Matagal nang ipinaglalaban ng mga residente sa Ekserya, isang barangay sa Negros, ang kanilang karapatan para sa lupa sa gitna ng matitinding kampanyang panunupil sa isla. Patuloy nilang ipinagtatanggol ang kanilang mga tagumpay, katulong ang sangay ng Partido sa lokalidad at ng milisyang bayan. Isa si Kasamang Dereba sa mga nakasaksi sa pag-usbong ng rebolusyonaryong […]
ILIGAL NA INARESTO ng mga pulis ang mag-asawang aktibista na sina Cora Agovida at Michael Tan Bartolome sa kanilang bahay sa Paco, Manila noong Oktubre 31, alas-5 ng umaga. Nagmula sa Manila Police District at Criminal Investigation and Detection Group ang mga nang-aresto. Nagtanim ng ebidensyang mga pasabog ang mga pulis upang sampahan ng gawa-gawang […]
Iligal na inaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulis at mga sundalo ng 3rd IB ang 57 aktibista sa Negros noong gabi ng Oktubre 31 at Nobyembre 1. Itinuturing itong pangatlong bugso ng madugo at iligal na Oplan Sauron sa isla. Sa tangkang gawing lehitimo ang operasyon, nagtanim ng mga ebidensyang baril ang mga sundalo […]
MAHIGIT P234 BILYON buwis ang hindi naipasok sa kaban ng bayan noong 2016-2017 dahil sa katiwalian sa Bureau of Customs (BoC). Inilantad ito ni House Deputy Speaker Rep. Rodante Marcoleta sa inihain niyang resolusyon noong Oktubre. Aniya, laganap ang pamemeke sa mga listahan ng BoC para dayain ang kwenta ng buwis na kinakailangang bayaran ng […]
PATAY SA PAMAMARIL si Reynaldo Malaborbor, 64, sa tapat ng kanyang bahay sa Katapatan Subdivision, Cabuyao City, Laguna noong Nobyembre 4, alas 9 ng gabi. Si Malaborbor ay myembro ng Pagkakaisa at Ugnayan ng Magsasaka sa Laguna (Pumalag) at Makabayang Koalisyon ng Mamamayan-Timog Katagalugan. Siya ay dating bilanggong pulitikal na inaresto noong Oktubre 5, 2010 […]
Sa kabila ng pag-iral ng pasistang tiraniya, binubuhay ng mamamayan ang demokrasya sa landas ng pakikibaka. Matatagpuan ito sa mga organisasyon ng mamamayan, kanilang mga organo ng kapangyarihang pampulitika at gubyernong bayan, sa loob ng Partido Komunista at ng Bagong Hukbong Bayan. Sa Cordillera, dumadaloy ang demokrasya sa ugnayan ng mga katutubo at Partido Komunista […]
INIULAT NG FORBES noong Oktubre ang muling paglobo ng yaman ng pinakamalalaking burgesya kumprador sa bansa. Inilahad nito na pare-parehong tumaas ang net worth (o halaga ng ari-arian) ng siyam sa sampung pinakamayamang bilyunaryo sa bansa. Pinakamalaki ang itinaas ng yaman ni Hans Sy (16%, tungong P140 bilyon), anak ng yumaong kapitalistang si Henry Sy. […]
ISINALARAWAN NG KAPATID bilang nasa “kritikal na kalagayan” ang mga bilanggo sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa. Ang Kapatid ay organisasyon ng mga kapamilya at tagasuporta ng mga bilanggong pulitikal. Namatay ang 29 bilanggo resulta ng “lockdown” o pagsasara ng NBP noong Oktubre 9. Pulmonya at iba pang sakit ang ikinamatay nila. Ipinagbawal ng […]
DAAN-DAANG MYEMBRO NG mga organisasyong magsasaka at mga tagasuporta nila ang nagmartsa tungong Mendiola noong Oktubre 21 upang gunitain ang Buwan ng Magsasaka. Pinangunahan ng mga magsasaka mula sa Central Luzon, Ilocos, Mt. Province at Southern Tagalog ang kilos protesta. Ipinanawagan nila ang pagbasura sa batas sa liberalisasyon ng bigas o RA 11203 dahil bigo […]
Matapos ang trahedyang dulot ng mga lindol sa Mindanao noong Oktubre, nanawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at mga rehiyunal na yunit nito sa Southern Mindanao Region (SMR) at Far South Mindanao Region (FSMR) na biguin ang militarismo ng rehimeng US-Duterte. Niyanig ang isla ng hindi bababa sa limang magkakasunod na lindol mula Oktubre […]