Pambansang utang ng Pilipinas, pumalo nang P7.9 trilyon
LUMOBO NANG P1.9 trilyon ang pambansang utang ng Pilipinas mula nang maupo sa poder ang palautang na si Rodrigo Duterte. Noong Mayo, pumalo ang utang sa P7.9 trilyon, mas mataas nang 32% sa naiulat na P6 trilyong utang noong Hulyo 2016. Tumaas din ito nang 1.7% kumpara sa naitalang P7.8 trilyong utang noong Abril 2019. Ito na ang pinakamataas na inabot ng utang sa buong kasaysayan ng bansa.
Bunsod nito, tumaas nang 27% ang utang ng bawat Pilipino mula sa tinatayang P58,064 noong Hulyo 2016 tungong P73,672 noong Mayo. Ang pagsirit na ito ay direktang resulta ng sobra-sobrang pangungutang ng rehimeng Duterte para pondohan ang engrandeng programang imprastruktura nito na inaasahan nitong pansamantalang magpapasiklab sa ekonomya.
Pambansang utang ng Pilipinas, pumalo nang P7.9 trilyon