Pahayag

Pahayag ng BVC hinggil sa lumabas na black propaganda ng AFP.

Lansakan ang ginagawang pakikialam ng AFP at PNP ngayon sa takbo ng eleksyon sa Palawan habang nalalapit ang Mayo 13 na kung saan ay itinakdang araw ng botohan. Pinasigla nito ang kampanyang sikolohikal sa upang lasunin ang isipan ng mga masang botante sa pamamagitan ng mga pananakot paghahasik ng kasinungalingan. Ipinalalaganap nito na ang mga progresibo’t makabayang kandidato, kasama ang mga Party List ay direktang iniuugnay sa mga NPA.

Noong Mayo 6, 2019 ay naglabas ang AFP ng black poropaganda sa pamamgitan ng pagpapa- interview sa midya na di umano ay nakarekober ang 18 th SFC at Joint Intelligence Task Gourp West ng mga campaign materials ng Bayan Muna at Kabataan Party List sa kuta ng NPA. At upang magmukhang kapani-paniwala ay sinamahan ito
ng mga gamit at baril na pag-aari ng NPA bago kinunan ng larawan.
Dahil sa hinabi lamang na propaganda, kabilang ito sa napakaraming mga “fake news” na ikinakalat ng AFP at PNP bilang bahagi ng kanilang maruming taktika at paninira.

Dagdag pa, tugon din ito ng WESCOM sa isinagawang pagparusa ng mga elemento ng BHB kay Cpl. Alfredo John de Leon, isang kagawad ng Philippine Marine Core na nakadistino sa MBLT4 Bn HQ sa Sofronio Española Palawan. Hindi matanggap ng WESCOM na sa kabila ng kanilang isinasagawang masinsing intelligence at combat operation ay malusutan pa sila ng NPA. Isang sampal ito sa AFP at PNP sa kanilang
pagsasabing unti-unti ng humihina ang lakas ng NPA at ang rebolusyonaryong kilusan sa buong bansa lalo na sa Palawan.

Hindi totoo at pawang imahinasyon lamang ng AFP ang balitang kuta ng NPA sa Culasian, Rizal Palawan na s’yang ipinangangalandakan ni AFP spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo. Isang malaking kasinungalingan ito at mahigpit na pinabubulaanan ng BVC. Ang mga kagamitan at baril na ipinakita sa larawan ay matagal ng hawak ng WESCOM noon pang 2017 matapos na marekober ito ng mga
militar sa taguan.

Ang paraan ng propagandang katulad nito ay isang disperadong hakbang ng mga nawawalan na ng pag-asang makakuha ng pusisyon sa gubyerno. Gagawin nito ang lahat ng mga pambabaluktok sa katutuhanan mailusot lamang ang mga kandidato ng administrasyon na sadyang sirang-sira na ang reokord sa mata ng taumbayan dahil sa mga kinasangkutan nitong krimen at anomalya. Hindi lingid sa taumbayan na ang mga kandidatong ito ay protector ng mga sindikato sa ilegal na druga o kaya naman mga
druglords mismo. Protektor din ng mga ilegal na malalaking pasugalan, sangkot sa mga korapsyon at pasimuno sa mga pagpatay ng mga inosenteng sibilyan sa pamamagitan ng Oplan Tokhang at iba pa.

Ang mga kabulukang ito ang nais pagtakpan ng estado gamit ang AFP at PNP bilang mga makinarya sa propaganda. Nangangamba ang mga kandidato ng administrasyon na sila ay mangungulelat sa Mayo 13 dahil sa pagbaba ang kanilang mga rating sa surbey, habang tumataas naman ang mga nasa progresibo at makabayang hanay.Kung tutuusin, dapat lang talagang mangamba ang mga tradisyunal na pulitiko sa Palawan.

Sawang-sawa na mga Palaweño sa kanilang mga pangako na pawang inulit lamang at nanatiling naka-pako kaya hindi na halos dumadalo ang mga ito sa mga papulong. Samantalang masiglang sinalubong ng mga Palaweño ang mga kandidatong mula sa makabayan bloc at mga progresibong party list noong huling bahagi ng Abril (Abril 28-29).
Ngayon pa lamang ay kitang-kita na kung anong klaseng eleksyon mayroon ang gaganapin sa Mayo 13, 2019. Ito ay eleksyong burges na punong-puno ng mga anomalya at pandaraya. Gagamitin lamang ng mga bulok na pulitikong ito ang eleksyon upang makakuha ng bagong kapangyarihan bilang dagdag na sangkap sa gagawing pagpapahirap sa taumbayan.

Isang ilusyon kapag umasa ang mga mamamayan na sila ay mahahango sa kahirapan sa pamamagitan lamang ng eleksyon. Maraming eleksyon na ang dumaan at marami naring mga pulitiko ang nangako ng mga pagbabago at kasaganaan subalit sa halip na tuparin ay lalo pang ibinaon sa kahirapan ang sambayanang Pilipino. Walang ibang lunas sa nagpapatuloy na kahirapan at kawalan ng katarungang panlipunan na malaon nang nararanasan ng mamamayan kundi ang isulong hanggang
sa tagumpay ang Demokratikong Rebolusyon ng Bayan sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan na magiging daan patungo sa Sosyalismo.

Mabuhay ang CPP-NPA-NDFP!
Mabuhay ang Sambayanang Lumalaban para sa Tunay na Kalayaan at
Kapayaan!

Pahayag ng BVC hinggil sa lumabas na black propaganda ng AFP.