Siyam na taktikal na opensiba ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa mga prubinsya ng Davao Oriental, Quezon, Occidental Mindoro, Camarines Sur, Northern Samar at Samar sa loob ng siyam na araw. Labing-anim ang napaslang at 18 ang nasugatang tropa ng kaaway sa mga opensibang ito. Sa Davao Oriental, inambus ng […]
Pinuri ng National Democratic Front-Southern Tagalog (NDF-ST) sa isang pahayag noong Hunyo 2 ang ipinamalas na katapangan at pagkakaisa ng mamamayan ng Quezon para patalsikin ang apat na kampo militar sa kani-kanilang mga baryo. Sa pamamagitan ng sama-samang paninindigan sa anyo ng mga petisyon at iba pa, napalayas ng mga residente ng barangay Sta. Elena […]
Natapos na ang pagdinig ng Korte Suprema sa mga argumento laban sa Anti-Terrorism Law (ATL) noong Mayo 17. Ito ay matapos ang apat na buwan mula nang unang idulog ng mga abugado ng mga petisyuner ang kanilang mga argumento laban sa mapaniil na batas. Lalong tumingkad ang pagiging anti-demokratiko ng ATL nang paratangan ng Anti-Terrorism […]
Ipinarerepaso ng Senado sa Department of Energy ang magkasunod na pagbili ng kumpanya ni Dennis Uy na Udenna Corporation sa Malampaya Deep Water Gas-To-Power Project mula sa Royal Dutch Shell nitong taon at sa Chevron Corporation noong 2019. Ang naturang proyekto ang kaisa-isang operasyon ng pagmina ng natural gas sa bansa. Matatagpuan ito sa karagatan […]
DUTERTE WAKASAN NA. Inilunsad sa pamamagitan ng online press conference noong Hunyo 3 ang kilusang “Duterte Wakasan Na,” isang pormasyong magbubuklod sa lahat ng pwersang naghahangad na wakasan ang paghahari ng rehimeng Duterte at ang serye ng mga bigo at mapaminsalang mga patakaran nito. Tinuligsa ng mga koordineytor nito ang planong pagtatambal ng mag-amang Rodrigo […]
Dalawang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at lima pang sibilyan ang pinaslang ng armadong mga pwersa ng estado nitong nakaraang dalawang linggo. Sa panahong ito, lima pa ang inaresto at tatlo ang dinukot, kabilang ang isang bata. Pamamaslang. Magkasabay na pinatay ng mga ahente ng reaksyunaryong estado sina Fr. Rustico Tan […]
Kasinungalingan ang sinasabi ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) na 65% na ng rekonstruksyon ng Marawi City ang “tapos na.” Ito ang pahayag ni Drieza Lininding ng Moro Consensus Group sa ikaapat na anibersaryo ng pagpulbos ng rehimeng Duterte sa syudad noong Mayo 23. Sa araw na iyon, isang karaban ng mga residente ang nagtungo […]
Sa nagdaang mga buwan, palala nang palala ang pangangayupapa ni Rodrigo Duterte sa China. Mula sa patalo niyang pagtugon sa sigalot sa West Philippine Sea, hanggang sa paglalabas ng mga patakaran gaya ng Executive Order No. 160 na pumapabor sa dayuhang pagmimina ng mga Chinese, walang kaabog-abog niyang ipinagkakanulo ang soberanya ng bansa. Kapalit ng […]
Puspusang nilalabanan ngayon ng mamamayang Isnag sa Cordillera ang pagtatayo ng Gened Hyrdoelectric Power Plant, isang proyektong magtatayo ng dalawang dambuhalang dam na maglulubog ng kanilang mga komunidad. Anila, hindi sila pumapayag na itayo ang proyekto sa kanilang lupang ninuno, taliwas sa pinalalabas ng kumpanyang may hawak dito na mayroong pinirmahang kasunduan sa pagitan nito […]