Walang pakundangang pinaputukan ng mga pwersa ng 3rd Special Forces Battalion (SFB) ang anim na Lumad-Manobo sa Barangay Diatagon, Lianga, Surigao del Sur noong hapon ng Hunyo 15. Pinaniniwalaang tinortyur bago brutal na pinaslang ang tatlo sa kanila—sina Willy Rodriguez, 32, Lenie Rivas, 21, at ang 12-anyos na kapatid niyang si Angel Rivas. Pinaniniwalaang ginahasa […]
Limang magsasaka at isang pastor ang arbitraryong inaresto habang isang detenidong pulitikal ang namatay sa kulungan nitong nagdaang dalawang linggo. Sa Sorsogon, tatlong magkokopra ang dinukot ng 31st IB sa Donsol noong Hunyo 6. Ang mga biktima ay sina Etoy Magdamit Jr. at Antonio Razo Jr., kapwa residente ng Barangay San Francisco, at si Salvador […]
Isasagawa ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang imbestigasyon sa insidente ng pagkadamay ng mga sibilyan sa armadong aksyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate noong Hunyo 6 sa Barangay Anas, Masbate City. Anang NDFP, ang gayong imbestigasyon ay obligasyon nito sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian […]
Protesta sa Washington. Naglunsad ng protesta ang mga Filipino-American sa harap ng embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. sa US noong Hunyo 16 ilang araw bago gunitain ang ika-75 taon ng pagbigay ng US ng huwad na kalayaan sa Pilipinas. Nanawagan sila na suportahan ang panukalang Philippine Human Rights Act na nakasampa sa Kongreso ng […]
Mariing kinukundena ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate ang pagdukot at pagpaslang ng 2nd IB at pulis ng Masbate sa tatlong magsasaka para makuha ang pabuyang inialok ni PNP Chief Guillermo Eleazar sa mga tauhan nitong “makahahabol” sa mga yunit ng BHB na diumano’y sangkot sa insidente ng Hunyo 6. Dinukot mula sa iba’t ibang munisipalidad […]
Ginunita ng demokratikong mga sektor ang ika-123 Araw ng Kalayaan noong Hunyo 12 sa pamamagitan ng isang protesta sa harap ng embahada ng China sa Makati City. Kinundena nila ang pagbenta ni Rodrigo Duterte sa West Philippine Sea sa China kapalit ng suhol, utang at pabor. Binatikos din nila ang pagtatangka niyang baguhin ang konstitusyon […]
Ikinagalit ng mga mambabatas sa Mindanao sa isang pagdinig noong Hunyo 14 ang kriminal na kapabayaan at paboritismo ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa distribusyon ng mga bakuna laban sa Covid-19. Ipinukol nila kay Gen. Carlito Galvez, bilang “Hari ng Bakuna,” ang pinakamahigpit na pananagutan sa pagkamatay ng mga pasyente sa […]
Naglunsad ng tatlong armadong aksyon ang mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Camarines Sur, Negros Occidental at Agusan del Norte mula Hunyo 9 hanggang Hunyo 15. Naglunsad ng operasyong isnayp ang BHB-South Central Negros noong Hunyo 9 laban sa 62nd IB sa Purok Dalaupan, Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental. Isang sundalo ang […]
Basahin ang mas mahabang bersyon: Ang maging bakla sa BHB Noong bata pa ako, gusto ng Tatay ko na magsundalo ako para matanggal ang pagkabakla ko. Malaki na ako ngayon at baklang-bakla pa rin pero natupad pa rin ang pangarap niya. Yun nga lang, naging sundalo ako ng iba, mas magaling na hukbo. Isa akong […]