3 magsasaka, dinukot at pinaslang ng 2nd IB at PNP-Masbate

,

Mariing kinukundena ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate ang pagdukot at pagpaslang ng 2nd IB at pulis ng Masbate sa tatlong magsasaka para makuha ang pabuyang inialok ni PNP Chief Guillermo Eleazar sa mga tauhan nitong “makahahabol” sa mga yunit ng BHB na diumano’y sangkot sa insidente ng Hunyo 6.

Dinukot mula sa iba’t ibang munisipalidad noong gabi ng Hunyo 7 sina Ailyn Ekit Bulalacao, 38, Ramon Boy Valenzuela Brioso, 58, at Antonio Poligrates, 61, at dinala sa Barangay Anas, Masbate City para doon patayin noong Hunyo 8. Pinalalabas ng mga sundalo na nagkaroon ng engkwentro sa lugar at mga kasapi ng BHB ang tatlo. Iginigiit ng mga pamilya ng mga biktima na pawang mga sibilyan ang tatlo. Katunayan, barangay tanod si Poligrates ng Barangay Villahermosa, Cawayan.

Dinukot naman ng mga armadong pwersa ng estado ang mga kabataang sina Joseph Dalera at Judy Serapin sa Barangay Guiom, Cawayan, Masbate noong Hunyo 19. Hindi pa inililitaw ang dalawa hanggang sa kasalukuyan.

3 magsasaka, dinukot at pinaslang ng 2nd IB at PNP-Masbate