3 armadong aksyon sa isang linggo, inilunsad ng BHB

,

Naglunsad ng tatlong armadong aksyon ang mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Camarines Sur, Negros Occidental at Agusan del Norte mula Hunyo 9 hanggang Hunyo 15.

Naglunsad ng operasyong isnayp ang BHB-South Central Negros noong Hunyo 9 laban sa 62nd IB sa Purok Dalaupan, Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental. Isang sundalo ang napaslang at isa ang nasugatan.

Operasyong isnayp din ang inilunsad ng BHB-West Camarines Sur (Norben Gruta Command) laban sa 90th IB noong Hunyo 12 sa Barangay Salvacion, Pasacao, Camarines Sur. Napaslang sa aksyong militar ang isang sarhento.

Tatlong ahenteng paniktik ng PNP-Butuan, kabilang ang isang sarhento, ang napaslang sa reyd ng BHB-Agusan del Norte sa Purok 5 Tagulaje, Barangay Antongalon, Butuan City noong Hunyo 15.

3 armadong aksyon sa isang linggo, inilunsad ng BHB