Binigwasan ng Cesar Batralo Command-NPA-Laguna ang nag-ooperasyong tropa ng 1st IBPA, ganap na 7:11 ng umaga kahapon, Agosto 29, 2021 sa Brgy. Magsaysay, Siniloan, Laguna. Nagresulta ito ng patay at mga sugatan sa hanay ng mersenaryong tropa samantalang ligtas na nakaatras ang buong yunit ng CBC. Malaon nang pinoprotektahan ng mersenaryong AFP-PNP ang libu-libong ektaryang […]
Mabilis na nahubaran ang rehimeng Duterte sa nakalipas na mga araw matapos na mabunyag ang kabi-kabilang katiwalian at korapsyon ng kanyang pamahalaan. Naisiwalat sa madla ang mga makapanindig balahibong rebelasyon ng mga ahensyang “tumugon” sa panahon ng pandemya. Tampok dito ang P34.45 bilyong pondo ng Department of Agriculture na nakitaan ng hindi kumpletong tala at […]
Todong sakripisyo’t pasakit ang aasahan ng sambayanan kung mananatili sa estado poder ng lampas sa 2022 ang rehimeng Duterte. Sa pahayag ni Digong kahapon, inanunsyo niya na siya’y tatakbo bilang bise presidente sa darating na eleksyong 2022 at ipagpapatuloy pa umano ang kanyang krusada laban sa iligal na droga, insurhensya at kriminalidad. Dapat manalamin ni […]
Muling pinalayas ng mamamayan ng Quezon ang mga mangangampong sundalo sa Brgy. Lavides, General Luna noong ikalawang linggo ng Agosto. Sa nakuhang ulat, hindi pumayag ang may-ari ng lupa sa naturang lugar dahil sa mga mapuputol na mga punong niyog. Nauna nang napabalita ang iba pang pagpapalayas sa mga kampo-militar sa buong lalawigan. Ito na […]
Binabati ng Melito Glor Command (MGC), NPA ng Southern Tagalog (ST) ang matagumpay na taktikal na opensiba (TO) ng Lucio de Guzman Command ng NPA Mindoro laban sa pasistang 203rd Brigade sa Bulalacao, Oriental Mindoro noong Agosto 14. Nasapol ng pinasabog na command detonated explosive (CDX) ang isang sasakyan sa convoy ng anim na 6×6 […]
Pahiyang-pahiya ang 85th at 59th IBPA na mga persona non grata sa komunidad ng mga magsasaka sa Quezon. Ilang ulit nang pinalayas ng mga residente ng Lopez at Macalelon ang mga pasistang tropa na nagkakampo pati ang mga nagbabalak pa lang magkampo sa kanilang barangay. Wala mang papel na nagdedeklara sa mga sundalo na persona […]
Mariing kinukondena ng LDGC-NPA-Mindoro at ng buong rebolusyonaryong kilusan sa isla ang dalawang insidente ng pampulitikang tokhang sa mga benepisyaryo ng 4Ps at GIDA na naganap sa panahon ng pay-out ng nasabing mga programa. Pinaslang si Salvador “Badoy” Dela Cruz noong Hulyo 29, alas-2 ng hapon sa So. Kawit, Brgy. Poblacion, Magsaysay, Occidental Mindoro ng […]
Pulang saludo sa mga Pulang mandirigma ng Lucio de Guzman Command (LdGC)-NPA Mindoro na aktibong nagdepensa laban sa atake ng nag-ooperasyong 4th IBPA at RMFB 4-B sa Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro noong Agosto 4, bandang alas dos ng hapon. Binigo ng NPA Mindoro ang atake ng kaaway at mahusay na nakapanlaban. Tangan ang opensibang […]
Nagpupuyos sa galit ang mamamayan at rebolusyonaryong kilusan sa Southern Tagalog sa mga pinakabagong atrosidad ng 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA sa Mindoro. Dapat itong pagbayaran ng 203rd Brigade at panagutin ang hepe nitong si Col. Jose Augusto Villareal. Nitong Agosto 6, dinakip sa Brgy. Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro ang isang magsasaka sa ilalim ng pangalang […]
Matagumpay na inilunsad ng mga yunit ng Lucio De Guzman Command – NPA Mindoro (LDGC-NPA Mindoro) ang isang opensiba at isang aktibong depensa laban sa huling bugso ng focused military operation (FMO) ng 203rd Brigade (Bde) at PNP-MIMAROPA ngayong Agosto sa balangkas ng NTF-ELCAC at JCP Kapanatagan. Muling binigo at binigwasan ng mga aksyong militar […]