Sa isang walang-bisang pagtatangka upang mailigtas ang pagiray-giray na pamamahala nito, ang papet na pangkat Rahman ay naglunsad ng isang pasista at sobinistang kampanya ng pananakot laban sa mga mamamayang iba’t-ibang nasyonalidad sa Malaya. Isinasagawa ng papet na pangkat Rahman ang kampanyang ito ng pananakot matapos dumanas ng malubhang pagkatalo ng reaksyoaryong Alliance Party nito […]
Ang pagkapapet ng administrasyong Marcos, sa kabila ng mga pagpapahayag nito ng “Malayang” patakarang panlabas, ay lubos na naipakikita ng pagpayag at pagsang-ayon nito sa absolutong karapatan ng mga imperyalistang Amerikano na pumaslang at nagsamantala sa manggagawang Pilipino sa mga base militar ng Estados Unidos. Isang manggagawang Pilipino, si Glicerio Amor, ay pinatay noong Hunyo […]
Ang Pansamantalang Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Timog Biyetnam ay iprinoklama at pumalit kaagad sa Pambansang Mapagpalayang Hanay ng Timog Biyetnam mula sa luklukan nito sa talakayan sa Paris. Ang mananalakay na Estados Unidos at ang papet na pamahalaang Saigon ay napakadaling ipinalagay ito bilang pagpapalit lamang ng pangalan. Nguni’t ang katotothanan ay ang pagkakatatag ng pansamantalang […]
Inihalal ng pamabansang kombensiyon ng Partido Liberal si Sen. Sergio Osmena bilang kandidato sa pagkapangulo noong ika-15 ng Hunyo at hinirang naman ng Partido Nacionalista ang kasalukuyang presidente, Ferdinand Marcos bilang kandidatong reeleksiyonista noong ika-21 ng Hunyo. Ang dalawang kombensiyon ay kapwa nagpatotoo sa kriminal na kaluhuan at kabulukan ng dalawang partidong burges-asendero. Sa darating […]
Nagprotesta ang pamahalaang Tsino sa Unyong Sobyet ukol sa panibagong panghihimasok, armadong pananalakay, probokasyon at pangungulimbat sa hangganan ng Tsina. Itinala ng protesta ang mga pangyayaring naganap mula noong Marso at masusing ipinamalas ang kararaan-lamang na mga anyo ng pananalakay. Naririto ang mga pangyayaring naganap noon Mayo: Noong ika-2 ng Mayo, nagpalabas ang pamahalaang Sobyet […]
Lalong maliwang ang estratehikong alyansa ng imperyalismong sosyal ng Sobyet at imperyalismong Amerikano nang idineklara ng papet na Presidente Marcos sa pangkulturang misyong Sobyet, na binuo ni Dr. Evgeny Ivanov, Dr. Julie Letonova at Alexander Kalov Philippovich, na “kami ay umaasa na magkakaroon ng higit na marami pang korespondensya, pangkulturang palitan at mapagkaibigang ugnayan.” Sa […]
Ang pagkakaganap ng Plenum ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon hindi lamang mula ng Kongreso ng Muling Pagkakatatag kundi mula pa ng may higit na labingwalong taon nang nakararaan ay malinaw na isang lubhang napakamakahulugang pangyayaring naghuhudyat ng bagong masigasig na mga pwersa ng rebolusyong demokratiko ng bayan na ngayon […]
As surely as the Communist Party of the Philippines is being regenerated, reoriented and reestablished under the supreme guidance of Mao Zedong Thought, the acme of Marxism-Leninism in the present era, the people’s liberation army which the Party commands as its principal instrument in the Philippine revolution is likewise being regenerated, reoriented and reestablished under […]