Nagmumula sa 77th “Cadre” Battalion ang mga sundalong nangangasiwa sa mga CAFGU sa Ilocos, Cagayan at Cordillera. Sa loob ng mga detatsment ng CAFGU, ang mga kadreman ng 77th IB ang nag-aastang panginoon ng mga paramilitar. Sila rin ang pasimuno ng bulok na kultura, nakawan at kalupitan sa mga residente sa mga baryong kinalalagyan ng […]
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsampa ng administratibong reklamo noong Pebrero 10 ang IBON Foundation sa Office of the Ombudsman laban sa mga upisyal ng reaksyunaryong gubyerno na nangunguna sa kampanyang Red-tagging ng rehimen. Kabilang sa mga kinasuhan sina Maj. Gen. Antonio Parlade, Jr., kumander ng Souther Luzon Command; Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Usec. Lorraine […]
Kabilang ang Sangley Point International Airport Project sa Cavite City sa mga niratsadang proyekto ng rehimeng Duterte sa ilalim ng programang Build, Build, Build. Pormal na pinasinayaan mismo ni Duterte ang nasabing proyekto noong Pebrero 15, walong buwan lamang matapos niyang i-utos na ilipat sa nasabing paliparan ang lokal na mga pampublikong byahe at pribadong […]
KASABAY NG PAGPAPASINAYA sa Sangley Airport, nagpahayag ang demagogong si Rodrigo Duterte na ipagbabawal na niya ang anumang proyektong reklamasyon sa Manila Bay ng mga pribadong kumpanya hanggang sa matapos ang kanyang termino. Gayunman, walang pangil ang pahayag na ito sapagkat inamin din niyang wala na siyang magagawa para ipatigil ang mga proyektong naaprubahan na. […]
Umani ng suporta ang kumpanya sa midya na ABS-CBN at mga empleyado nito mula sa iba’t ibang grupo at personalidad matapos magsampa ng petisyong quo warranto si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema laban sa kumpanya noong Pebrero 10. Matapos ang isang linggo, muling naghain si Calida ng “gag order” (petisyon para patahimikin) para […]
NAGLUNSAD NG PROTESTANG “Black Valentines Day” ang mga kasapi ng Unyon ng mga Manggagawa sa Harbour Centre sa pyer ng Manila noong Pebrero 14 para batikusin ang kawalang puso ng kapitalistang si Reghis Romero, may-ari ng Manila Harbour Centre (MHC). Ito ay para igiit na ibalik ang 253 manggagawa at lider-unyon na tinanggal ni Romero […]
ITINATAG NG KARAPATAN at iba pang progresibong mga grupo ang Defend Mindanao noong Pebrero 12 sa upisina ng Commision on Human Rights sa Quezon City. Isa itong alyansa ng mga organisasyon na nagtatanggol sa mga aktibista at tagapagtaguyod ng karapatang-tao sa Mindanao. Sa harap ito ng walang-habas na paglabag ng mga pwersa ng estado sa […]
Tatlong Pulang mandirigma ang pinaslang ng 81st IB sa Barangay Namatican, Sta. Lucia, Ilocos Sur noong Pebrero 13. Ayon sa imbestigasyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Ilocos, dinukot ng mga sundalo sina Julius “Ka Goyo” Marquez, Ennabel “Ka Onor” Balunos at Ma. “Ka Ricky” Finela Mejia sa kanilang tinutuluyan. Matapos nito ay pinagbabaril ang tatlo nang […]
Nagtipon sa Mendiola, Manila ang mga progresibong grupo para sa taunang One Billion Rising (OBR) noong Pebrero 14. Pinangunahan ng Gabriela ang programa at sayaw-protesta. Magmula 2012 ay taun-taon nang isinasagawa ang OBR, isang kampanya ng pagkakaisa ng mga kababaihan sa buong mundo para labanan ang karahasan sa kababaihan at mga bata. Nilalahukan ito ng […]
Magkasabay na sinalakay ng mga pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group, PNP-Tacloban at mga sundalo ang mga upisina ng Bayan-Eastern Visayas sa Fatima Village, Bañezville, Barangay 77 at upisina ng Eastern Vista sa Calanipawan Road noong Pebrero 7, ala-una ng madaling araw. Iligal na inaresto sa reyd sina Marissa Cabaljao ng People Surge kasama […]