Archive of Articles

Makibaka at bawiin ang mga karapatang pang-ekonomya at panlipunan
August 07, 2023

Mabilis na sumasadsad ang antas ng buhay ng mayorya ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng rehimeng Marcos. Subsob sa kahirapan at sagad na ang paghihigpit ng sinturon ng milyun-milyong pamilya. Pababa nang pababa ang kalidad ng buhay. Kulang na kulang ang panggastos sa pagkain at iba pang pangangailangan. Labis-labis na ang pagtitiis nila sa pagdurusang […]

(Audio) Makibaka at bawiin ang mga karapatang pang-ekonomya at panlipunan
August 07, 2023

Download here.

(Video) Ang Bayan August 7, 2023 Headlines
August 07, 2023

Download video here.

Sabayang tumaas: Langis, LPG, pamasahe, toll fee at bigas
August 07, 2023

Sabay-sabay na itinaas ng pribadong mga kumpanya sa yutilidad ang presyo ng batayang mga produkto at serbisyo sa unang mga araw pa lamang ng Agosto. Pinatingkad nito ang kainutilan ng rehimeng Marcos na ibaba ang presyo at singil. Malinaw na koordinadong itinaas ng mga kumpanya ang presyo ng mga produktong langis noong Agosto 1. Pang-apat […]

Pulis at sundalo, pinatamaan ng BHB-Central Negros
August 07, 2023

Dalawang opensibang aksyon ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros laban sa mga sundalo ng 62nd IB sa nagdaang dalawang linggo. Isa ang napatay at isa ang nasugatan sa yunit ng 62nd IB na nakahimpil sa detatsment sa Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental matapos paputukan ng mga Pulang mandirigma noong Hulyo 30. Layunin […]

CNL-Negros, naglunsad ng Kongreso
August 07, 2023

Nagtipun-tipon ang mga rebolusyonaryong pari, pastor, relihiyosong lalaki at babae at mga laykong taong-simbahan sa isla ng Negros kamakailan para idaos ang ikalawang kongreso ng balangay ng Christians for National Liberation sa isla. Binuo ng kongreso ang taktikal na plano ng CNL sa rehiyon at inihalal si Ericson Buglas bilang tagapangulo nito. Pinagtibay ng Kongreso […]

Sona ng Bayan: Walang bago sa Pilipinas
August 07, 2023

Nagprotesta sa iba’t ibang syudad sa Pilipinas ang humigit-kumulang 12,000 noong Hulyo 24 para ilahad ang tunay na kalagayan ng sambayanan, kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Ferdinand Marcos Jr. Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan, 10,000 ang mga lumahok sa isinagawang kilos-protesta sa Commonwealth Avenue sa Quezon City simula umaga hanggang […]

AFP: Lintang pabundat nang pabundat
August 07, 2023

Dambuhalang ₱170 bilyon ang ilalaan ng rehimeng Marcos sa susunod na taon para sa pensyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang unipormadong tauhan ng reaksyunaryong estado. Sa gayon, nananatiling buladas lamang ang repormang pensyon na itinutulak nito para ampatin ang “pagdurugo” na idinudulot nito sa pambansang pondo. Katunayan, balak ng estado […]

Basura ang alok na amnestiya ni Marcos Jr
August 07, 2023

Itinakwil ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Bagong Hukbong Bayan ang balak ni Ferdinand Marcos Jr na magdeklara ng amnestiya para sa lahat ng magsusuko ng rebolusyonaryong armadong adhikain ng sambayanang Pilipino. Inianunsyo niya ang planong ito sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo 24. Nasa unahan ng kahibangang ito ang National […]

Sa madaling salita
August 07, 2023