Archive of Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)

29 “sumukong” NPA supporters, malaking kasinungalingan
May 25, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

Gawa-gawang kwento at pekeng balita ni Marcelian Teofilo ng 203rd Infantry Brigade ng Philippine Army ang diumano’y 29 sumukong NPA supporters sa Brgy. Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro. Ang totoo: sapilitang dinala ang 29 Mangyan sa kampo ng mersenaryong militar at pinapirma sa inihandang kasulatan ni Teofilo na “itinatakwil nila ang rebolusyonaryong kilusan at nagbabalik-loob […]

Hinggil sa Kasinungalingan ni Parlade kaugnay sa nagdaang eleksyon
May 25, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

Malaking kalokohan at kahangalan ang pahayag ng deputy chief-of-staff ng AFP para sa civil-military operations na si Antonio Parlade na diumano’y nangibabaw ang kagustuhan ng taumbayan sa nakaraang eleksyon. Si Parlade ang mukha ng isang pasistang propagandista ni Duterte tulad ni Joseph Goebbels kay Adolf Hitler sa ilalim ng Nazi Germany. Paano masasabing kagustuhan ng […]

Rebolusyon, hindi isang hungkag na eleksyon ang sagot sa pagwawakas ng teroristang paghahari ng rehimeng US-Duterte
May 15, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

Pinatunayan ng resulta ng katatapos na Mayo 13 eleksyon ang malaon nang tindig ng rebolusyonaryong kilusan na imposible ang isang malaya, mapagkakatiwalaan at malinis na eleksyon sa ilalim ng lipunang malakolonyal at malapyudal, laluna sa ilalim ng isang pasista, taksil, korap at buhong na presidente. Ang mga eleksyong ito ay reaksyunaryo at pinagsisilbi lamang para […]

Midterm Elections, hungkag at anti-demokratiko
May 09, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Jaime ‘Ka Diego’ Padilla | Spokesperson |

Sa simula pa lamang ng kampanyang elektoral, pinapakita na ni Duterte ang kanyang pagkagahaman sa kapangyarihan at pagkatuso na kontrolin ang resulta ng eleksyon upang mailuklok ang kanyang mga kroni at alyado sa darating na halalan sa Mayo 13. Kailangang magmatyag ang buong bayan sa imbing pakana ni Duterte na imaniobra ang resulta ng eleksyon […]

Pahayag ng BVC hinggil sa lumabas na black propaganda ng AFP.
May 07, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) | Salvador Luminoso | Spokesperson |

Lansakan ang ginagawang pakikialam ng AFP at PNP ngayon sa takbo ng eleksyon sa Palawan habang nalalapit ang Mayo 13 na kung saan ay itinakdang araw ng botohan. Pinasigla nito ang kampanyang sikolohikal sa upang lasunin ang isipan ng mga masang botante sa pamamagitan ng mga pananakot paghahasik ng kasinungalingan. Ipinalalaganap nito na ang mga […]

203rd Bde at PNP-MIMAROPA, panagutin sa walang habas na straping
May 04, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng Lucio de Guzman Command – NPA Mindoro ang walang pakundangang pambobomba at pag-istraping na isinagawa ng pinagsanib na mga elemento ng 203rd Brigade  Philippine Army at PNP-MIMAROPA sa mga komunidad ng katutubong Buhid sa sityo ng Masay ng Brgy. Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro at mga sityo ng Buswak at Balya sa Brgy. […]

Kampo ng NPA na ‘na-overrun’ ng AFP sa Mindoro, fake news — LDGC-NPA Mindoro
May 04, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Hindi “na-overrun” ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang kampo ng  New People’s Army (NPA) sa Mindoro, kundi mga lehitimong labanan ang naganap sa pagitan ng dalawang grupo noong Abril 30, ayon sa tagapagsalita ng NPA-Mindoro. Pinabulaanan ni Madaay Gasic, tagapagsalita ng Lucio de Guzman Command — NPA-Mindoro, ang naunang […]

NPA-Quezon: No training camp was overran by AFP troops
May 02, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Eliza 'Ka Eli' de la Guerra | Deputy Spokesperson |

The military is once again lying through their teeth. They claim, as reported in Philippine Daily Inquirer yesterday, that they overran an alleged training camp of the NPA rebels in Sierra Madre mountain ranges yesterday morning, May 1, 2019, in Canaway, Gen. Nakar, Quezon. WE vehemently deny such incident happened yesterday. The truth is that […]

Patung-patong na Kasinungalingan, Panabing ng AFP sa bigong pag-atake sa NPA sa Batangas
May 01, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command) |

Desperadong naghabi ng patung-patong na kasinungalingan ang Armed Forces of the Philippines sa pangunguna ng 2nd Infantry Division ng Southern Luzon Command upang pagtakpan ang panibagong kahihiyan at kabiguan sa inilunsad nitong operasyon laban sa NPA-Batangas na humantong sa humigit-kumulang 20 minutong labanan sa Sitio Maquitib, Brgy. Quipot, San Juan, Batangas noong Abril 29, bandang […]

Bihag ng Digma sa Mindoro, pinalaya na
April 22, 2019 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Inanunsyo ng Lucio de Guzman Command, New People’s Army – Mindoro (LdGC- NPA) ang matiwasay na pagpapalaya kay Raymando R. Malupa. Si Malupa ay 17 araw na hawak bilang bihag ng digma o prisoner of war (POW) ng isang yunit ng LdGC-NPA Mindoro. Isa siyang aktibong kagawad ng Citizens Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa […]