4 na opensiba sa 4 na araw, inilunsad ng BHB-Bukidnon

,

Apat na magkakasunod na opensiba ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bukidnon noong Pebrero 10-13 laban sa berdugong 8th IB at 3rd Special Forces Battalion (SFB). Limang sundalo ang napatay habang 10 ang nasugatan.

Apat na sundalo ang agad na nasawi nang pasabugan sila ng BHB sa Barangay Kibalabag, Malaybalay City noong Pebrero 10. Dalawang operasyong haras pa ang inilunsad sa parehong barangay noong Pebrero 11 at 12.

Isa naman ang nasawi sa pwersa ng 3rd SFB na nakahimpil sa Sityo Elyan, Sta. Filomena, Quezon. Notoryus ang 8th IB sa pananakot sa mga komunidad at iligal na pag-aresto sa mga Lumad sa Bukidnon.

Quezon. Isang sundalo ng 85th IB ang napatay nang ambusin ng BHB-Quezon ang kanilang sasakyan sa Barangay dela Paz, Buenavista noong Enero 23.

Oriental Mindoro. Pinaputukan ng BHB-Mindoro ang nag-ooperasyong mga elemento ng 4th IB sa Sityo Paraiso, Happy Valley, Roxas noong Enero 26. Dalawa ang naiulat na nasugatang sundalo.

4 na opensiba sa 4 na araw, inilunsad ng BHB-Bukidnon