Archive of CPP Southern Tagalog Regional Committee

Itanghal sina Ka Hadjie, Concha at mga Martir ng isla ng Panay: Mga dakilang bayani, pinuno at mandirigma ng rebolusyon!
August 28, 2024 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

“Hindi kailanman namamatay ang mga rebolusyonaryo, nananatili silang buhay sa pamamagitan ng kanilang mga rebolusyonaryong tagapagmana. Itransporma natin ang ating pagluluksa sa rebolusyonaryong katapangan.” – Jose Maria Sison, tagapangulong tagapagtatag ng PKP Nakikiisa ang Communist Party of the Philippines sa Southern Tagalog (CPP-ST) sa pagpupugay at pagdakila sa mahal na mga kasamang nabuwal sa isla […]

Sawa na ang masa sa papet, korap, pahirap at pasistang rehimeng US-Marcos II
August 24, 2024 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

Nag-iibayo ang diskuntento at disgusto ng mamamayang Pilipino sa rehimeng US-Marcos II at sa buong sistemang malakolonyal at malapyudal dahil sa pagsahol ng sosyo-ekonomikong krisis, garapalang korapsyon at umaalingasaw na bulok na pulitika. Ito ang malinaw na hindi mailingid na resulta ng mga sarbey ng mga burgis na institusyon na inilabas nitong Agosto. Hindi maitago […]

Labanan ang pasistang rehimeng US-BBM at berdugong NTF-ELCAC na humahadlang sa pagkakamit ng tunay na kapayapaan sa buong bayan!
August 23, 2024 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | CPP Batangas Provincial Committee |

Kahalintulad ng kanyang amang diktador na si Macoy, inihahambalos ng rehimeng US-BBM ang pasismo ng estado sa kanyang mamamayan. Mas pinatindi pa nya ang pasistang atake sa sambayanang pilipino sa pamamagitan ng pagtutuloy ng mga programang anti-kapayapaan gamit ang berdugong NTF-ELCAC na unang isinulong ni Duterte. Sinuhayan pa nya ito ng Proclamation 404 na layunin […]

₱64 kada araw na pamantayan sa pagkain ng NEDA: Kasuklam-suklam, di-siyentipiko at kontra-mamamayan
August 19, 2024 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

Nararapat tuligsain ang pahayag ng National Economic Development Authority (NEDA) na hindi maituturing na hirap sa pagkain (food poor) ang sinumang Pilipinong gumagastos kada araw ng ₱64 kada tao para sa pagkain. Ang pahayag na ito’y iresponsable, insensitibo, di siyentipiko at higit sa lahat, kontra-mamamayan. Walang naniniwala sa pahayag na ito na malinaw na naglalayon […]

Dakilain ang rebolusyonaryong buhay at pakikibaka ni Ka Binhi, rebolusyonaryong kabataan, artista at kadre ng Partido
August 05, 2024 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

Pinakamataas na pagpupugay at parangal ang iginagawad ng Partido Komunista ng Pilipinas-Timog Katagalugan kay Baby Jane “Ka Binhi/Amlay” Orbe, artista ng bayan at huwarang kababaihan, batang Kadre ng PKP at pinuno ng Hukbong bayan sa Kanlurang Batangas. Namartir siya habang magiting na lumalaban sa pasistang militar noong Disyembre 17, 2023 sa Barangay Malalay, Balayan, Batangas. […]

Mataas na Pagpupugay kay kasamang Wally "Ka KM' Agudez
July 27, 2024 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | CPP Rizal Provincial Committee |

“Katapangan hanggang huling hininga ang bumubuhay sa isang martir lagpas sa kanyang kamatayan”—Jose Maria Sison Mataas na pagpupugay ang iginagawad ng Komite ng Partido sa lalawigan ng Rizal kay Kasamang Wally “Ka KM” Agudez, sa kanyang walang pag-iimbot na paglilingkod sa sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng pagsusulong ng Demokratikong Rebolusyong Bayan. Nakikiramay kami sa kanyang […]

Mensahe ng pakikiisa at suporta sa rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayang Indian sa pagbigo sa “Operasyong Kagaar”
June 23, 2024 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

Lubos na nakikiisa at sumusuporta ang Partido Komunista ng Pilipinas-Timog Katagalugan (PKP-TK) sa rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan sa India laban sa pang-aapi, pagsasamantala at panunupil sa kanilang lehitimong pakikibaka ng pasista-teroristang gubyernong Modi. Magkahalintulad ang nararanasan ng mga mamamayan sa India at mamamayan ng Pilipinas. Nararapat ang malawak at matatag na pakikipagkaisa sa kanila sa […]

Pag-ibayuhin ang rebolusyonaryong pakikibaka para sa tunay na pambansang kalayaan at demokrasya sa harap ng lantarang pagyurak ng imperyalismong US sa kalayaan at soberanya ng bansa
June 12, 2024 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

Higit na kinakailangang pag-ibayuhin ng sambayanang Pilipino ang pakikibaka para sa tunay na kalayaan, soberanya at demokrasya sa harap ng tumitinding panghihimasok militar ng imperyalistang US sa bansa. Sa paggunita ngayong Hunyo 12 sa ika-126 na araw ng “kalayaan”, nararapat na muling pagtibayin ng mga makabayan, progresibo at demokratikong pwersa ang panata na kamtin ang […]

Tupdin ang makasaysayang tungkuling pamunuan ang pakikibaka para sa pambansang kalayaan, demokrasya at sosyalismo!
May 10, 2024 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

Nagpupugay ang Partido Komunista ng Pilipinas – Timog Katagalugan (PKP-TK) sa lahat ng manggagawa at iba pang mamamayan sa rehiyon at sa buong bansa na lumahok sa matagumpay na kilos-protesta para gunitain ang Ika-122 Pandaigdigang Araw ng Paggawa nitong Mayo 1. Sa TK, libong manggagawa ang nagtipon mula sa kani-kanilang pook-paggawa para ipakita ang kanilang […]

Mamamayan, magkaisa, kumilos at ipaglaban ang kalayaan at pambansang soberanya!
April 18, 2024 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee |

Sukdulang pangyuyurak sa kalayaan at soberanya ng sambayanang Pilipino ang lantarang panghihimasok militar ng imperyalistang US. Kaakibat nito ang tahasang pagtatraydor at pagsusubasta ng rehimeng Marcos II sa interes, kapakanan at kaligtasan ng bayan. Mahigpit ang pangangailangan para magkaisa, kumilos at ipaglaban ang kalayaan, soberanya at integridad ng teritoryo ng bansa. Napipintong maulit sa kasaysayan […]