at kampo ng militar kumpara sa mga pagamutan at pasilidad pangkalusugan. Walang […]

Dapat magkaisa ang mga Masbatenyo at NPA para sa pagpapahinto ng operasyon ng Filminera Mining!
December 04, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng mamamayang Masbatenyo ang kumpanyang Filminera Mining sa paggamit ng dahas at panlilinlang bilang bahagi ng agresibo nitong pagpapalawak ng operasyon. Nananawagan ang Jose Rapsing Command-NPA Masbate sa mga Masbatenyo na huwag magpatinag sa pandarahas at panlilinlang ng Filminera Mining at lumaban kasama ang NPA upang tuluyang mapahinto ang mapaminsalang operasyon ng kumpanya. […]

Labing-apat na kaswalti sa hanay ng militar sa magkakasunod na kontra-kubkob sa bayan ng Uson at Baleno
November 25, 2024 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Pito ang patay habang pito ang sugatan sa hanay ng militar matapos makontra ng Hukbo ang tangkang pagkubkob ng mga militar sa magkakasunod na labanan sa mga bayan ng Uson at Baleno noong ikatlong linggo ng Nobyembre 2024. Sa labanang naganap sa Sityo Pile, Barangay San Jose, bayan ng Uson noong Nobyembre 22, napaghandaan ng […]