Pulis at sundalo, pinatamaan ng BHB-Central Negros

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Dalawang opensibang aksyon ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros laban sa mga sundalo ng 62nd IB sa nagdaang dalawang linggo.

Isa ang napatay at isa ang nasugatan sa yunit ng 62nd IB na nakahimpil sa detatsment sa Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental matapos paputukan ng mga Pulang mandirigma noong Hulyo 30. Layunin ng aksyon na bulabugin ang operasyong kombat ng mga sundalo.

Simula Hulyo 19 hanggang Hulyo 30, ipinakat ang 200 sundalo sa mga barangay ng Trinidad, Luz at Plagatasanon Proper sa Guihulngan City. Naiulat sa panahong ito ang kanilang iligal na panghahalughog sa mga bahay ng mga residente. Kinampuhan din nila ang Kambairan Elementary School sa Barangay Trinidad.

Nasugatan naman ang isang pulis sa pagpapaputok ng BHB sa detatsment sa Sityo Hinugpayan, Barangay Luz, Guihulngan City noong gabi ng Agosto 2.

Sa isa pang operasyong haras, nasugatan ang isang sundalo ng 62nd IB sa Barangay Sikatuna, Isabela, Negros Occidental noong Hulyo 25.

Pulis at sundalo, pinatamaan ng BHB-Central Negros