Archive of Patnubay de Guia | Spokesperson

Itigil ang walang patumanggang pambobomba at panganganyon ng 203rd Bde sa mga komunidad ng Mangyan sa Mindoro!
February 27, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng National Democratic Front-Southern Tagalog ang isinagawang walang patumanggang aerial bombing, strafing at artillery shelling ng berdugong 203rd Bde ng Philippine Army sa hangganan ng mga Brgy. Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro at Brgy. Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro mula alas-5 ng umaga kanina. Matinding takot at pinsala na naman ang idinulot nito sa […]

Mamamayan ng daigdig, magkaisa’t labanan ang monopolyo sa langis
February 25, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Dapat kundenahin ang mga imperyalistang bansa laluna ang Organization of Petroleum Exporting Countries sa pagmamanipula sa suplay at presyo ng langis para humuthot ng higanteng tubo. Labis nilang pinalalaki at ginagamit ang tensyon sa hangganan ng Russia at Ukraine upang ilusot ang pagpapasirit sa presyo ng langis. Resulta nito ang di na maabot na presyo […]

Ka Facio: Huwarang rebolusyonaryo, tunay na Komunista at tagapaglingkod ng mamamayang Pilipino
February 25, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Pinakamataas na parangal at pagpupugay ang iginagawad ng National Democratic Front-Southern Tagalog kay kasamang Kevin Castro na mas nakilala ng masa at mga kapwa rebolusyonaryo bilang Ka Andres, Ka Facio, Ka Lima at Ka Pablo. Nasawi siya sa isang labanan sa Brgy. Binibitinan, Polilio, Quezon nitong Pebrero 21, 2022 sa edad na 28. Isang bata […]

Gunitain ang pag-aalsang EDSA! Matatag na hawakan ang kapasyahang biguin na makabalik sa kapangyarihan ang mga mandarambong at pasista!
February 25, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Kasama ng malawak na mamamayan ng rehiyong Timog Katagalugan, ang NDFP-ST ay mahigpit na nakikiisa sa sambayanang Pilipino sa paggunita sa ika-36 na anibersaryo ng pag-aalsang EDSA na nagpabagsak sa kapangyarihan ng kinamumuhian at isinusuka ng bayan na diktador, mandarambong at mamamatay-taong si Ferdinand E. Marcos Sr. May natatanging halaga ngayon ang paggunita ng sambayanan […]

BBM, NTF-ELCAC at localized peace talks: Mga balakid sa tunay na kapayapaan
February 24, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Umaalingasaw ang pagiging anti-kapayapaan at sagadsaring pasista ni Bongbong Marcos (BBM) sa kanyang pagpapahayag ng suporta para sa mga programa ng kinamumuhiang NTF-ELCAC at mapanlinlang na localized peace talks na inilalako ng rehimeng Duterte. Layunin nitong kabigin ang suporta ng civilian-military junta na pasimuno ng mapaniil na anti-komunistang kampanya upang magkonsolida ng kapangyarihan at tiyaking […]

Suportahan ang pag-uusig ng internasyunal na komunidad sa mga pasistang heneral ng NTF-ELCAC at rehimeng Duterte
February 16, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ikinalulugod ng NDFP-ST at mamamayang Pilipino ang panukala ng 24 senador sa US na patawan ng mga sangsyon sina Lorenzana, Esperon, Año, Sinas at Parlade, mga sagadsaring anti-mamamayan at anti-komunista sa ilalim ng rehimeng Duterte, dahil sa kanilang madugong rekord sa paglabag sa karapatang tao. Gagamitin ng mga senador ang US Global Magnitsky Act upang […]

Desisyon ng COMELEC na ibasura ang kasong diskwalipikasyon ni BBM, buktot at kasuklam-suklam
February 15, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinokondena ng NDFP-ST ang pagbabasura ng Commission on Elections (Comelec) sa mga makatuwirang petisyon para idiskwalipika si Bongbong Marcos (BBM) sa pagtakbo bilang presidente. Hindi kinilala ng Comelec ang malinaw na ebidensya at rekord sa korte kaugnay sa hindi pagsusumite ni BBM ng income tax returns (ITR) mula 1982-1985 para bigyang daan ang pagbabalik […]

Tutulan ang importasyon ng mga produktong pang-agrikultural
February 13, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Malaking kalokohan ang muli na namang pagbabandera ng reaksyunaryong gubyerno sa importasyon bilang solusyon sa sumisirit na presyo ng mga bilihin lalo ng pagkain at diumano’y di-istableng suplay ng mga produktong agrikultural. Inilulugmok ng importasyon ang kabuhayan ng mayorya ng populasyon, ang mga magsasaka, kaya kung tutuusin, ito ang nagbubunsod ng tag-gutom at disempleyo sa […]

Mahigit 10 katutubo mula sa Occidental Mindoro, iligal na dinetine ng militar
January 22, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Kinukundena ng NDFP-Southern Tagalog ang 2nd ID at 203rd Brigade ng Philippine Army sa kanilang panlilinlang at iligal na pagdedetine sa mahigit 10 katutubong Mangyan mula sa Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro. Nasa dalawang buwan nang hindi kapiling ng mga kaanak at komunidad ang mga biktima na huling nakita kasama ang mga sundalo noong […]

Makatarungan ang pakikibaka ng residente ng Brgy. Patungan para sa lupa at panirikan at hustisya!
January 22, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang marahas na demolisyon sa Brgy. Patungan, Maragondon, Cavite noong Enero 13 na nagresulta pagkakasugat sa apat na residente dahil sa tama ng bala, pagkakasugat ng mas marami pa at paghuli sa lima pang mga residente ng Patungan. Walang pakundangan silang pinagbabaril ng pinagsanib na mga armadong goons at pulis sa […]