Archive of Workers

Pag-uunyon ng mga manggagawa ng Amazon, umaarangkada sa US
January 14, 2022

Nagpapatuloy ang mga pagkilos at pagbubuo ng unyon ng mga manggagawa ng Amazon sa US para igiit ang makataong kundisyon sa paggawa at dagdag sahod sa mga iba’t ibang mga pasilidad nito. Ang mga nag-uunyon ay nasa larangan ng e-commerce o pagbebenta sa pamamagitan ng internet at nagtatrabaho sa mga bodega. Pinakahuli rito ang koordinadong […]

#TularanSiKaBel: Kaarawan ni Ka Crispin "Ka Bel" Beltran, ginunita
January 08, 2022

Bilang paggunita sa ika-89 taong kaarawan ni Crispin “Ka Bel” Beltran, nag-alay ng bulaklak ang Kilusang Mayo Uno sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City noong Enero 7. Inalala nila ang naging mga ambag ng dakilang lider-manggagawa sa ilang dekadang pakikibaka at paglilingkod para sa masang anakpawis. Nagkaroon din ng online na programa sa […]

Striketober: Magkakasunod na tagumpay, inani ng kilusang manggagawa sa US
January 07, 2022

Nagkamit ng mayor na mga tagumpay ang mga manggagawa sa dalawang multinasyunal na korporasyon sa US. Bumalik na sa trabaho ang nagwelgang mahigit 10,000 manggagawa sa John Deere at 1,400 sa Kellogg’s matapos makamit ang hinihinging karagdagang sahod at benepisyo. Bahagi ang mga manggagawa ng Striketober, kilusang welga na sumiklab sa iba’t ibang bahagi ng […]

Di sapat ang pagbabakuna para agapan ang pagbugso ng mga kaso ng impeksyon
January 05, 2022

Muling ipinanawagan ng mga mga manggagawang pangkalusugan at iba’t ibang sektor na magsagawa ang rehimeng Duterte ng malawakang testing at contact tracing para agapan ang mabilis na pagkalat ng Covid-19 pagpasok ng 2022. Idiniin ng Coalition for People’s Right to Health (CPRH) sa isang pahayag ngayong araw na, higit kailanman, kailangan ngayon ng malawakang testing […]

Elon Musk, pinakayamang parasitiko sa mundo
January 01, 2022

  Simula Setyembre ngayong taon, tuluyan nang inungusan ni Elon Musk, may-ari ng kumpanyang Tesla, si Jeff Bezos, may-ari ng Amazon, bilang pinakamayamang indibidwal sa mundo. Noong Oktubre 25, tumaas ang kanyang halaga nang $25.6 bilyon sa loob lamang ng isang araw matapos ibalita ang plano ng kumpanyang Hertz na bumili ng 100,000 sasakyang gawang […]

“Pinoys for Hire” pinagtibay sa bagong ahensya
January 01, 2022

Natupad ang balak ni Rodrigo Duterte na magbuo ng hiwalay na departamento para sa mga migranteng manggagawang Pilipino matapos niyang pirmahan kahapon ang Republic Act 11641. Binubuo nito ang Department of Migrant Workers (DMW) kung saan titipunin sa isang bubong ang pitong ahensya ng gubyerno na nangangasiwa sa pag-eeksport ng mga overseas Filipino workers (OFW). […]

Mga manggagawang Amerikano sa Starbucks at Amazon, naggigiit sa kanilang karapatang mag-unyon
December 13, 2021

Naitayo sa kauna-unahang pagkakataon ang isang unyon ng kumpanyang Starbucks sa US noong Disyembre 10. Ito ay matapos nagdesisyon ang mga barista (tawag sa mga manggagawang naghahanda at naghahain ng kape) sa isang sanga nito sa Buffalo, New York, na bubuuin nila ang kanilang unyon sa botong 19-8. Isinagawa ang sertipikasyon sa eleksyon noong Disyembre […]

Sa Araw ni Bonifacio, sigaw ng manggagawa: Kabuhayan, Karapatan, Kalayaan!
December 01, 2021

Nagtipon kahapon ang 5,000 myembro ng iba’t ibang demokratikong organisasyon sa Welcome Rotunda sa hangganan ng Quezon City at Maynila para gunitain ang ika-158 taon ng kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio. Ipinanawagan nila ang “Kabuhayan, Karapatan at Kalayaan”. Binatikos nila ang rehimeng Duterte sa kahirapan at mga panggigipit na dinaranas ng iba’t ibang sektor […]

Mga drayber at konduktor ng Libreng Sakay Program, di pa bayad!
November 16, 2021

Nagpiket kahapon ang mga drayber at konduktor ng bus at iba pang empleyado sa harap ng upisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) upang batikusin ito sa pagkaantala ng pagbayad sa kanilang serbisyo sa ilalim ng EDSA Carousel Libreng Sakay Program. Ang mga drayber at konduktor ay mga […]

Panukalang pagbawalan ang mga di bakunadong pasahero, binatikos
November 04, 2021

Tinutulan kahapon ng mga drayber ng mga pampublikong sasakyan ang panukala ng Octa Research sa Department of Transportation (DOTr) na limitahan ang gamit ng pampublikong mga sasakyan sa mga nabakunahan nang mga indibidwal. Ayon sa Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston), magreresulta lamang ang panukalang ito sa “diskriminasyon” sa pagitan ng […]