ISANG RIPLENG M16 at isang M14 ang nakumpiska ng BHB-Masbate mula sa inilunsad nitong ambus laban sa 2nd IB at CAFGU na nag-ooperasyon sa Sityo Mangga, Barangay Mactan, Cawayan, Masbate. Kumbinasyon ng mga riple at command-detonated na mga eksplosibo ang ginamit sa opensibang isinagawa noong Agosto 3, alas-8:30 ng umaga. Nakasamsam din ang mga Pulang […]
Tahasang konsolidasyon ng bulok na alyansang Duterte-Arroyo-Marcos—ito ang pangunahing layunin sa pag-agaw ni Arroyo sa liderato ng Mababang Kapulungan nitong Hulyo 23. Sa suporta ni Arroyo at ng mga Marcos, inaasahan ni Duterte na mailulusot na ang kanyang iskemang baguhin ang konstitusyon at bigyang daan ang plano niyang solohin ang poder at palawigin ang kanyang […]
Download the issue here Pilipino: PDF Hiligaynon: PDF
Tanda ng hindi malutas-lutas na pandaigdigang kapitalistang krisis, ibayong sumisidhi ang mga tunggalian ng mga kapitalistang bansa. Kasalukuyan nang ipinatutupad ng US ang pagpataw ng mga taripa sa mga produkto ng China na inaangkat nito matapos ang mahabang panahon ng palitan ng mga banta. Hayagan na rin ang girian ng US at European Union at […]
NOONG HULYO 16, nagsagawa ng isang programa ang mga mag-aaral ng Mindanao Interfaith Services Foundation Inc. (MISFI) academy at Center for Lumad Advocacy and Networking, Inc. (CLANS) sa kanilang kampuhan sa harap ng upisina ng Department of Education Region 12 para salubungin ang unang araw ng bagong direktor nito na si Allan G. Farnazo. Kasama […]
DALAWANG BESES NA NAGPROTESTA sa Quezon City Hall ang libu-libong guro na kasapi ng Quezon City Public School Teachers Association (QCPSTA) para igiit ang dagdag na sahod at ibalik ang kanilang alawans na tinanggal sa ilalim ng Joint Circular No. 1 noong 2017. Tatlong libong guro ang nagrali noong Hulyo 6 at noong Hulyo 16, […]
Kumportableng buhay ang pangako ni Duterte sa mamamayan sa unang araw niya bilang pangulo. Nangako rin siya ng kaayusan at kapayapaan sa mga komunidad, gayundin ng trabaho at pabahay sa mahihirap. Malinaw na pagpapaganda niya ito sa mamamayan, lalupa’t mayorya sa mga bumoto at umasa sa kanyang administrasyon ay mga maralita. Makalipas ang dalawang taon, […]
Labis na ikinagalit ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita ang inilabas na desisyon ng Korte Suprema nitong unang linggo ng Hulyo na pumapabor sa Hacienda Luisita Incorporated (HLI) na kontrolado ng pamilyang Cojuangco-Aquino. Sa naturang desisyon, ibinasura ang hinihingi ng mga magsasaka na P1.33 bilyong nalikom ng HLI mula sa pagbebenta nito ng 580 ektaryang […]
Inilunsad noong Hulyo 9 ang pinakaunang tigil-pasada ng mga drayber sa Kalinga. Pinangunahan ito ng Kalinga Federation of Jeepney Operators and Drivers Associations (KaFeJODA), isang bagong tatag na pederasyon ng maliliit na asosasyon ng mga drayber at opereytor sa pampublikong transportasyon. Nagtipon ang mahigit 150 drayber, opereytor at kanilang mga tagasuporta sa harap ng Kalinga […]
MARIING BINATIKOS ng BHB-Far South Mindanao Region (Valentin Palamine Operations Command o VPOC) ang bulaang pahayag ni Lt. Col. Erick Paraso, commanding officer ng 19th IB, na papatayin umano ng BHB sa North Cotabato ang sinumang kasapi nito na nagbabalak sumuko sa kaaway. Ani Ka Dencio Magdangal ng VPOC malinaw na nag-iimbento ang pasistang militar […]