SA KABILA NG panggigipit ng rehimen, matagumpay na nailunsad ng mga tsuper sa Albay at Camarines Sur ang kanilang tigil-pasada noong Nobyembre 25-26. Ikinasa ang welga bilang paglaban sa iskemang “modernisasyon ng dyip” na papatay sa kabuhayan ng mga opereytor, drayber at mga manggagawa sa industriya ng dyip. Sa unang araw, idineklara ng Condor-PISTON na […]
Mariing kinundena ng rebolusyonaryong kilusan ang iligal na pag-aresto kay Jaime Padilla (Ka Diego), tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southern Tagalog. Si Ka Diego, 72, ay dinakip noong Nobyembre 25 habang nagpapagamot sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City. Sumasailalim siya sa masusing panggagamot ng mga duktor dahil sa sakit sa puso. Iginiit […]
Nangangamba ang mga kaanak at tagasuporta ng mga bilanggong pulitikal sa posibleng paglilipat ng kanilang mga kaanak sa mga lokal na bilangguan. Kabilang sa planong ilipat ang mga nakapiit sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City na sina Frank Fernandez at Cleofe Lagtapon, Adelberto Silva, Oliver Rosales, Edisel Legaspi, Ireneo Atadero, Julio Lusania at Maximo […]
Mensahe ng Partido Komunista ng Pilipinas para sa Kabataang Makabayan sa ika-55 anibersaryo nito at sa ika-156 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio. Ipinapaabot ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang mainit na pagbati sa pamunuan at kasapian ng Kabataang Makabayan (KM) sa okasyon ng ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Ngayon rin ang ika-156 anibersaryo […]
Download the issue here Pilipino: PDF Waray: PDF English: PDF
Download the issue here Pilipino: PDF | EPUB | MOBI Bisaya: PDF | EPUB | MOBI English: PDF
Okupasyong militar sa sibilyang mga komunidad sa anyo ng Community Support Program (CSP) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mukha ng “whole-of nation” approach ng programang “kontra-insurhensiya” ng rehimeng US-Duterte sa Masbate. Ang grupo ng mga isla (Ticao, Burias at Masbate), itinuturing na isang prubinsya ng Bicol, ay nakapailalim sa de facto na […]
ISANG YUNIT NG 14th IB ang inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Eastern Samar sa Sityo Bangon, Barangay Pinanag-an, Borongan City noong Nobyembre 11, alas-5 ng hapon. Pinasabugan ng mga Pulang mandirigma ang mga sundalo. Sa panimulang mga ulat, anim na sundalo ang napatay, kabilang ang tatlong upisyal, sa ambus ng mga Pulang mandirigma. Hindi rin […]
NAGHAIN NG PETISYON sa Malacañang ang mga residente ng Marawi City at Lanao del Sur upang pigilan ang planong pagtatayo ng dagdag na kampong militar sa kanilang syudad. Umabot sa 100,000 katao ang pumirma sa petisyong isinumite noong Nobyembre 15. Target itayo ang kampo sa Barangay Kapantaran, isa sa 24 barangay na pinakaapektado sa pambobomba […]
Isang kapitan ng barangay at anim pang sibilyan ang pinatay ng mga elemento ng 2nd IB at pulis sa Masbate noong unang linggo ng Nobyembre. Kinilala ang kapitan na si Wolfert Dalanon ng Barangay Libertad, Cawayan. Binaril siya ng mga sundalo noong Nobyembre 6 sa pinalabas ng mga sundalo na engkwentro sa pagitan nito at […]