Habang pinagdedebatehan sa loob ng Korte Suprema kung paano nilalabag ng Anti-Terror Law ang demokratikong mga karapatan, walang puknat ang pang-aatake ng estado sa mamamayan, laluna sa mga lugar na malayo sa mata ng mga mahistrado at midya. Dalawang paslit ang naging biktima ng maruming gera ng rehimeng Duterte na tumatarget sa mga sibilyan. Marami […]
Limang kasong isinampa laban sa mga aktibista at konsultant ang sunud-sunod na ibinasura ng mga korte sa nakaraang 10 araw. Ang mga ito ay ang mga gawa-gawang kaso ng illegal possession of explosives laban sa lider ng Gabriela na si Beatrice Belen; illegal possession of firearms and explosives laban sa tagapagsalita ng National Democratic Front-Panay […]
Apat na magkakasunod na opensiba ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bukidnon noong Pebrero 10-13 laban sa berdugong 8th IB at 3rd Special Forces Battalion (SFB). Limang sundalo ang napatay habang 10 ang nasugatan. Apat na sundalo ang agad na nasawi nang pasabugan sila ng BHB sa Barangay Kibalabag, Malaybalay City noong Pebrero 10. Dalawang […]
Sinalakay ng pulis ang Paaralang Bakwit, ang pansamantalang eskwelahan ng mga Lumad sa loob ng kampus ng University of San Carlos sa Talamban, Cebu City noong Pebrero 15. Nagpakanlong dito ang mga Lumad at kanilang mga guro nang hindi sila makabalik sa Mindanao matapos ipataw ang lockdown noong Marso 2020. Itinuturing silang mga panauhin ng […]
Tiniyak ng Partido Komunista ng Pilipinas sa publiko na maglalaan ito ng makataong daanan para sa mga bakuna laban sa Covid-19 upang sa ligtas at mabilisang pagbyahe ng mga ito sa mga sona at baseng gerilya. Ito ay ayon sa prinsipyo ng Bagong Hukbong Bayan na igalang ang lahat ng makataong pagsisikap na magbebenepisyo sa […]
Isinumite na ng Mababang Kapulungan at Senado sa Malacañang noong Pebrero 3 ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (Create), isang panukala na magkakaltas sa ibinabayad na buwis ng mga korporasyon mula 30% tungong 25% sa malalaking negosyo at 20% sa maliliit at katamtaman ang laki. Layon nito na tiyakin ang mas malaking tubo […]
Pinayagan na ng rehimeng Duterte nitong Pebrero ang limitadong pagbubukas ng harapang mga klase sa mga unibersidad at pamantasang nagbibigay ng mga kursong kaugnay ng medisina. Ilan sa mga ito ang University of the Philippines-Philippine General Hospital, University of Sto. Tomas at Centro Escolar University. Ngunit paano ang iba pa? Nananatiling walang komprehensibong plano ang […]
Ang di angkop na blended learning ay nagdudulot ng di makayanang bigat sa isip ng dumaraming bilang ng mga bata. Mula nang simulan ang sistemang ito, nasa 18 kabataan na ang napabalitang nagpakamatay dahil nahirapan sa pagsagot ng mga modyul, sa kawalan ng sistemang pansuporta at mahina o kawalan ng akses sa internet. Pinakahuli rito […]
Hindi napigilan ng pandemya at ng diktadurang militar ang pagbuhos sa lansangan ng daanlibong mamamayan sa Myanmar. Halos araw-araw silang nagpuprotesta mula Pebrero 5 para ipanawagan ang pagbaba ng huntang militar na umagaw sa estado poder. Ipinananawagan din nila ang pagpapalaya at pagbabalik sa halal na mga upisyal na pinamumunuan ni Aung San Suu Kyi. […]