Archive of Articles

Wakasan ang deka-dekadang pagkaalipin
July 07, 2019

Sa ika-73 taon ng Fil-Am Friendship Day LAMPAS PITONG DEKADA na ang nakalilipas matapos bigyan ng huwad na kalayaan ng US ang Pilipinas. Hanggang ngayon, malinaw na dominado pa rin ng US ang ekonomya, pulitika, militar at kultura ng bansa. Dapat na itong wakasan para ganap nang lumaya ang mamamayan sa pagkaalipin ng bansa sa […]

Pambansang utang ng Pilipinas, pumalo nang P7.9 trilyon
July 07, 2019

LUMOBO NANG P1.9 trilyon ang pambansang utang ng Pilipinas mula nang maupo sa poder ang palautang na si Rodrigo Duterte. Noong Mayo, pumalo ang utang sa P7.9 trilyon, mas mataas nang 32% sa naiulat na P6 trilyong utang noong Hulyo 2016. Tumaas din ito nang 1.7% kumpara sa naitalang P7.8 trilyong utang noong Abril 2019. […]

Pandarahas at nakalalasong kalagayan sa Pepmaco
July 07, 2019

Hampas ng batuta, pambobomba ng tubig at malalaking tipak ng bato ang bumulahaw sa mahigit 200 manggagawang natutulog sa kanilang kubol sa harap ng pagawaan ng Peerless Products Manufacturing Corporation (Pepmaco) sa Calamba, Laguna noong Hunyo 28, ala-una ng madaling araw. Isinagawa ang atake ng 20 maton ng kumpanya para buwagin ang piketlayn ng mga […]

Manggagawa ng NutriAsia Laguna, nagwelga
July 07, 2019

IKINASA NG MGA manggagawang kasapi ng Kilusan ng Abanteng Seksyon ng Anakpawis sa NutriAsia (KASAPINA-OLALIA-KMU) ang kanilang welga sa harap ng pabrika sa Cabuyao City, Laguna noong madaling araw ng Hulyo 6. Kinandado ng daan-daang manggagawa ang tatlong tarangkahan ng planta para pigilan ang operasyon nito at harangan ang paglabas-masok ng mga produkto. Bilang tugon, […]

Pilipinas, isa sa pinakamasahol na bansa para sa mga manggagawa
July 07, 2019

Noong Oktubre 2018, inatasan ni Rodrigo Duterte ang mga elemento ng pulis na “barilin” ang mga manggagawang bukid na maglulunsad ng bungkalan. “Kung lalaban sila nang marahas, barilin ninyo,” aniya. “Wala akong pakialam kung mamamatay sila.” Binanggit ni Duterte ang mga salitang ito ilang oras lamang bago naganap ang pagpaslang sa siyam na manggagawang bukid […]

Barikada laban sa Oceanagold
July 07, 2019

MULING ITINAYO NG mga residente sa Sityo Camgat, Barangay Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya ang kanilang barikada noong Hunyo 6 upang pigilan at kundenahin ang patuloy na pagmimina ng Oceanagold Philippines Inc. (OGPI), isang dambuhalang kumpanyang Australian na nagmimina ng ginto at tanso, kahit pa paso na ang kontrata nito. Itinayo ang barikada sa haywey na […]

Magkasamang lumaban, panawagan ng LGBT
July 07, 2019

“RESIST TOGETHER!” (Magkasamang lumaban!) Ito ang tema at panawagan ng mga lesbyan, bakla, bisexual at transgender o LGBT at kanilang mga tagasuporta sa rali sa Maynila noong Hunyo 28. Itinaon ang rali sa paggunita sa ika-50 taong paglaban ng mga bakla sa tinaguriang Stonewall Riots sa New York City noong 1969 at sa unang Pride […]

Ulat sa karapatang-tao sa pangalawang kwarto ng 2019
July 07, 2019

Ang ulat na ito ay halaw sa mga ibinalita ng Ang Bayan na mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao na isinagawa ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang mga armadong elemento ng reaksyunaryong rehimeng US-Duterte sa buong bansa nitong ikalawang kwarto ng 2019. SA INISYAL NA tala ng Ang Bayan, […]

Esperon, maton ng pasistang mga pangulo
July 07, 2019

Mariing tinuligsa ng Karapatan ang pagsasampa ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ng kasong perjury (pagsisinungaling sa korte) laban sa Karapatan, Gabriela at Rural Missionaries of the Philippines matapos ibasura ng Court of Appeals noong Hunyo 28 ang kanilang petisyon para sa writ of amparo at habeas data. Ayon sa Karapatan, ang pagkaso ni […]

“Gera kontra-droga,” pinaiimbestigahan ng 28 bansa
July 07, 2019

Dalawampu’t walong BANSA ang sumuporta sa isang resolusyon na inihain sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) noong Hulyo 4, para itulak ang konseho na ituloy ang imbestigasyon sa lumalaking bilang ng mga pinaslang sa Pilipinas sa ilalim ng “gera kontra-droga.” Inaasahan na mapagdedesisyunan ng UNHRC ang naturang resolusyon, na inihain ng Iceland, bago magsara […]