Ngayong Hulyo 4 imamarka ang ikalawang taon ng pagsasabatas ng Anti-Terrorism Law of 2020 (ATL). Ito rin ang huling dalawang taon sa poder ng diktador at tiranong si Duterte nang ipahayag na dudurugin niya ang CPP-NPA-NDFP. Sa huling dalawang taon, binalot ng pasistang lagim ang buong bansa na nagdulot ng lansakang paglabag sa mga demokratikong […]
Katawa-tawa ang pinakabagong pahayag ni Duterte na hindi na raw siya pipirma sa mga bagong appointments at hindi na rin siya mag-aapruba ng mga malalaking proyekto. Tama ngang hindi na dahil nitong nakaraang mga linggo ay nagawa na niya ito. Naipuwesto na niya ang dapat maipuwesto at napirmahan na niya ang mga inihabol na mga […]
Kasama at kakapit-bisig ng nakikibakang sambayanang Pilipino, mahigpit na nakikiisa at taas-kamaong nagpupugay ang Partido sa Timog Katagalugan sa Bagong Hukbong Bayan at sa pagdiriwang ng maningning na ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Nakakatawa, pilit na pilit at desperado ang pang-uudyok ni National Security Adviser Hermogenes Esperon kahapon sa Department of Justice (DOJ) na simulan na ang imbestigasyon sa diumano’y mga krimen ng CPP-NPA-NDF sa mamamayang Pilipino dahil “sapat na ang mga batayan para rito”. Ito ay kasunod ng pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na magpapatupad ng […]
With just more than a hundred days in power as president, Duterte is definitely scrambling for ways, means and people to fill up vacant positions in the government and protect himself and his cohorts against the ire of the people once his immunity from suit becomes passe and inutile and to evade accountability. His “all […]
Napapanahon ang paggunita sa kabayanihang ipinamalas ng kolektibong lakas ng sambayanang Pilipino para pabagsakin ang 14-taong paghahari ng pasistang diktadura ni Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng isang popular na pag-aalsa noong Pebrero 22-25, 1986. Kaisa ng mamamayang Pilipino ang Partido Komunista ng Pilipinas sa pag-alaala at muling pananariwa sa mga aral ng Pag-aalsang EDSA ng […]
Masayang ipagdiwang natin ang ika-53 anibersaryo ng magiting na paglaban ng Partido Komunista ng Pilipinas para sa panlipunang paglaya ng sambayanang Pilipino. Balikan natin ang maningning at dakilang kasaysayan ng ating rebolusyonaryong pakikibaka sa pamumuno ng PKP.
Mariing kinukundena ng Communist Party of the Philippines-Southern Tagalog ang iligal na pag-aresto ng 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA sa isang nagngangalang Ernesto Panganiban sa Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro nitong Agosto 6. Ayon sa pulisya, si Panganiban na may alyas na Gavino/Joker/Istoy/Nori at Rato ay diumano’y isang kagawad ng NPA na may patong sa ulo […]
Matapos ang kanyang pulong kay US Defense Secretary Lloyd Austin noong Hulyo 29, pinatunayan ni Duterte ang pagiging tuta ng imperyalismong US sa pagtitibay ng bagong Visiting Forces Agreement (VFA) at pagbawi sa bantang abrogasyon nito. Ang VFA ay isa sa mga di-pantay na tratadong militar sa pagitan ng US at Pilipinas. Isang kasunduan ito […]
Ubos-kayang labanan at ipagwagi ang pakikibaka para ibagsak ang pasistang rehimeng Duterte. Sa Araw ng State of the Nation Address (SONA) ng tiranong si Duterte, nakahanda ang buong bayan na kalampagin ang bulok, korap, inutil at teroristang rehimen. Patuloy na kikilos ang buong bayan hanggang sa ganap na maibagsak si Duterte at wakasan ang kanyang diktadurang paghahari.