Archive of Articles

Kampanyang militar at paglaban ng masa sa Delta Serra
January 07, 2020

Ito ang ikalawang bahagi ng “Pagpupundar ng Pulang kapangyarihan sa Delta Serra” na lumabas sa isyu ng Ang Bayan, Nobyembre 21, 2019. Sa pagtatasa ng kumperensya ng Partido sa larangan, tumampok ang malawak na naabot nito sa pag-oorganisa at gawaing masa. Nagsilbing batayan ang mga tagumpay para sa kabuuang pag-abante nito. Napagpasyahan din ng kumperensya […]

Pekeng litrato ng pekeng surender
January 07, 2020

MULING NALANTAD ANG programa ng pekeng pagpapasurender na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) sa dinuktor na larawan mula sa Armed Forces of the Philippines. Noong Disyembre 26, 2019, naglabas ng balita ang 2nd IB sa pamumuno ni Lt. Col Napoleon Pabon na 306 umanong myembro ng Bagong Hukbong Bayan ang sumurender. Kasabay nito ang […]

Tradisyong Lumad, ginagamit ng AFP laban sa mga minorya
January 07, 2020

Habang isinusulong ang kampanyang “kontra-insurhensiya,” pinaiigting ng rehimeng US-Duterte at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “IP-centric approach” (taktika na nakatuon sa mga masang minorya) sa mga komunidad ng Lumad. Ang kahungkagan ng islogan na ito ay makikita sa paglapastangan ng estado sa Dumalongdong upang lalong manggipit at sapilitang magpasurender ng mga Lumad […]

Mga kumperensya sa propaganda at edukasyon, idinaos sa Panay
January 07, 2020

Matagumpay na inilunsad ng PKP sa isla ng Panay ang mga kumperensya sa gawaing edukasyon at propaganda. Sa gitna ng patuloy na pag-atake ng kaaway sa buong isla, nagtipon ang mga kadre ng iba’t ibang organo sa ilalim ng komiteng rehiyon upang tasahin ang kabuuang takbo ng mga gawain sa edukasyon at propaganda. Binalangkas din […]

Panggigipit sa mga dalaw ng Kapatid
January 07, 2020

KINUNDENA NG MGA kaanak ng mga bilanggong pulitikal (Kapatid) ang panggigipit ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa mga dumadalaw sa bilangguan. Ayon kay Jimmylisa Badayos, sapilitan siyang ipinailalim sa strip and cavity search (pagpapahubad at pag-inspeksyon sa mga butas ng katawan kabilang ang ari) noong Disyembre 29 sa New […]

Nakaw ng mga Marcos, ipinababalik
December 21, 2019

Naglabas ang Sandiganbayan (korteng lumilitis sa mga kaso laban sa mga pampublikong upisyal) ng desisyon noong Disyembre 19 na nagsasaad na kinakailangang ibalik ng pamilya ng dating diktador na si Ferdinand Marcos ang hindi bababa sa 146 na mamahaling obrang sining na iligal nitong kinamkam. Ilan sa mga ito ay obra ng tanyag na mga […]

Pamilyang Ampatuan, hinatulang nagkasala
December 21, 2019

Habambuhay na pagkakakulong ang hatol sa magkapatid na Datu Andal Ampatuan Jr. at Zaldy Ampatuan sa kaso ng Maguindanao Massacre. Ito ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na desisyon ay inilabas noong Disyembre 19, mahigit isang dekada matapos ang krimen. Hinatulan din ng habambuhay na pagkakakulong sina Datu Anwar Sajid Ampatuan, Datu Anwar […]

Ang rebolusyonaryong kilusan sa panahon ng kalamidad
December 21, 2019

Isa ang Southern Tagalog (ST) sa matinding sinalanta ng nagdaang bagyong “Tisoy” noong huling bahagi ng Nobyembre hanggang nitong Disyembre. Bilang pagtugon sa mga nabiktima, nagsagawa ng mga operasyong relief at rehabilitasyon ang mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa rehiyon. Sa panahon ng mga kalamidad at sakuna, pinakabulnerable ang masang magsasaka at anakpawis […]

Krisis sa karapatang-tao
December 21, 2019

Pamamaslang, iligal na pag-aaresto, tortyur, Red-tagging—ilan lamang ito sa mga kaso ng matinding paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng rehimeng Duterte. Sa ilalim ng batas militar sa Mindanao, walang pakundangan ang paghahasik ng teror ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga paramilitar, gayundin ang PNP at mga death squad. Gamit ang Executive Order […]

Planong pagtatayo ng kampo-militar sa Marawi, kinundena
December 21, 2019

Mariing kinundena ng Suara Bangsamoro ang planong pagtatayo ng bagong kampong militar sa Marawi City. Para sa grupo, ang planong ito ay panibagong paglabag sa karapatan ng mamamayang Moro, matapos pulbusin ng rehimeng Duterte ang syudad. Sa kanilang pahayag noong Disyembre 17, binigyan ng grupo ng diin na hindi hihilom sa dinanas ng mamamayang Maranao […]